❂ Chapter 43: Boss Battle ❂
Sa labas ng siyudad, nakapaghanda na rin ang ilang sundalo sa pagsugod para iligtas si Sirika sa loob ng dungeon. Nalaman nila ito sa tulong ni Mario na inaalalayan ng tauhan niyang si Has pasakay sa karwahe. Mayamaya ay inutusan na ng isang tauhan niya na nakasakay sa kabayo ang mga sundalo na umarangkada na at sila'y sabay-sabay na nagsialisan.
Nakita naman ito ni Aster at ng ilang kasamahan niya. Nagsenyasan sila ng pagtango para gawin ang paghabol sa kanila. Mabilis nilang tinungo ang mga bantay sa labas at sa itaas ng pader ng tarangkahan, pinabagsak ito nang hindi sila namamalayan. Sumenyas ang bawat isa na nagawa nilang tapusin ang sagabal kaya sila'y nagsipuntahan sa horse stable para kumuha ng mga kabayo. Sakto lang sa kanilang apat at sila'y umalis na rin ng siyudad.
"Medyo maayos na po ba ang lagay niyo Ginoong Mario?" tanong ni Has sa kaniya.
"Oo medyo, nakakaramdam pa rin ako ng panghihilo," tugon niya kahit ayaw niyang tumugon sa tanong nito. Hindi niya alam kung bakit napakabait nito sa kaniya sa kabila ng pagiging strikto at pagkamasungit niya. Nakilala niya si Has noong ipagkitawala siya ng kaniyang ama sa kaniya. Siya rin ang una niyang naging tauhan, isang noble rin at kakapasok bilang knight pero hindi ganun katanyag gaya ng sa pamilya niya.
Sandaling kumuha si Has ng isang bagay sa kaniyang bulsa. Isang bote na may lamang pill at kumuha siya ng isang piraso para ibigay sa kaniya. "Nakuha ko ito sa isa mga Shadow Killer at nalaman kong gamot ito na mula sa Silver Cure..." aniya na ikinagulat nila.
"Oo, nakakugulat kung bakit mayroon silang gamot na ito. Maaaring nakaw nila sa mga nabiktima nila o sa kalakalan mismo ng mga gamot, pero 'di bale nang isipin iyon ngayon basta't makatulong ito sa panunumbalik ng ating lakas sa pakikipaglaban natin sa kanila," dagdag niya at ibinigay ang isang piraso kay Mario.
Bago niya tanggapin ay naalala niya ang pangalan na kaugnay sa Silver, wala ibang pumasok sa isipan niya kundi ang pangalan ni Rokas, Rokas Silver-Shill. Naisip niya na baka siya ang taong nasa likod ng organisasyon na iyon na dati na nilang gustong angkinin sa Silverstead. Saka niya lang natandaan na siya rin ang taong bumabanga sa kaniya sa tuwing bumibisita siya roon. At isang beses na ginawa siyang katatawan sa harap ng maraming tao.
Kaya naman napuno ng galit ang kaniyang isipan at nagsabi, "Hindi ko kailangan niyan!" pagtatangi niya na ikinataka ni Has at ng isang kasamahan niya sa karwahe.
"Huh? Pero gamot ito sa iyong-"
"Hindi, ang ibig kong sabihin ay meron na akong gamot na makakatulong sa akin. Mas kailangan niyo iyan," pagliliwanag niya para lang pagtakpan ang galit at pagmamalaki sa sarili.
"Sige po naiintindihan ko," may panghihinayang sa kaniyang tono at aktong ibabalik iyon sa kaniyang sisidlan.
"Ahh teka, maaari ko bang tingnan?" pagbabago nang isipan ni Mario dahilan para magtaka ulit si Has sa kaniya. Tumango naman siya ng pagsang-ayon at muli niyang iniabot kay Mario.
Nang makuha niya ang bote ay palihim siyang ngumiti habang nag-iisip ng masamang balak, 'Hmm! Mukhang sapat na ito para malaman ang sikreto sa likod ng gamot na ito... Wala na akong pakialam sa organisasyon mo, ngayon na nasa akin na ito, magagawa na kitang durugin! Hahaha!'
Boom!
Malakas na pagsabog malapit sa kanila dahilan ng biglaan nilang pag-aalala at pangamba.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasyAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...