❂ Chapter 11: Search for help ❂
Mahigit dalawang oras na ang lumipas simula nang makarating ang grupo ni Gin sa Ilugan. Kasalukyan na muna siyang mag-isang bumibili ng mga gamit at sangkap sa mapagkakatiwalaang tindero na dati na niyang kakilala.
"Lahat ng mga iyan ay sariwa at bago pa, kaya makakaasa kang gaganda ang kalidad ng iyong pagluluto sa inyong paglalakbay," aniya at binigay ang mga sangkap tulad ng sariwang karne ng baka at usa, iba't ibang pampalasa at kagamitan sa pagluluto.
"Salamat ng marami, Lukas." Pasasalamat ni Gin at saka na niya nilagay isa-isa sa mahiwagang sako na kakasya sa lahat ng kanyang nabili.
"Hindi ko maintindihan kung bakit ka napabisita dito sa Ilugan kung isa ka ng Steward ng Basil. Ano ba ang nangyari at bakit kayo naglalakbay ng napakalayo?" naguguluhang tanong ni Lukas na nagpaisip saglit kay Gin.
"May mga sumugod na bayarang tao sa lugar namin at 'di namin alam kung bakit nila gustong kunin ang bagay na wala naman sa amin. Maraming tao ang kanilang sinaktan at dinamay, ang iba ay nauwi sa kasawian... Salamat sa Panginoon dahil nagawa naming paalisin ang mga taong iyon kahit nakakaunti lang ang guwardia namin. Subalit, hindi pa rin sila titigil hangga't 'di nila nakukuha ang kanilang gusto. Kaya naman, hihingi kami ng tulong kay Ginoong Gideon upang mabigyan sila ng nararapat na leksyon sa kasalanang ginawa nila sa amin," mahabang pagpapaliwanag ni Gin na nagpalumbay rin kay Lukas.
"Dapat nga lang silang mabigyan ng leksyon. Kung ako ay nasakatuyan din niyon, hindi ko rin sila mapapatawad... Bakit pala kayo Ginoong Gideon hihingi ng tulong? Maaari naman kayong sumangguni sa hukbo ng Rolmor, 'di ba? Magpapadala lang kayo ng sulat at hintayin niyo na lang ang responde nila sa inyo."
"Kinalulungkot ko Lukas, dahil wala ni isa sa kanila ang rumeresponde sa paghingi ng tulong namin sa kanila. Hindi naman nila kami sakop ng kanilang lupain, kaya bakit sila magsasayang ng oras para tulungan ang hindi naman sa kanila? Ganun din ang Algaren at isisanantabi lang kami," wika ni Gin na may diin sa tono at nagbigay problema naman kay Lukas.
"Hayss!... Marahil ay hindi pa rin nagbabago ang pananaw ng mga tao ngayon. Iniisip lang ang kapakanan at sarili nila, kayamanan, kapangyarihan, antas sa lipunan, wala nang mas bubuti pa sa mundong 'to kung puro karahasan at kasakiman na lang ang naghihinantay sa buhay natin... Pero, masuwerte pa rin kayo dahil isa sa mga bayani ang maaaring tumulong sa inyo. At isa pa, kaibigan ka din niya at ang alkalde ng baryo niyo, siguradong hindi siya mapipilitan o makakatangi na tulungan niya kayo.
"Oo nga po... Nakakahiya nga po kung makikipagkita lang ako sa para humingi ng tulong sa kaniya, lalu na't sinanay niya ako maging malakas para protektahan sila at mauuwi lamang sa ganito," malungkot na pagkakasabi niya na ikinatawa naman ni Lukas.
"Wala ka dapat ikahiya sa kaniya dahil minsan lang siyang makita sa iisang buwan o taon. Isang karangalan nga iyon para sa akin na makita ko siya ng harapan ulit, dapat ganun din kayo," pagbibigay saya niya kay Gin dahilan para bumalik ang kanyang ngiti.
Huminga siya ng malalim bago magwika ulit. "Sana naman may araw din siyang makabisita dito sa Ilugan. Sisiguraduhin kong ako ang magiging pangunahing tindero niya! Hahaha!"'Ilang taon na ring 'di ko siya nakikita. Sir Gideon.' sa isipan niya habang pinagmasdan ang maulap na kalangitan at pinakiramdaman ang ihip ng hangin.
"Sige, aalis na po ako," wika ni Gin matapos ilagay lahat kanyang mga gamit sa sako at sinaklay ito sa kanyang likuran.
"Sandali, meron pa akong ibibigay sa iyo," pahabol niyang wika na ikinatigil ni Gin.
Inilatag niya sa mesa ang tatlong maliit na bote at masayang pinakita ito sa kaniya."Ano ang mga ito?"
"Mga gayuma, mababago nito ang pandama sa loob ng lima o pitong minuto."
"Kanino mo naman nakuha ang mga iyan?
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasyAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...