❂ Chapter 33: Telam Hor ❂
Nadatnan na rin nila Jharel at kaniyang mga kasamahan ang lupain ng Elirel. At sa bayang ito na tinatawag na El-Hor, nakatira ang bantog na salamangkero na si Telam na makapagbibigay sa kanila ng tulong para magamit ang Buto sa kabutihan. Makikita ang mga yelo na bumabalot sa paligid at mararamdaman ang malamig na simoy ng hangin.
Sila na ngayon ay papalapit sa malaking tarangkahan, nakapalibot ang mga bantay at nakaabang sa kani-kanilang posisyon. Huminto na sila sa labas malapit sa likod ng pader ng bayan at bumaba sila na sa loob ng van. Habang papasok sa loob ng bayan ay hinarangan kaagad sila ng mga guwardiya para siyasatin sila.
"Sino kayo at anong pakay niyo dito?" sambit nito.
"Nais namin makita si Ginoong Telam. Ako at ang mga kasamahan ko ay may mahalagang tungkulin na makakatulong sa paglalakbay namin sa tulong niya."
"Mga manlalakbay na naman. Sige maaari na kayong pumasok basta na 'wag ninyong idamay ang sarili niyo sa disgrasya. May mga grupo kasi na nangbibiktima ng mga manlalakbay at ilan beses na namin sila tinutugis, subalit 'di namin malaman ang eksaktong lugar ng kuta nila kaya 'di namin mahanap kung saan talaga sila nagtatago. Mag-ingat na lang kayo sa kanila lalong lalo na paggabi.
"Salamat po." Pasalamat ni Edward at sila'y pumasok na sa loob ng bayan.
"Hayss... May mga taong din pa lang nangugulo dito," buntong hininga at ani ni Gabriel habang sila'y naglalakad sa daan.
"Kapag nasalubong natin sila bukas o sa mga oras na ito, alalahanin niyo lang ang mga natutunan ninyo sa pagsasanay nang sa ganun ay magawa niyong ipagtanggol ang mga sarili ninyo sa panganib na idudulot nila sa inyo... Pero 'di parin tayo nakasisiguro na magiging maayos ang ating pagbisita dito kaya ihanda niyo lang lagi ang sarili niyo," paalala ni Edward sa kanila na sinang-ayunan naman nilang lahat.
Habang naglalakad papunta sa loob ng siyudad at makahanap ng malapit na otel. Nakita nila ang mga tindahan at mga bahay ay halos nakasira at walang gaanong tao na naglalakad.
"Kakaunti lang ang mga bukas na tindahan at mga taong naglalakad dito," ani ni Rika na nagbigay pansin din sa kanila patungkol sa paligid nila.
"Dahil na rin yata sa malamig na klima kaya sa loob lang sila nagpapahinga."
"Nakita ko na yung otel nila, pansamantala muna tayong magpainit sa loob at tiyak na mapagkakuhaan tayo ng impormasyon kung saang makikita si ginoong Telam.
Pumasok sila sa loob at pumuwesto sa bakanteng mesa na may mga upuan sa gilid. Nagtanong si Edward sa isang lalaking may-ari ng otel kung saan makikita si Telam.
"Si Ginoong Telam? Sa dulong dulo pa ng kalyeng Iren. Liliko lang kayo sa pangalawang kanan mula dito at mararating niyo na ang manor na pinagtutuluyan niya."
"Maraming salamat po... Tatlong Rubaya at Kokoa na rin po sa aming anim. Paki-dala na rin po doon 'yun lima sa ikaapat na mesa," tugon niya at agad naman silang pinaghanda ng maiinom.
"Gaano po ba kabantog si Telam, Sir?" mausisang tanong ni Lyan.
"Di ko alam, ngayon ko lang siya makikita ehh. Pero sigurado ako na matutulungan tayo na malaman kung paano natin gamitin ang buto sa kabutihan."
"Hehehe... Excited kasi akong makita siya ehh. 'Di ko mapigilan ang sarili ko na malaman ang tungkol sa kaniya."
"Ganun ba?... Bakit 'di mo muna sila samahan doon?"
"Ahh! Sige po, salamat po sa panlilibre niyo sa amin Sir." Pasalamat at bahagyang pagyuko ni Lyan bilang paggalang na ikinatuwa naman ni Edward. Saka na siya umalis at pinuntahan sila Jharel.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasíaAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...