Chapter 8

1.1K 84 3
                                    

Chapter 8: Midnight Pursuit 

Narito kami ngayon sa lumang cabin ng mga mangangaso sabi ng Kuya Gin. Namatay na raw yung may-ari nito noong kapanahunan pa ng kabataan ni Tandang Bam, kaya ganito lang kaluma at abandunado ang lugar na ito. Kinuwento niya sa amin na ang mangangasong iyon ay tumulong kanila Duandor at Tandang Bam sa paghatid sa kanila sa nakatagong sibilisasyon ng Ludas, o yung mga survivor ng naglahong siyudad na tinatawag nilang Nerestya.

Sandaling pinalangin ni Kuya Gin ang mga pagkain na nakahain sa harapan namin, sa maliit na mesa, at pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain. Unique din yung klase ng pagdadasal nila, parang bukal sa puso na inilalapit nila sa panginoon nila.

Ang mga pagkain namin ngayon ay pork stew, leek, cabbage at carrots na half cook, mga tinapay at isang mainit-init na sabaw ng Ferlis. Sa ngayon, wala pa kaming nakakain na kanin simula ng dumating kami dito pero sapat na ito para tugunan ang aming tiyan.

Matapos naming kumain, nanatili pa rin kaming nasa labas nagpapainit sa bonfire ng malamig na gabi na ito. Mataas kasi ang cabin na ito at kailangan pang umakyat papasok sa loob. Malaki-laki rin ang bahay na ito at merong 2nd floor kung saan pwede kaming magmasid sa ibabaw ng gubat.

Tungkol pala sa taas, makikita mo talaga ang napakaraming bituin sa langit na talagang mapapatitig ka ng matagal dahil sa ganda nito. Yung feeling na gusto mong bilangin isa-isa... Haha! Joke! 'Di ko magagawa iyon. Pero si Rika ay nakatitig pa rin sa itaas tila binibiling niya nga...

Hindi lang pala bituin ang nagpapabuhay sa gabing ito, pati rin yung mga tunog ng mga hayop na tila kakila-kilabot pakinggan, tulad na lang ng kuwagong nasa likuran namin.

"Bakit naman ganito ka inggay ang mga nagsisi-ungol na mga wolf at nocturnal owl na narito? Talagang nasa likod ko pa nakatayo?" ani ni Lyan na medyo nababahala.

"Dito sa Sarim, marami talagang mga mapapanganib na nilalang na nagsisilabasan tuwing gabi. Tinatawag namin silang Nerankurnal, mga nilalang na nagbabantay tuwing gabi at sa araw naman sila ay Neranestal." tugon sa kaniya ni Gin.

"Meron ding bang spirit o enchanted creatures na umaaligid dito sa gubat?" tanong ulit ni Lyan na ikinataka ko. Bakit takot din ba siya sa mga i-spirit o sa mga multo?

"Meron, sila ang mga pangunahing bantay ni Neren at tinatawag namin silang Nerasparna. Sila ay karaniwang matatagpuan malapit sa puso ng Naerenar at may malalakas na kapangyarihang taglay kaysa sa inaasahan niyo."

"Neren? 'Di ba siya yung pinaniniwalaan niyong Spirit Guardian ng kalikasan?" sabat ni Kuya Gab.

"Oo, siya ang nagbibigay sa amin ng biyaya at lakas na matatagpuan namin sa gubat na yaon, ganun din ang kaliwanagan ng aral niya para protektahan kami sa kabulukan ng mundo at bigyan kami ng matatag na pananampalataya."

"Ahh, I see..." ani ni Lyan.

Tungkol nga pala sa paniniwala nila, makakatanggap daw sila ng dalisay na kaluluwa kung sila ay magpapasalamat sa biyayang nataggap at gumawa ng pananalangin doon sa maliit na templo nila, sabi ng pari o monghe nila. Nalaman ko rin sa pangunahin nilang aral na sadyang mahina ang mga tao dahilan para malagay sila sa tukso at kasamaan ng sanlibutan. Dahilan din kung bakit nagkaroon ng mga masasamang espirito o yung tinatawag nilang Nedaros.

"Can we just stay somewhere safe?... The howling and screeching of creatures are making me feel nervous!" aniya na may pag-iinarte. English pa talaga ahh...

"Sigurado bang safe tayo dito?" alalang sabi rin ni Rika.

"Hahaha! H'wag kayong mag-aalala, sinisigurado ko na magiging ligtas kayo rito," masayang wika ni Gin na may ngiting pang-aasar. Hindi naman nakatulong kay Lyan, tila nainis at nilayo na lang ang tingin sa iba.

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon