❂ Chapter 6: Request ❂
Nag aalala ang maraming tao sa natamong sira, kawalan ng ari arian at sa mga sugat ng ilang mamamayan at mga gwardiyang nakipaglaban, kabilang din si Edward sa nasugatan. Sila Jharel ay nasa loob ng pagamutan, inaalala ang mga kasamahan na nasaktan.
"Hindi maaari!.. Tchh!" singhal ni Edward matapos mabasa ang sulat.
"Bakit po?" takang tanong ni Lyan.
"Siya ang nagpakana ng lahat! Kung pinigilan ko lang siya noon, 'di sana mangyayari ito," tugon niya na may pagsisisi dahilan para magulat ang lahat.
Nakiusap si Gabriel na tingnan ang sulat at nakibasa rin sila Jharel sa tabi niya. Sandaling nabalot ng katahimikan ang paligid nang basahin nila ito. Makikita sa kanilang mukha ang pagkatiyak na malaman ang dahilan ng pagpunta ng mga kalaban.
"Sino ba yang Darel na iyan? Siya po ba ang dating nanggulo sa inyo?" ani ni Manuel kay Edward, dala rin ng kanyang kuryosidad.
"Hindi, siya ang—"
Napatigil siya sa pasasalita nang may kumatok sa pinto ng kanilang silid. Binuksan ni Gabriel ang pinto at nakita nila ang assistant o steward ng alkalde. Malaking pagkagalak nila Rika at Jharel sa pagbisita sa kanila ni Gin na siyang bayaning nagligtas sa kanila sa panganib.
"Ahh! Kuya Gin!..." galak na bati ni Rika at maagap na lumapit sa kanya. "Salamat po sa pagligtas niyo sa amin!"
"Walang anuman. Nagpapasalamat din ako na hindi kayo masyadong nasaktan."
"Kamusta po pala sila Ate Alira?"
"Kasalukyan na silang pinapagaling ng mga manggamot dito sa pagamutan kaya bubuti na rin ang kanilang kalagayan."
Laking tuwa niya na marinig iyon sa kanya at bahagyang yumuko sa kanya at nagpasalamat. Binigyan na lang siya ni Gin ng malapad na ngiti.
"Bakit ka pala napabisita Ginoong Gin?" sabat ni Gabriel.
"Nais ni tandang Bam na makisama kayo sa aming pagpupulong, mamamayang ika-7 ng gabi, sa kaniyang bulwagan. Kailangan namin ng pagkakaisa niyo at nawa'y makatugon kayo."
"Sige susunod kami," masayang tugon niya.
"Salamat... Sir Edward, magpagaling po kayo," aniya at tumungo si Edward na may pagpapasalamat.
"Sige, maiiwan ko na kayo."
Sinirado niya ang pinto at iniwan sila na nagtataka kung bakit sila gustong isama sa pagpupulong nila. Nakapag-timpi ng galit si Manuel dahil sa mga mersenaryong sumalakay sa bahay-paggawaan ng karwahe.
"Nakakainis yung mga lalake kanina! Pati panaman ako hinanapan ng taeng butong iyon! Tapos hinalugad pa talaga yung loob ng van ko! Parang gusto kong manapak nung oras na iyon ehh!" daing nito sa tabi kaya nabalin sa kanya ang atensyon ng kasamahan niya.
"Sino-sino ba kasi yung mga taong nanggulo kanina? Bakit ba nila ginawa iyon?" dagdag pa niya.
"Pasensya na kayo kung nadamay pa kayo sa kaguluhan na ginawa nila. Patawad na 'di namin sila napaalis kaagad." malungkot na paghihingi ng tawad ni Edward.
"Huwag po kayong mag-sorry Sir, 'di niyo naman po iyon kasalanan." tugon ni Lyan.
"Pero sila ay bunga ng aming kapabayaaan. Kung 'di lang namin hinayaan na mangyari iyon, 'di sana kayo napahamak."
"Ayus lang po iyon kuya Edward. Nakaligtas naman po kami sa kanila."
"Hayss... Talaga naman. Bakit pa kasi tayo napadpad sa lugar na ito?" daing muli ni Manuel dahilan para punahin siya ni Gabriel.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasyAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...