❂ Chapter 21: A Miracle? ❂
Patuloy lamang sila Jharel na naglalakad sa loob ng kuweba. Makikita ang ilaw na galing sa sulo nila ay pahina na nang pahina, habang papalalim din nang palalim ang dinadanaan nila sa loob ng kweba.
"Pwede ba hanggang dito na lang tayo? Wala pa namang humahabol sa atin ehh," mungkahi ni Lyan sa kanila.
Lumingon naman si Jharel kay Rika at pinakiramdaman niya siya ng taimtim. Nalaman niyang balisa pa rin ito sa naging pagkilos niya. Kaya hinawakan niya ang kamay ni Rika at binigyan ito ng makahulugang ngiti na ikinataka niya.
"Okay na kami Rika dahil iniligtas mo na kami. Hindi mo na kami kailangan alalahanin pa kaya magpahinga na muna tayo," mungkahi ngayon ni Jharel dahilan para mapatigil niya siya sa paglakad, ganun din sila Lyan at Gabriel.
Hindi mawari ni Rika ang dapat niyang gawin, hindi rin siya makatingin ng direkta sa kaniya. Iniisip niya kung anong mabuting disisyon para sa kaniya at sa kanila. Hind nagtagal ay nagawa niya sabihin sa kanila ang totoo.
"Natatakot ako Jharel, hindi ko alam kung dapat kong paniwalaan ang mga nakita ko. Hindi ko alam kung..."
"Kung totoo ngang nakita mo ang pangyayaring 'yon, di na kami magtataka pa. Dahil ngayon pa lang ay ginagawa mo na ang makakaya mo para ilayo kami sa kapahamakan... Kaya h'wag ka ng matakot dahil nandito lang kami para sa 'yo," panatag na pagkakasabi niya dahilan kung bakit mapatingin si Rika sa harapan niya.
"Tama si Jharel, Rika dahil narito ako para protektahan kayo!... Kayang-kaya kong labanan sila gaya ng ginawa kong pagharap sa pinuno ng Red Hunter na 'yon!" kompyansa niyang sabi sa kanila na ikinangiti ni Jharel at mapilitan si Lyan na sumunod sa disisyon nila.
"Hayss! Kung 'yan ang sinabi ni idol hindi ko na rin ito matatanggihan pa... Hindi ko pa alam kung magagawa ko silang labanan gamit ang pipityugin kong mahika dahil ngayon ko pa lang naman ito pag-aaralan."
"Uhmm... Sige, kung 'yan ang sabi niyo," mahinang bigkas niya na ikinatuwa na lang nilang lahat.
Dahil doon ay nagkaroon na sila ng resolba na magiging maayos lang ang lahat. Binababa na nila ang kanilang bag sa malapit na bato at sinimulan na ni Gabriel ihanda ang siga na mapagpapainit sa kanila sa malamig at madilim na kuwebang iyon.
"Ako na ang gagawa ng apoy," wika ni Gabriel nang kunin niya ang makinis na batong pangkiskis.
"Di na po kailangan Sir Gab dahil may magic powers na ako..." aniya sabay ngisi sa paglapit niya kay Gabriel.
"Ohh sige!"
"Kanina lang parang takot na takot siya pumasok sa kweba, ngayon payabang na niyang binabanggit 'yung magic niya," wika ni Jharel sa kaniyang isipan.
Pinagmasdan nila si Lyan na gagamit ngayon ng magic. Pinagnilayan niya ang bawat segundo para palabasin iyon sa kaniyang palad. Ilang saglit ay lumabas na nga ito na ikinamangha nila lalo na si Gabriel na ngayon lang siya nakasaksi. Matapos niyang ilapit iyon sa panggatong na kahoy ay nagliyab iyon nang malakas gaya ng apoy sa pugon.
"Wow! Totoo nga na may magic ka nga! Pero paano?" mangha at tanong ni Gabriel.
"Hahaha!... Siyempre ako pa! Nagpraktis ako ng maraming araw para matutunan lamang ito. Lahat ng gawain na may hardwork ay nagtatagumpay! 'Di ba?" ngiting sambit niya at kompyansya niyang pagkakasabi na ikinangiti na lang nila Rika at Jharel ng pilit. Natagpuan na lang ni Jharel na medyo gumaan na ang ekpresyon ni Rika na ikinatuwa niya ngayon sa kaniya.
"Pwede ko rin ba iyang matutunan?" interesadong tanong ni Gabriel.
"Oo naman! Sir Gab!... Eto nga pala yung scroll," aniya habang kinuha ang scroll sa bag para ibigay kay Gabriel. "Babasahin niyo lang iyan at boom! Magkakaroon na kayo ng magic power!"
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasyAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...