❂ Chapter 37: The Academy of Magic ❂
Napaginipan niya naman ulit ang aksidenteng kinamulatan niya noong unang nasa biyahe pa siya. Nagpatuloy ito sa isang madilim na kalsada at malakas na pagpatak ng ulan. Nabigla siya sa nakita niya na may nabunggo mga kotse sa harap niya. Tumakbo siya sa nabunggong kotse at nakita niya sa likod ang dalawang nag-aagaw buhay. Lubos siyang nagulat na natagpuan niya ang kaniyang ina at sa batang lalake na naroon ay ang batang sarili niya.
'Si Ina at ako 'yun!... 'Di maaari!...'
Nakita niya na naglakad paalis ang kaniyang ina na sugatan, hawak-hawak ang kaniyang anak na si Jharel paalis sa insidenteng iyon.
"Sandali!" sigaw ni Jharel pero hindi siya narinig at nagmadaling umalis lamang ito sa daan. Kaya naman, sinubukan niyang sundan ito papunta sa kakahuyan na may malalagong damo at halaman.
Hindi naman nagtagal ang kaniyang paghabol sa kanila nang madatnan niyang may nagliliwanag na bagay sa lugar na kinatatayuan ng kaniyang ina. Laking gulat na lang niya ng makita niya ang liwanag na umiikot na parang butas kasabay ng malakas na paghigop ng hangin na nasa paligid niyon. Kahit sa kinatatayuan niya ay mararamdaman ang malakas na ihip ng hangin na humahapas sa likuran niya.
Ilang sandali ay unti-unting hinihigop ang katawan ng kaniyang ina dahilan kung bakit ito nanghihina. Pilit niyang labanan ang malakas na daloy ng enerhiya na humigop sa kaniya sa sandaling iyon na ikinataka naman ni Jharel.
Gusto niya sanang puntahan silang dalawa at tulungan sila. Pero bigla na lang lumitaw ang itim na liwanang sa katawan ng batang Jharel na sumasaklob sa katawan ng kaniyang ina. Hindi man niya masyadong makita ang nangyayari sa kanila pero alam niyang nasa panganib silang dalawa.
Kasunod niyon ang pagbago ang ihip ng hangin na nasa harapan naman niya ito tumatama dahilan para siya'y mahirapan ding lumakad. Unti-unti niyang hinahakbang ang mga paa upang makalapit sa kanila at hanggang sa maabot niya ang katawan ng batang Jharel at makita ang nalalapit na pagkawala ng kaniyang ina.
Pilit din naman abutin ni Jharel ang kamay ng ina, ngunit lumusot lang na parang hangin at walang nahawakan. Hanggang sa sumabog ito ng malakas na liwanang sa harapan niya kasabay ng biglaang pagbangon sa kaniyang hinihigaan.
~~~~~***~~~~~
Pinag-papawisan at hinihingal ang makikita sa lagay ni Jharel at gulat sa kaniyang mukha.
"Huhh?... Umaga na ba?" naalingpuyatan wika ni Rika sa tabi niya dahilan para mapabuntong hininga sa kaniya si Jharel.
"Mukhang natatakot yatang 'tong mag-isa doon sa silid kaya siya lumapit sa akin... 'Di bale na nga." Sa isipan niya habang pinagmamasdan niya si Rika na may gulo-gulong buhok at nakasuot na puting pajama, ganun din siya.
"Anong bang nangyari Jharel? May napaginipan ka bang masama?"
"Uhmm... Oo... Napaginipan ko na naman ang aksidenteng iyon... Pero bakit ganun? 'Di ko maintindihan."
Bigla na lang yumakap si Rika sa kaniya na ikinagulat niya at naramdaman ang mainit na pagyakap sa kaniya.
"Alam kong pagod ka lang kaya matulog ka pa. Hayaan mong matulungan kita at i-relax ang isipan mo."
Humiga muli si Jharel pati si Rika sa tabi niya, niyakap siya at kinomportable. 'Di naman makaimik si Jharel dahil medyo nakakaramdam siya ng hiya sa ginagawa niya.
"Pasensya ka na Jharel, kung di kita nagawang tulungan noon. Ako pa yata ang nagdala sa inyo sa kapahamakan, kaya kayo nahihirapan... "
"Hindi mo naman kasalanan iyon," tugon ni Jharel na ikinatuwa naman ni Rika.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasyAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...