Chapter 38

379 34 0
                                    

Chapter 38: Application and Operation 

Pagtatakang pinagmasdan nila Telam si Jharel na parang 'di alintala ang lamig na gumiginaw sa kaniya, ganun din ang pagpalabas niya ng kakaibang liwanag na pumapalibot sa kanilang tatlo. Laking pagtataka naman ni Rika ang naramdaman niyang init sa katawan at sa liwanag na lumitaw palibot sa kanila.

'Teka?... Jharel?'

Nginitian niya lang si Rika at inalalayan na tumayo sa sahig. Galak niyang pinagmasdan ang pagtulong sa kaniya ni Jharel at sa taglay niyang kakayahan na ikinamangha niya ng lubusan. Pinuntahan din ni Jharel si Lyan na nakaraos na rin sa pangangatog sa lamig at lubos din siyang namangha sa kaniya.

"Galing mo talaga Idol! Paano mo ba nagawa iyon?!"

Napangiti na lang din si Jharel at takang nagsabi, "Hindi ko alam... Ang ginawa ko lang ay tinuon ko ang sarili ko para palakasin at palawakin ang sakop ng aura ko."

Hindi naman gaanong naintindihan nila Rika at Lyan ang ginawa niya pero masaya sila sa kanyang nagawang miraglo.

Saka naman huminto ang pagragasa ng malamig na hangin sa labas ng mala-kulambo na liwanang. Nabalin ang atensyon nila sa paligid at nakita nila ang paglapit nila Argur at Telam sa kanila.

"Ayus lang ba kayo?" alalang Tanong ni Telam

"Opo Sir."Masayang sagot naman ni Jharel na ikinatuwa naman ni Telam. Mababakas ang taimtim sa mukha ni Argur habang pinagmamasdan si Jharel.

Napansin naman ito ni Jharel at seryosong tinitigan din niya siya. Di malaman ni Jharel kung ano ang maaaring sabihin sa kanila ni Argur kaya handa na niya itong harapin at pakinggan.

"Sino ka ba talaga hahh bata?" seryosong pagtataka sa tono nito na ikinataka rin ni Jharel.

Hindi naman niya na nasagot ang tanong na ito dahil siya rin ay 'di rin alam kung ano iyon.

"Yung ginawa mong liwanag, hindi iyon gawa ng karaniwang mahika lamang," dugtong pa nito na ikinataka na rin ng lahat.

"Ano pong ibig mong sabihin na hindi karaniwan ang ginawa ko?" Takang giit ni Jharel. Nagkatinginan na muna sila Argur at Telam, mapapansin na tila may alam sila sa mahikang tinataglay ni Jharel.

"Siguro siya na lang ang magapaliwanag sa inyo iyon. At dahil marami pa akong gagawin sa lugar na ito, maiiwan ko na muna kayo," tugon niya at iniwan na silang apat.

"Teka lang po Sir! Hindi niyo pa po sinasabi kung pasado ba kami o hindi?" pahabol na tanong ni Lyan.

"Hindi ako tumatanggap ng magiging estudyante ng paaralan na ito kung hindi kayo pasado... Ikaw na bahala sa kanila Telam," malakas na bigkas nito sa malayo at tuluyan na silang iniwan at siniraduhan ng pinto.

'Ang batang iyon. Sigurado akong kaugnay ang kaniyang Seh-En nung araw na iyon... Kailangan ko itong ipabatid sa punong guro at malaman ang kanilang pagdating,' aniya sa isipan at naglakad sa bulwagang iyon.

Matapos silang iwan ni Argur sa silid, buong sabik nilang hinintay ang magiging paliwanag ni Telam sa kanila patungkol sa ginawang himala ni Jharel. Medyo nag-alanganin naman si Telam na sabihin iyon pero dahil sa pamimilit nila ay hindi siya nagawang makalusot.

"Sabihin niyo po Sir! Alam namin na merong katangian si Jharel na wala sa amin at sinabi iyon ni Gin sa amin kaya please po Sir, i-share niyo na po sa amin!"

"Tama siya! Gusto ko rin malaman kung anong mahika ang ginawa ni Jharel!"

"Gusto ko rin pong malaman Sir!" taimtim na giit din ni Jharel sa kaniya dahilan kung bakit hindi na siya makatanggi.

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon