❂ Chapter 23: Truce and Agreement ❂
Natapos na rin ang labanan sa pagitan ng dalawang panig, si Gin at ang mga kalaban niyang sila Jager at Aster. Nakaramdam ngayon ng malaking pagsisisi si Aster habang pinipilit na makatayo sa gilid ni Jager.
"Hindi maaari! 'Di ako papayag na mangyari sa akin ito!" di matanggap sa isipan ni Aster at napansin naman siya ni Jager sa tabi niya.
Pumukit na lamang si Jager at bumuntong hininga dulot ng problemang kinasasangkutan nila. Marahan siyang tumingin kay Gin na nahihiningal sa hirap at kawalan na ng lakas at saka na niya pinakita ang kaniyang mukha sa pagtanggal ng talukbong sa ulo at kober sa parteng bibig. Nakita ni Gin ang peklat ng sugat sa ibaba ng kaniyang pisngi, ganun din sa kaniyang labi na nagdahilan para mapaisip siya sa pinagdaan ng lalakeng ito.
"Nakakahiyang sabihin sa iyo ito pero kailangan ko ng isang katuwang para tulungan kami sa aming misyon..." wika niya kay Gin na ikinataka nilang dalawa ganun din sila Lyan at Rika na nasa likod ni Gin. "Hindi na kami lalaban sa iyo, ginoo.... Sumusuko na kami."
Dahil doon napalitan ng galit ang mukha ni Aster at akmang haharapin siya at hablutin ang kuwelyo ng kaniyang damit.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!"
"Makinig ka Aster, sila at ang lalakeng ito ay walang kinalaman sa kapatid mo. Kung nasa kanila ang Sagradong Yaman maaaring mapagaling natin siya gamit 'yon," mahinahon na pagkakasabi ni Jager dahilan para mapaisip niya siya at mapabitaw sa kaniyang damit.
"Hindi natin ibibigay ang Sagradong Yaman sa kalaban bagkus ay gagamitin natin iyon sa kapakanan niya... Narinig mo naman ang sinabi ko ginoo kaya humihingi ako ng tulong sa iyo at sa inyo..." Aniya sa kanila at tinitigan lamang sila ng matalim ni Gin. "Hindi namin ginusto na saktan kayo. Oo, alam namin na malaki ang ginawa naming pagkakasala sa inyo at hindi niyo kami matatanggap kailanman, ngunit humingi pa rin ako ng tulong sa inyo... Hindi ko ito ginagawa para sa amin kundi sa bata na nangangailangan ng tulong!... Nakikiusap ako sa iyo, ginoo!" pagpapakumbaba niyang pakiusap sa kanila na may pagluhod.
Hindi naman lubos matanggap ni Aster ang pakikiusap niya sa kanila, inis at pagtitimpi na lang ang kaniyang maibibigay kay Jager, dala ng kaniyang kapalaluan sa pangalan ng angkan nila.
Hindi rin nagtagal ay isinantabi na ni Gin ang kaniyang armas pabalik sa lalagyan nito. Sandali siyang pumikit at bumuntong hininga sa sitwasyon nila. "Tumayo ka na sa kinaluluhuran mo, tatanggapin ko na ang paghingi mo ng tulong pero bago iyon ay hihiramin ko muna ang bolang cristal sa inyo."
Nang marinig niya iyon sa kaniya ay agad siyang tumayo at nagwika, "Na kay Nokaren ngayon ang bolang cristal na kailangan mo. Maaari mo na siyang puntahan ngayon at pigilan sila habang hindi pa nila pinapatay sa karahasan ang mga kasamahan mo."
Nang marinig nila iyon ay lalo silang nangamba sa kalagayan nila Jharel at Gabriel. Sunod niya nang binigyan pansin sila Lyan at Rika para ipaalam sa kanila ang gagawin nilang plano.
"Kayong dalawa, makinig kayo sa sasabihin ko..."
*****
Makikita naman ngayon si Jharel na nag-uumapaw sa enerhiya at nanggalit na aura habang bumabangon sa kaniyang pagkakabagsak. Gumamit na ngayon si Jharel ng Energy Flow dahilan para ang sugat niya sa kaniyang likod ay unti-unting naghihilom. Laking gulat nila Nok at Lush ang biglaang pag babago ng kaniyang presensya, kaya naman napahanda sila ng lubusan.
"Di nga talaga siya karaniwang bata lang... Lush, mag-ingat ka na lalo sa kaniya, hindi natin alam ang magagawa ng batang ito."
"Alam ko!... Hmm! Tingnan na natin bata kung gaano ka na kalakas ngayon!"
![](https://img.wattpad.com/cover/122203827-288-k386399.jpg)
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasiaAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...