❂ Chapter 22: Never back down! ❂
Sa ilang minutong paglalakad natagpuan nila ang mga kabuting nagliliwanag sa pinakaloob ng kuwebang iyon. Namangha sila sa kagandahan, kaibahan ng mga kabuteng nagsisiliwanag sa dilim, ganun din ang ibat ibang anyo at hugis ng mga ito.
"Ang gaganda naman nila!" manghang wika ni Rika.
"Glowing mushrooms inside this cave? Wow!" ganun din si Lyan.
"Ngayon 'di na tayo mahihirapan maglakad sa kuwebang ito!... Baka pwede rin natin itong gawin ilaw sa gabi," bahagi rin ni Gabriel.
"Oo nga, mabuti nalang na meron ang mga ito dito. Mapapadali na lang sa atin ang paglalakad dito sa kuweba." Ani naman ni Jharel.
"Lyan, pakihawak nga nito saglit, may gagawin lang ako," pakiusap ni Gabriel sa kaniya. Sumang-ayon naman si Lyan at pinagmasdan ang pagkuha ni Gabriel sa isang kabuting nakadikit sa pader.
"Uhmm... What are you doing?" takang tanong ni Lyan sa kaniya. 'Di naman kaagad siya sinagot ni Gabriel at nakita na hinati niya iyon ng pira-piraso at inilagay sa lampara.
"Pang-ilaw natin. Ayus di ba?..." aniya at napatango-tango na lang sila sa ideya niya. "Tara lumakad na tayo para makaalis na tayo kaagad dito," anyaya niya sa kanila at pinangunahan ang paglalakad sa loob ng kuwebang iyon.
Sa ilang minutong paglalakd ay nawala na ang liwanag ng kabuti sa kaniyang lampara na kanila naman ikinataka. Hindi naman ito napansin ni Gabriel kaya tinawag na siya ni Jharel para ipaalam iyon sa kaniya.
"Kuya Gab, 'yung kabuti po sa lampara..."
"Huh?... Ahh! Anong nangyari?" Nilapit niya ang lampara sa sulo para malaman kung anong nangyari sa loob niyon. Nakita na lang niya na medyo tumutuyo ito dahilan para ma-dissapoint siya sa katagalan niyon.
"Mukhang mali pala ang naisip ko... Hayys, sa 'yo na muna ito Lyan. Wala rin naman tayo mapapala sa lampara na iyan dahil paubos na halos ang langis niyan," aniya habang ibinibigay kay Lyan. Pagkabigay ay saka na siya nagpatuloy sa paglakad.
Habang sila ay lumalakad, hindi naman maialis ang paningin ni Lyan sa kabuting unti-unting natutuyo, mabagal pero mapapansin ang pagiiba ng kulay nito mula sa pagka blue green ay nagiging dilaw.
Nanlaki na lang ang kanyang mga mata ng mapansin niya ang pagkakaroon ng langis sa bote.
"Tama kaya ang naiisip ko?" sa isipan niya at sinubukan niyang buksan ito para sindihan gamit ang kaunting fire magic sa kaniyang hintuturo.
Swooshh!
-"Woahh!"Craankk!
Nabitawan niya ang lampara sa sahig dahil sa biglaang pag-apoy niyon. Naalerto naman sila sa nangyaring pagliyab ng apoy sa lampara na ikinataka din nila.
"Anong ginawa mo?!" Alalang sambit ni Gabriel.
"Hahaha! I can't believe this! This mushroom is flammable because of its oil!... Maaari nating itong gamitin bilang fuel sa ating kampo!" aniya na nagbigay interest din sa kanila.
"Kung gayon, magagamit pala natin ang mga kabuteng ito..." Wika ni Gabriel at kumuha na ng marami para ilagay ito sa supot na tela na kinuha niya sa kaniyang bag.
"Hindi ko rin akalain na magliliwanag pa ito nang malakas," bahagi naman ni Rika.
"Kuya Gab kuha ka po pa ng lima para sa akin," ani naman ni Jharel.
"Sige... Ano ba gagawin mo sa mga iyon?"
"Itatanong ko lang kay Kuya Gin kung ano pa po ang pinaggagamitan niyan at baka maaari niya ring gamitin iyon sa paggawa ng potion.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasiaAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...