Chapter 34

510 44 0
                                    

Chapter 34: Leading to misfortune 

Noong hapon na 'yon matapos kumbinsihin nila Gin at Jager sa Vald na sumamasa kanila, sila ngayon ay nangangabayo papunta sa kaharian ng Rolmor para hanapin ang Thieves Guild at ang lalakeng nagngangalang Rokas.

Nang makarating na sila sa labas ng bayan ng Rolmor, sila ay bumaba na sa Horse Stable at doon nila iniwan ang kanilang mga kabayo. Bago sila makaalis ay makahulugan ulit tiningnan ni Vald ang dalawa at nagsabi,

"Sigurado ka bang wala kang alam sa kinaroroonan ng susi?" tanong niya kay Jager na ikinabaling ng atensyon ng dalawa.

"Hmm? Ano iyon?" takang tanong ni Jager.

"Wala... kalamitan mo na iyon. Mukhang mali lang ako ng hinala sa iyo," tugon niya na ikinapagtaka naman ni Gin at Jager.

"Tara na't lumakad na tayo, ayoko ng magtagal pa sa lugar na ito."

Nilakad nila ang daan na napapalibutan ng mga tao at tindahan, hanggang sa makarating sila sa mahirap at kaawa-awang lugar na tinutuluyan ng mga mahihirap na tao. Tanging pagkaawa lamang ang mabibigay ni Jager sa kanila pero hindi naman matiis ni Gin na pagmasdan ang sinapit ng mga taong ito.

Sa ilang minutong paglalakad ay natunton na nila ang lumang bahay na taberna at doon nila nakita ang iba't ibang mukha ng tao na tila basagulero at walang ibang layunin kundi ang magliwaliw sa buhay. Ang iba ay nasa kanila ang tingin at ang iba naman ay patuloy lamang sa pag-inom at pagsugal.

Tahimik lamang nila tinunton ang may-ari ng taberna sa pangnguna ni Vald. Tiningnan lamang sila ng lalakeng kalbo ng matagal habang nagpupunas ng basong pang-inom nila ng alak.

"Bors!... Hahaha! Naalala mo pa ba ako? Ako 'to si Vald!" paunang bati niya sa paglapit niya sa kaniya pero hindi naman tumugon ang lalake bagkus ay tinitigan lamang siya ng masungit.

"Ohh bakit ganyan ang reaksyon mo? Hindi ka ba masaya na makita mo ako?" pangungumbinsi niyang salita dahilan kung bakit inilayo ng lalakeng kalbo ang kaniyang paningin sa kaniya at itinabi ang basong kaniyang pinupunusan at saka kumuha muli ng isa pa.

"Hoy! Kinakusap kita Bors, bakit ayaw mo akong sagutin hahh?... Kaya kaunti lang nais makipag kaibigan sa iyo dahil diyan ehh. Ako na nga ang lumalapit sa iyo para bumisita sa iyo tapos gaganyanin mo lang ako?"

"Bakit 'di mo iyan sabihin sa sarili mo?..."

"Hahh?!... Hoyy Bors! Ano ba iyang pinagsasabi mo?" Takang sambit ni Vald dahilan para tanggihan siya nila Gin at Jager sa ugaling pinapakita niya sa kaniya.

"Bakit 'di mo na lang sabihin sa akin ang kailangan mo?... Tutal nandito ka lang naman para kumuha ng impormasyon 'di ba?"

"Huh?... Ano bang-"

"Pasensya na po talaga sa kasamahan kong si Vald, napansin po namin na magkakilala na kayo noon pa lang kaya hihingi po kami tulong sa inyo para umugnay sa dati niyang guild at makausap ang lalake na kinikilalang pinuno ng Noble Heist. Kung maaari sana ay malaman namin kung saan siya pwedeng makita sa lugar na ito," pakiusap ni Gin dahilan kung bakit siya mapaisip at mapilitan na tumugon at tumulong sa kanila.

Sandali muna niyang tinabi ang baso at humarap muli sa kanila ng masinsinan. Nilapit niya ang kaniyang mukha sa kanila at bumulong, "Hindi niyo siya makikita dito dahil kasalukuyan siyang nasa kaniyang manor sa bayan ng Silver Steed, pero kung gusto niyo mapabilis ang trabaho ay puntahan niyo na lang si Saron Lim na nasa loob lamang ng bayan na ito..."

"Saron Lim... Hindi ko alam na may uganayan pala siya sa Thieves Guild," bulong ni Jager sa tabi na narinig naman nilang lahat.

"Oo, malaki ang uganayan niya sa mga negosyanteng tulad ko, lalong na sa pribadong pangakatan. Sa labas, makikita niyo lang siyang isang karaniwang mangangalakal pero hindi. Isa siyang tanyag na mangangalakal na kayang makipagtunggali sa malalaking organisasyon tulad ng East Trading Company..."

Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon