❂ Chapter 19: A bond within ❂
Panibagong umaga na muli. Naramdaman na namin ang malamig na klima ng paligid kaya nagising na kami ng maaga. Pangatlong araw na namin ito dito sa bahagi ng bundok na ito at marami-rami na rin kaming natutunan sa sining at kapangyarihan ng aming lahi. Nagawa na ni Rika ang unang sining o Life Presence nung isang araw, hindi rin siya makapaniwala sa naramdaman niya sa amin at sa aming paligid. Ewan ko lang kung pareho rin 'yung nakita ko sa nakita niya. At saka, kahapon naman niya pinagsanayan ang archery.
Nakuha niya rin kasi ang ideya na iyon nung gabing magkasama kami. Tapos, nais niya ring lumaban kasama ako kaya hindi rin namin siya matanggihan. Sabi ni Gin na mas mabuti nang magkaroon ako ng kasama sa pakikipaglaban at makatuwang siya sa hirap at pagsubok... Hayss! Sinabi lang yata niya iyon para makontrol ako kung sakaling susugod ako ng mag-isa sa mga kalaban. Siyempre hindi ko naman gagawin iyon 'di ba?
'Tungkol naman kay Lyan ay...
"Bbrrr! Ang lamig!" nangangatog na wika ni Rika nang lumabas na siya ng tent.
Wala pa siyang nagagawang progreso sa ngayon pero hindi naman siya sumuko at pinanghinaan ng loob, kaya masaya pa rin ako para sa kaniya.
"Rika, 'yung jacket ko suutin mo muna," wika ko habang tinatanggal ito para ibigay sa kaniya.
"Ahh, Salamat...Paano naman ikaw?"
"Okay lang ako. May isa pa naman akong jacket at salamat sa iyo dahil tinahi mo ito para sa'kin." tugon ko habang kinukuha ang jacket na kulay blue sa bag ko. Binigyan naman niya ako ng matamis ng ngiti dahilan kung bakit mapaiwas ako ng tingin.
"Mga bata breakfast na, magpainit na muna kayo," ani ni Kuya Gab nang silipin niya kami sa loob ng aming tent.
Nagkatinginan kami ni Rika at tumango para mag-almusal at magpainit sa bonfire sa labas. Nakahanda na rin ang kakainin namin sa umagang ito at binigyan kami ng tig-iisang bowl sa pag upo namin sa troso. Nakita namin sa soup na ito ang kakaibang kulay at hitsura na tila ngayon lang namin nakita.
"Ano 'to?" takang tanong ni Lyan.
"Firepit stew ang tawag ko diyan dahil sa niluto kong torchbug na kinuha ko nung isang gabi. Tikman niyo." tugon ni Kuya Gin... Kaya pala may katawan ng insekto rito sa soup ko... Hayss!
"Hahahaha, bakit ganyan ang mga mukha niyo? Para kayong nawalan ng gana ahh," tawa naman ni Kuya Gab. Talagang mawawalan kami ng gana! Exotic food to ehh!..
Wala naman kaming magawa kundi kainin ito kesa asarin pa ni Kuya Gab at mapagalitan ni Kuya Gin. Kinain ko na ito ng pilit at nalaman ang pakiramdam niyon sa bunganga ko... Medyo mapait, matabang at malapot nguyain. 'Di na masama.
"Okay lang po ang lasa Kuya Gin," pilit na ngiti ko sa harapan niya at nasiyahan naman si Gin sa akin.
Tiningnan ko naman ang reaksyon ng dalawang 'to at pinilit din nilang kainin iyon. Haha! Nakakatawa sila! Picky rin pala ang mga 'to. Haha!
"Okay na rin sa akin," ani ni Rika.
Hindi na nakapagsalita si Lyan bagkus ay naduduwal na sa pagkaing inihain sa amin. Pagkatapos kong maubos ang pagkain, naramdaman ko na ang pagkainit at pagkawala ng panlalamig sa aking katawan. Kasalukuyan pa rin nilang inuubos iyon at hindi nagtagal ay nakasunod na rin sila sa amin.
"M-may dessert ba kayo diyan?... Para kasing 'di ako komportable ngayon ehh." nanghihinang bigkas ni Lyan na may paghawak pa sa kaniyang tiyan.
"Eto. Orange juice," tulong ni Rika kay Lyan... Teka nasa kaniya pa pala 'yung napanalunan niya sa Ilugan?
"Salamat."
"Hahaha!... Masasanay din kayo," pagtawa ni Kuya Gin sa amin.
Matapos naming kumain at maghanda sa susunod naming pagsasanay, pupunta naman kami ngayon sa malapit na talon ng bundok na ito para gawin ang ikatlong sining o Energy Flow. Ayon daw sa libro na iyon sabi ni Kuya Gin sa amin, kailangan naming ibabad ang katawan namin sa tubig para sa una naming subok at para na rin mapadali sa amin i-familiarized ang enerhiya na iyon, gaya ng pagdaloy ng tubig sa katawan namin o ihip ng hangin na bumabangga sa amin o 'di kaya'y liwanag na sumisikat sa amin.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasíaAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...