❂ Chapter 15: Aftermath ❂
Hindi mawari ni Jharel kung bakit siya niligtas ni Carifas sa bingit ng kamatayan. Nakatayo siya sa harapan ng naagaw buhay na katawan ni Carifas, kita niya ang pag-agos ng dugo sa lupa na ngayon ay kinatatakot na niya.
"Hahaha! Hindi ako makapaniwala! Isang tanyag na mersenaryo, bayaran ng mga mayayamang pamilya at mga pulitiko ng Rolmor, ay nagbuwis ng buhay para iligtas ang isang bata na nasa panig ng kalaban niya... Akalain mo iyon?!" mapagmataas na wika ni Sarrul na nagdahilan ng pagkakaroon ni Jharel ng nangagalit na aura.
"Hmm! Dapat lang sa kaniya 'yan, dahil tau-tauhan lang siya ng mga kupal na iyon para gawin ang marurumi nilang gawa. Hindi rin siya naiiba sa mga kriminal na pinapatay nila, kaya bakit ako maaawa sa kaniya? Hahh!..." Hindi naman kumibo si Jharel sa kinatatayuan niya at si Gin ay lubos na nangangamba sa buhay ni Jharel.
"Hindi bale na, isusunod ko na rin kayo sa kaniya." Itinutok niya na ulit ang baril kay Jharel at nakita niyang hinugot na ng binata ang espada para labanan siya.
"Ohh! Lalabanan mo ako gamit niyan?... Nagpapatawa ka ba?" ngising sambit ni Sarrul sa kaniya.
"Pakiusap Sarrul! Huwag mong gawin iyan!... Ako na lang ang kunan mo ng buhay, huwag na siya!... Jharel! Nakikiusap ako sa iyo! Umalis ka na, hayaan mo na ako!" pakiusap ni Gin sa kaniya ngunit hindi naman tumugon si Jharel at nanatili lamang na nakatitig kay Sarrul.
"Paano ba iyan? Mukhang ayaw niyang makinig sa iyo... Bakit hindi natin subukan hha bata? Kung sino sa atin ang magtatagumpay? Espada mo ba o ang pinakamamahal kong baril? 'Di ba?"
"Jharel!..." pagpupumilit ni Gin sa binata at nakita niyang kumilos na siya pahakbang sa harapan ni Sarrul. Tumindig at humanda sa pakikipaglaban, kita sa kaniyang estilo na nasa lower ground ang hawak na espada niya sa kanan.
"Iyan na ba ang paghahanda mo?... Hah! Walang kwenta iyan! Dahil sa simula pa lang ako na ang magwawagi sa labang ito!" ngisi at pabulong na wika sa dulo ng kanyang salita at sunod na hinila ang gatilyo.
Bang!
*Missed!*"Oppss! Namintis! Hahaha!... Pakita ko lang iya sa'yo para mangimbal ka na sa takot at maihi ka na sa pantalon..." Hindi pa rin umimik si Jharel sa mga panghahamak niya at nanatili lamang handa. Kaya naman, nakaramdam na siya ng inis sa reaksyon na binibigay sa kaniya ni Jharel at nagwika.
"Tchh! Bibigyan kita ng limang segundo para sumuko..." Nagpakiramdaman lamang ang dalawa sa mangyayaring laban sa pagitan nila. Kaya naman, hindi na tiniis pa ni Gin na hayaan ito at siya na mismo ang naglakas loob para pigilan siya.
'Jharel, huwag mong gawin ito!... Hindi mo pa alam kung paano lumaban gamit 'yan!... Kasalanan ko 'to! Kung hindi ko lang sana siya binilhan ng armas hindi siya maglalakas loob na gawin ito!... Ang tanga-tanga ko!... Jharel!' sa isipan niya habang nagpupumilit tumayo sa pagkakadapa. Tuluyan ng nainis si Sarrul at pinutok na niya ang hawak na baril.
Bang!
Mabilis na idinako ni Gin ang tingin sa kanila, at nakita na hindi niya natamaan si Jharel ng kanyang baril. Mas lalo rin nagalit si Sarrul at sinunod-sunod na niya ang pagputok ng baril kay Jharel.
Bang!
—Swoshh!
Bang!
—Swoshh!Laking gulat pa ni Gin na nagagawa rin niyang makalapit kay Sarrul na walang halong pag-aalinlangan, takot o pangamba sa kaniyang nararamdaman. Tila malinis at balanse ang pagkakagalaw at pagkilos niya sa sandaling iyon na kaniya namang ikinamangha.
'Hindi! Hindi! Hindi maaari ito!... Hinding-hindi ako makapapayag na—'
Slash!
Nagulat na lang siya nang maramdaman niya ang pagwasiwas ng espada sa kaniyang kamay kung saan hawak niya ang baril dahilan para mapasigaw siya sa sobrang sakit. Nanlaki ngayon ang mga mata ni Gin nang mahiwa ni Jharel ang kamay ni Sarrul sa sandaling iyon.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantastikAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...