❂ Chapter 31: Advent of Lorgmor's Treasure ❂
Sa oras na ito, matatagpuan sila Gin, Jager at Vald na naglalakad sa kalye ng bayan. Ilang sandali ay natunton na nila ang isang dako na bibihira lang na makakita ng tao na dumadaan doon at sila'y nagpunta sa pababang daan patungo sa dulo kung saan naroon ang masikip na eskinita. Huminto muna sila sa tapat niyon at hinarap sila ni Vald na may serysosong pagtitig.
"Bago tayo pumasok, sasabihin ko lang ang mahahalagang bagay na dapat niyong sundin, lalong lalo ka na..." aniya at may pagturo ng daliri niya kay Gin. Kaya naman bahagyang kumunot ang noo ni Gin at serysong hinarap siya upang pakinggan siya. "Una, huwag ninyong isusumbong ang lugar na ito sa mga opisyales ng mga counselor, alkalde at sa mga kasabwat niyon. Dahil kapag nagkataon, ay siguradong hahanapin kayo ng bayarang tao para kayo'y patayin..." bigay alam niya na ikinatahimik lang nila.
"Pangalawa, huwag din kayo gagawa ng anumang gulo. Kung nagkataon na pinahiya kayo ng iyong kaalitan doon, isantabi niyo muna ang inyong galit at unawain na lang ang taong iyon. Kamatayan din ang hahantungan mo kung hahayaan mo lang na mangyari iyon sa 'yo..." dugtong niya na ikinatanggi na lang nila ng palihim dahil siya lang naman ang kayang makagawa niyon.
"At ang huli, prayoridad lagi ang mga mangangalakal doon, tama man sila o mali ay dapat niyo silang respetuhin. Walang batas ng hari ang magpoprotekta sa inyo doon kaya ngayon pa lang ay dapat niyo nang tandaan, sapagkat ayoko rin madamay ang guild namin sa problemang ito... Naiintidihan niyo ba?"
"Oo, nauunawaan na namin ni Gin ang mga patakaran na dapat naming sundin kaya 'wag ka ng mag-alala pa," ngiting tugon ni Jager sa kaniya at sinimangutan na lamang siya ni Vald.
Tinuloy na nila ang paglalakad sa gitna ng eskinita hanggang sa madako sila sa isang pinto at sunod na binuksan iyon ni Vald. Pagpasok nila sa loob ay nakita nila ang pinaglumaang panahon, mga sapot, mga bariles, kahon at nakakalat na furniture lang ang tanging makikita doon. Isang abandonadong lugar na akala mo ay hindi pinag-iinteresan na tirhan.
Pagdako nila sa ibaba ay may shelf na nakatayo pa roon na maayos na nagbigay pansin sa kanila. Sa pagbaba ni Vald sa isang chandelier na hawak niya ay kusang gumalaw ang shelf ng pahalang at naipakita niyon ang butas papunta sa sekretong lugar na pupuntahan nila.
Sunod na nilang nilakad iyon sa pangunguna ni Vald hanggang sa madako sila sa daanan na napapaligiran nang mga tao at nang mga tidahan. Medyo madilim ang paligid pero pinunpundar naman ng kanilang ilawan at ng araw na sumisikat mula sa butas ng dating balon.
"Narito na tayo, ang Black Market," aniya at nagbigay mangha naman kay Gin dahil sa pagkamalinis at pagkaayos nito na tila makikita sa mga matatanyag na kaharihan. "Sumunod lang kayo, may alam na akong tao na maaari natin pagtanungan."
Pagdating nila sa lugar na may antigong kagamitan at sangkap na nakadisplay sa paligid ng tindahan niyon, mala-eastern o western culture ay samut-saring makikita doon. Naroon ang isang matandang babae na nanigarilyo gamit ang mahabang pipa. Maputi na ang buhok pero may kagadanahan pa rin, may katangkaran na makikita sa kaniya habang siya ay de kuwatro na nakaupo. Pagdako nila sa tapat niya ay hindi naman sila masyadong pinansin kahit si Vald na tila kakilala niya.
"Aling Josi!... Kahit ngayon pa rin ay humihiphip ka pa rin ng iyong pipa. 'Di mo ba alam na mas lalo mo lang pinapadali ang iyong buhay?"
Dahil doon ay saka na siya pinansin at sinimangutan kasabay ng pagbuga niya ng usok kay Vald. Umubo-ubo siya sa tapat niya at winasiwas ang kamay para alisin ang usok sa kaniyang harapan.
BINABASA MO ANG
Chronicles of Sarim Vol.1: The Argenta's Seed [Completed]
FantasiaAng binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realid...