A/N: Away po yung ibig sabihin ng title nitong chpater. As in yung away, nakaaway. Hnde po yung away na malayo.
Zayn's POV
Hayyy nakong buhay to! Ba't ba kasi ako pinanganak na gwapo? Yan tuloy pinagkakaguluhan ako ngayon pati na rin sina Troy at Liam na tropa ko. Pshhh.First day na first day of school, ganito ang mangyayari sa amin? Sawa na ako sa mga ganito.
Late na tuloy kami sa first subject namin at buti nlng ay magkakaklase kaming tatlo. Bigla kong binuksan ng padabog ang pinto ng classroom namin na nagpahinto at nagpagulat sa kanila.
"Sorry ma'am for being late and also for interrupting your words." Sabi ko with a matching bored look.
"Ok. Just find a vacant seat."
Inilibot ko ang tingin ko at dumapo ang tingin ko sa tatlong vacant seat. Yun nga lang yung katabi nung isang seat ay may nakaupo na.
Dun nlng ako umupo. Trip ko lang.
Habang nagsasalita si ma'am Rachel ay napatingin ako dito sa katabi ko. Buti nalang at di niya ako napansin. Ito ang ipinagtataka ko, bakit hindi man lamang siya kinikilig ng umupo ako sa tabi niya? Hindi yata tinalaban ng charm ko eh. Pero mabuti na rin to. Para walang mamerwisyo sa akin.
Kriiiing
Lunch break na. Sayang lang ang laway ng mg teachers namin kakasalita, dakdak kasi ng dakdak kanina pero wala namang nakikinig. Pshh.
Kasama ko ang mga tropa ko ngayon papuntang canteen. Habang papalapit na kami sa canteen ay may narinig kami na para bang nagkakaguluhan.
Binilis bilisan ko ang paglakad ko at naabutan kong may eksena na nangyayari. Si Zach, handa nang sapukin ang babaeng nasa harap niya.
Hindi ko alam kung may sarili na bang utak ang paa at kamay ko dahil kusa nalang akong lumapit sa kanila at pinigilan si Zach sa pagsapok sa babaeng nasa harap niya. Nakayuko ito kaya di ko makita kung sino iyon. Tiningnan ko ng masama si Zach at pagkatapos ay binaling ko ang tingin ko sa babae. Nakangat na ang ulo niya ngayon at medyo nagulat pa ako ng makita kong yung seatmate ko ito pero hindi ko pinahalata.
"Look guys, nandito si papa zayn."
"Ang swerte nung girl, niligtas siya ni Zayn."
"I smell trouble." Naaamoy ba ang gulo? Galing naman ng ilong nito. Kahit gulo naaamoy. Hnde naman ako magsisimula ng gulo. Pinipigilan ko lang itong si Zach The Baliw na manakit.
"Tsk. Sa susunod nga magtingin tingin ka sa dinadaanan mo. Yan tuloy nakabangga ka ng isang baliw."
Sabi ko na may halong pangiinsulto kay Zach The Baliw."Anong sabi mo? Bitiwan mo nga ako!" Diba? Nagtagumpay ako sa pangiinsulto. Binitiwan ko ang kamay ni Zach The Baliw----yeah Zach The Baliw na talaga ang tawag ko sa kanya---- at lumakad na palayo kasama ang aking mga tropa.
Sa iba nlng nga kami kakain. Nakakawalang gana makita ang mukha nung Zach The Baliw na yun.
Samantha's POV
Nagising ako sa malakas na tunog ng pesteng alarm clock ko. Ano baaaaa. Ikaw kaya sigawan ko ha.
Bumangon nalang ako at nagstretching na muna. Then I did my morning rituals. Pagkatapos ay bumaba na ako para magalmusal.
"Goodmorning ma!" Masiglang bati ko ki mama.
"Goodmorning anak. Kamusta naman ang first day of school mo?"
"Ok naman po ma. Nagintroduce introduce lang naman po kami kahapon." Ayaw kong sabihin ki mama yung nangyari sa canteen, di naman ako nasapok kaya ok lang. Tsaka pagsinabi ko yun, magaalala pa to si mama.
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Teen FictionSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...