[23] A Night With Him

37 1 0
                                    


Samantha's POV

"Wala na tayong magagawa. We're stranded here in the library for the whole night."

"Pero Zayn!"

Hindi pwede! Baka magalala---Oo nga pala! Hindi alam ni mama na nandito pa ako. Ang malas ko naman! Magaalala yun si mama ng sobra sobra.

Nilapitan ko yung sliding door nung library pero nakalock. Hindi ba kami nakita nung librarian na nandito pa kami, sleeping comfortably?

Pwinersa kong buksan pero nakalock talaga. Pwinersa ko ng pwinersa ng pwinersa ng pwinersa ng pwinersa pwinersa ng pwinersa ng pwinersa ng pwinersa ng pwinersa pero nakalock talaga. Nilapitan na ako ni Zayn at pinigilan.

"Hindi mo yan mabubuksan."

"Kailangan ko, Zayn. Tiyak nag-aalala na yun si mama."

Bigla kong naalala na may dala pala akong cellphone kaya dali dali ko itong kinuha. Kaso nung pinindot ko na yung pang on, di naman bumubukas. Tsk. Lowbat pa.

"Zayn, may dala ka bang cellphone?"

"Meron kaso lowbat na."

"Arrggghhh!" Bakit ba to nangyayari sa akin?

"Don't frustate yourself. Mag paliwanag ka nalang bukas."

"Zayn, ayaw ko na nag-aalala si mama." Sabi ko na parang naiiyak nanaman. Baka kasi hanggang ngayon hinihintay pa rin ako ni mama. Ganun ka-aalahanin si mama.

"You have no choice but to spend the night here......with me."

Nagpakawala ako ng malakas na buntong hinga. He's right. Wala na akong magagawa. Kung hindi lang sana ako natulog.

"Okay."

"Good. Matulog na tayo. Bukas, tatakas tayo pagbinuksan na tong library. You don't want to be in the guidance office don't you?"

Nagnod naman ako. Never ko pang naexperience ang mapunta sa guidance office. At ayaw kong mapunta dun.

"Dun na tayo matulog sa pinakadulo para hindi tayo makita."

"Okay."

Pumunta na kami dun at nagsimula ng matulog. Pero di kumportable. Ikaw kaya matulog nang nakaupo, try mo kung maging kumportable ka. Pero baka nga, ako kasi sanay na may malambot na unan. Hehehe.

Ano ba yan, bakit ganito ang iniisip ko? Dapat ay mamroblema ako ngayon.

Nagaalala pa rin ako ki mama. Si papa kasi nasa out of town nanaman. Business matters you know. Bakit kasi natulog pa ako? Grabe pa naman yun magalala si mama.

"Still thinking about your mom?"

Napatingin ako ki Zayn. Napansin niya ba yon? Hindi ko naman siya katabi pero kunting malayo lang siya. Mind reader ba to?

"If you're thinking that I'm a mind reader, I'm not. You're just to obvious."

Di daw mind reader pero alam yung nasa isip ko. Ano pala ang tawag sa kanya?

"Bukas nalang yan, Sam. For now, you should take a rest first."

*Moment of silence. Kru kru*

Ang akward naman kaya ako nalang yung nagsira ng katahimikan at kapayapaan. Hustisya para sa pagkalock namin dito sa library na nakakatakot pag madilim!

"Zayn, thank you pala."

"For what?"

"Yung kanina. Sa pagcomfort." Nakayuko kong sabi. Nahihiya kasi ako.

"No problem. Tulog ka na."

Pinikit ko na ang mata ko pero pagkapikit na pagkapikit ko ay tumunog ang tiyan ko. Gutom na ako. Di pa pala ako nakakakain ng dinner. Huhuhu. Gutom na talaga ako. Malas ko naman.

"What's that?"

"Ahhh....ehh....Zayn, gutom na ako eh."

"Sorry Sam but you have to endure your hunger. Wala akong pagkain dito. Gutom na rin nga ako."

"Okay."

"Sam, matulog ka na. Dapat magising tayo bukas bago pa man makapunta dito yung librarian."

"Okay."

Kawawa naman si ako. Kasalanan to ni Keilaaa. Kung di niya ako sinabihan na kuhain ko yung book, di sana ako mapupunta dito. Pero kasalanan ko rin naman dahil pumayag ako at natulog.

Hayy....kawawa din si mama. Di niya alam na nandito pa ako. Nagaalala pa siya. Mag-isa lang pati siya doon sa bahay. Babawi talaga ako sa kanya.

Matutulog ako ngayong gabi kasama siya. Is it okay? Is it okay having a night with him? With Zayn?

A/N: Sorry po kung maikli lang itong chapter na to. Babawi po ako sa inyo.
Don't forget to vote and comment. ^___^

Puzzle: A DecisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon