[38] Lunch Break? Psh

22 2 0
                                    


Samantha's POV

"Ok. Class dismissed."

Pagkarinig na pagkarinig ko yun galing sa teacher ay automatiko akong na-alerto. Buti nlng lunch break na.

!___!    !___!     !___!     Food! Food! Food!

Lumabas na ako ng classroom pero wala pa rin akong freedom na kumain. Ang tagal nina Keila, Cyril, at Drew. Sinilip ko nga. Siopao naman! Nakaupo pa sila at nagkwekwentuhan. Ano ba?! Hindi ba sila nagugutom?

Pumasok ako at napatingin naman sila. Ang mukha nila ay nagtataka. Nagtataka? Kailangan pa ba nila magtaka? Tsk.

"Di pa ba kayo tatayo diyan?"

"Bakit?" Tanong ni Drew.

"Anong bakit? Lunch break na."

"Ehhh. Nagkwekwentuhan pa kami." Sabi ni Cyril.

"Sige. Mauubusan kayo ng mga paborito niyong pagkain."

At dali dali naman silang lumabas ng classroom. Note na iniwan lang nila ako dito sa loob. Ang bait bait nila noh?

Lumabas na ako ng classroom at salamat naman. Hinihintay lang pala nila ako dito sa labas. Akala ko kasi tuluyan na silang dumiretso sa canteen at iniwan ako.

"Tagal mo naman." Reklamo ni Drew.

Aba makasabi siya diyan ha. Sino kaya sa atin ang nagkwekwentuhan? Ha? Ha? Ha? Tiningnan ko nga ng masama at siya naman ay nagpatay malisya lang. Loko ito eh.

Dumiretso na kami sa canteen pero malapit palang kami ay may naririnig na agad kaming mga ingay. Sanay na kami diyan. Lagi naman kasi na pagdadating kami, kinikilig ang mga babae ki Drew.

Pero nagulat ako sa nakita ko. Hindi naman pala si Drew ang pinagkakaguluhan nila. Hindi si Drew kundi yung mga babae na nakaupo sa......pwesto namin?

Oh no. Wag sa pwesto namin. Napatingin ako ki Cyril pero kalma lang siya. Alam ko sa loob loob niya ay naiinis na siya sa kanila pero pinipigilan lang niya. Sino nga ba sila na nakaupo sa paborito naming pwesto? Di ko kasi makita kasi masilaw.

Nilapitan na namin sila at literal na napanganga ako. Wut? Sila yung nasa convenience store at simbahan ha. Sila yung mga pacute at papansin na grupo ng mga kababaihan na may halong bakla. Wut? I'm shook. Bakit sila nandito at paano naman sila napunta dito?

"Hala guys. Nandito na yung may ari niyang pwesto."

"Di naman yan sa kanila."

"Halaaa! Nakita ko na yung isa diyan mainis. May pagka-amazona siya."

"Sino ba yang mga yan? Bakit may bakla? Pero in fairness, maganda naman sila pero kunti lang." Maganda daw pero kunti lang? Oo nlng.

Di pa nila kami nakikita kasi bulag sila. Joke! Di pa nila kami nakikita kasi busy sila kakakwentuhan sa isa't-isa. Edi syempre di sila nakatingin sa amin. Ang kapal ng make-up nila. Kasing kapal ng mukha nila. Hehehe. Pano na yan? Saan na kami kakain?

Habang nagiisip ako ng paraan ay nagulat ako ng biglang lumapit si Cyril sa kanila. As in sa harap na talaga ng table nila.

"Excuse me?"

Napatingin naman sila kay Cyril and they shot her their 'pabebe look'? Di nila kami nakikita kasi bulag nga sila. I repeat, bulag nga sila. Pero sa totoo ay hindi naman kasi kami malapit na malapit sa kanila.

"Ano?" Mataray na sagot nung leader siguro nila. Yung Sunday kasi na una ko silang nakita, siya yung sinusundan nung mga kaibigan niya. Kung saan siya pupunta, dun din ang punta nila.

"Pwedeng umusog kayo?" Tanong ni Cyril ng kalma lang. Ganyan siya sa una, mabait. Pero kapag inabuso siya? Tingnan natin kung sino ang mapupunta sa clinic.

"At bakit?"

"Kami kasi ang nakaupo diyan."

"Bulag ka ba? KAMI ang nakaupo dito. Nakatayo ka nga diyan." Inemphasize pa niya yung word na 'kami'. Psh. Kung alam mo lang.

"Oo nga. Paanong mangyari na ikaw ang nakaupo dito? At 'KAMI'? Wala ka namang kasama."

"Yeah. Sarrey gal. But they is correct. You gow naw." Nagsalita yung bakla. Pero what? Yung english niya kasi. Hahaha. But unlike dun sa mga kaibigan niya, di naman mataray yung pagkakasabi niya.

Walang sinabi si Cyril. Nakatingin lang siya sa kanila ng diretso. Wait a minute. Ba't parang alam ko na kung saan to mapupunta. Ang kilos niya kasi, parang handa ng.........

"Cyril!" Nilapitan ko na siya at pinigilan. Sumunod na din sina Keila at Dtew. Pano ba naman kasi hinampas niya ang lamesa. Lamesa palang yan ha. Wala pa siya dun sa stage na amazona.

Pagkatawag ko ki Cyril ay napatingin naman silang tatlo sa akin. Shock is pasted on their faces. Pero pagkatapos ng ilang minuto ay nagsalubong ang mga kilay nila.

"You?!" Tanong nung leader habang nakaturo sa akin. Mukhang nakilala na niya ako. Yeah, its me. Got a problem with that?

"Yeah."

"Bakit ka nandito?"

"Dito ako nag-aaral, obviously. Ito na nga oh. Nakasuot na ng uniform. Eh kayo? Bakit kayo nandito?"

"La kang pake." Luh. Nung sila tuloy ang nagtanong sa akin, di nila yan naisip. Tsk.

"Tsk."

"Pwedeng umalis ka na sa harapan namin?" Tanong nung leader nila. Leader sa pakapalan ng make-up.

"Pwedeng umusog kayo?" Tanong ko.

"Ayaw namin." Sabi nung isang babae.

"Edi ayaw ko rin."

"Sumusobra ka na ha."

"Ikaw ang sumusobra. Di mo ba narinig ang kaibigan ko na diyan kami nakaupo?"

"So magkaibigan pala kayo. Kaya naman pala magkapareho lang kayo."

"Kayo rin. No wonder why ya'll are wearing that kind of make-up." Boom! Sapul! Birds on the same feather, flock together. Ganyan kami nina Keila at Cyril, idagdag na din si Drew. Well, ganyan din naman sila.

Nagkatinginan sila sa isa't-isa. Ay, oo nga pala. English ang pagkakasabi ko. Syempre di nila yun naintindihan. Bahala sila.

"Ano?!"

"Wala. Sabi ko kung pwede na kayong umusog?"

"Eh ayaw nga namin."

"Gusto ko."

"Ayaw nga namin. Di mo ba maintindihan ang simpleng 'ayaw namin'?"

"Hindi."

"Sumusobra ka na talaga ha?"

"Ay syempre."

Halata na naiinis na talaga siya. Perfect. Yan ang gusto ko. Handa na niya akong tulakin pero bago pa man niya yun magawa ay lumayo ako ng kaunti at nagsalita.

"Tara na nga, guys. We're just wasting our time here. Let's just eat somewhere else." And with that, we quickly stormed out of that place. Bwisit sila. Dapat pala hindi ko na pinigilan si Cyril.

Kung kahapon, walang masyadong nangyari. Ngayon, wala din naman masyadong nangyari kundi lang dumating yung grupo.

Lunch break? Psh.

A/N: Don't forget to vote and comment. ^___^

Puzzle: A DecisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon