[22] Stranded

53 3 0
                                    


Samantha's POV

Natapos na ang mga subjects namin para sa umaga kaya ang ibig sabihin ay---

"Lunch break na. Wohoo!" Sigaw ni Cyril. Ano ba yan, kinuha niya yung linya ko. Ako dapat magsasabi nun eh. Pero sa isip lang naman. Hehehe.

Pagkapasok namin ng canteen ay tilian nanaman ng mga babae ang narinig namin. Grabe. Artista ba itong si Drew? Matanong nga. Baka kasi di na ako nauupdate sa mga bagong artista.

"Drew, artista ka ba?"

"Hindi ah. Bakit mo naman natanong?"

"Tingnan mo nga oh. Pumasok ka lang pero kinikilig na agad yung mga babae."

"Sadyang gwapo lang talaga ako." Sabi niya sabay pogi sign at ngiti. Masasapak ko na talaga to. Pano ba naman kasi, nagti---

"Wahhh! Kyaaaah!"

"Akin ka nalang!"

"Pwede na bang mahimatay?!"

"Hihihihihi!"

Nagtilian nanaman ang mga babae. Kainis nana kasi itong si Drew. Mabibingi na ako dahil dito.

"Andrew, bakit ka pa kasi gumanun?"

"Oo nga! Ayan tuloy, mabibingi na kami." Parehas lang pala kami ng iniisip ni Cyril.

"Girls? Can you please be quiet?" Tumahimik naman sila pero narinig ko pa yung iba na nagbubulungan.

"Buti pa siya, mabait."

"Oo nga. Hindi siya sumisigaw. Di din siya nakakatakot."

"Si Zayn kasi sumisigaw."

"Akin, okay lang kahit sumisigaw si Zayn."

"Walang nagtatanong." Ayyy. Ang savage naman ni ate.

Gusto ko nang matawa sa mga sinasabi nila. I-compare ba naman si Drew ki Zayn? Di na kailangan kasi obvious na.

Di nlng namin sila pinansin at dumiretso na sa paborito naming pwesto. Buti nalang at walang umaagaw ng pwesto namin kasi kung meron man ay humanda na sila kay Cyril.

Hindi naman amazona si Cyril pero dahil siya ang pinakamakulit na babae sa buong mundo, may pagka-amazona siya. Hindi naman siya amazona pero may pagka-amazona siya. Gets niyo ba?

~~~Uwian na~~~

"Sam, Keila. Di na ako sa inyo makakasabay. May practice ako sa volleyball, remember?"

"Okie."

Nagsimula na kaming lumakad nang may narinig akong mahinang pagvibrate ng kung ano man yang maingay na yan ng kung kanino man.

Nakita kong kinuha ni Keila ang cellphone niya galing sa bulsa niya. Sa kanya pala yon? Tiningnan niya lang ito ng matagal saka niya ako binalingan.

"Sam, I have to go. May family reunion daw kami ngayon."

"Edi sabay nalang tayo. Lalabas na rin naman tayo ng campus."

"Ahhh....Ehhh.....may nakalimutan pala akong gawin. May favor ako sayo. Hehehe."

Bakit sa tingin ko ay hindi magiging maganda ang favor na ito ni Keila? So weird.

"Ano ba yon?"

"Ehh...pwede ka bang pumunta sa library? May ipapaborrow ako sa iyong book."

"Uuwi na rin ako Keila. Importante ba yan?"

"Oo. Importanteng importante. Please?"

"Sige na nga! Malakas ka sa akin eh."

"Thank you Sam. You're the best. Ito na yung library card ko oh." Sabi niya sabay abot ng library card niya sa akin. Wushu.

"Sige. Bye. Ingat ka."

"Ikaw rin."

Dumiretso na ako sa library pagkatapos naming magusap ni Keila. Para lang sa libro, magmamakaawa na siya agad? Di na talaga siya bookworm. Bookaddict na ang tawag diyan eh.

Pagkatapos kong magborrow ng book dun sa librarian ay umupo na muna ako dun sa pinakadulong seat.

Babasahin ko muna to. Hehehe. Ang ganda kasi ng book cover kaya baka maganda rin ang story. Sabi daw na 'Don't judge the book by it's cover' pero para sa akin kasi ay catchy yung cover. Ang title ay 'Puzzle: A Decision'. Baka kasi gusto niyo ring basahin.

Sinimulan ko nang magbasa ng magbasa. Pero nang tumagal ay dinapuan ako ng antok. Maaga pa naman kaya okay lang na umidlip muna ako kahit sandali. Zzz.

Z___Z

***

Nagising ako galing sa pagkakatulog. Syempre! Tanga mo talaga Sam. Habang kinukusot ko ang mga maganda kong mata ay may narinig ako na para bang galing sa multo? Ehhh.

"Woooh."

Dinilat ko ang mata ko pero napansin kong wala ako sa kwarto ko. Nilibot ko ang tingin ko and I was like: 'What the fudge?' 😨 Nandito pa kasi ako sa library. Kahit madilim na, napansin ko pa rin. Wait, madilim na? Sumilip ako sa bintana at nakita ko na madilim na talaga ang paligid. Ehhh. Napapaiyak na ako.

"Woooh."

Ayan nanaman. Dagdag pa yan sa nagpapatakot sa akin. Natatakot na talaga ako. Ayaw ko na. Umalis na ako sa upuan at umupo nalang dun sa sahig sa may corner. Ganito kasi ako pag natatakot.

"Whooo."

Kinikilabot na talaga ako. Imposible naman na may kasama ako? Pero baka meron nga. MULTO! Nagsimula na akong umiyak. Natatakot na talaga ako. Kaya nga pag umuuwi ako ng gabi, kung ano ano ang naiisip ko.

May narinig akong akong ingay sa may harap ko. Wahh. May multo talaga. Nakita kong gumalaw ito na para bang umupo? Hala! May kasama nga talaga ako.

Sinubukan kong tumigil sa pagiyak pero humihikbi pa rin ako. Baka kasi makita niya ako. Kung may butiki lang sana dito, fatapunin ko yun sa kanya. Pero joke lang! Di naman siya nun matatamaan kasi multo siya diba? At ayaw ko pang mamatay.

"May tao ba diyan?" Sabi niya. Mukhang lalaki siya at bagong gising base sa boses niya. Tao din ba to?

Di ko nalang yun pinansin at yumuko nalang. Di ko talaga mapigilan ang paghikbi ko. Narinig kong may papalapit sa akin. Siya ba yon?! Waaahh. Gusto ko nang mamatay. Naramdaman kong tinapik niya ang ulo ko kaya ang sunod na nangyari ay:

"Ahhhhh!"

"Ahhhhh!"

"Wag niyo po ako sasaktan." Sabi ko habang nakapikit pa rin. Di ko kayang makita ang pagmumukha ng isang multo. Nakakatakot yun for sure!

"Di kita sasaktan." At dahil dun ay binuksan ko na ang mata ko saka ko inangat ang ulo ko. Nagulat ako sa nakita ko.

"Zayn?"

"Sam?"

"Bakit ka nandito?"

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Bakit ka nandito?"

"Nakatulog ako." Sabay hikbi ko nanaman. Ehhh. Naiiyak na talaga ako. Nakakatakot kasi.

"Shhhh. Don't cry." Sabi niya tapos binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. Hala! Di kaya clone lang siya ni Zayn? Gusto yata ako nitong patayin eh.

"Z-zayn. Di ako m-makahinga."

"Sorry." Niluwagan naman niya ang pagkakayakap sa akin. Pero nakayakap pa rin siya. Chansing ba to? Or nagpapatahan lang talaga? Di ko kasi ineexpect na gagawin niya itong bagay na to.

I don't know why but I feel safe in his arms. Kaya naman ay tumigil na ako sa paghikbi---pagiyak pala. Napaiyak nanaman pala ako. Matakutin talaga ako!

Kumalas na ako sa pagkakayakap at tumingin sa kanya. Nakikita ko pa rin naman siya kahit madilim.

"Wala na tayong magagawa. We're stranded here in the library for the whole night."

A/N: Don't forget to vote and comment. ^___^

Puzzle: A DecisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon