Zayn's POVBwisit na araw na to! Nakakawalang gana talaga makita ang pagmumuka nung Zach the baliw na yun. Pinunasan ko ang labi ko ng may matikman na likido dito. Tsk. Dugo!
Naglalakad na ako ngayon papunta sa classroom. Pagkapasok ko ng classroom ay nakita ko si Sam na may kasamang......lalaki?
"Drew, may nakaupo na diyan." Narinig kong sabi ni Sam.
"Eh. Wala akong paki. Bahala siya. Hahahaha." Sabi nung lalaki.
"Dr---"
"Get off." Mahinahon na sabi ko.
"At bakit naman kita susundin?" Painosenteng tanong nitong lalaki na to na may halong....pangiinsulto? Di ba ako nito kilala?!
"Dre--"
"Umalis ka na diyan habang nagtitimpi pa ako."
"Pano kung ayaw ko?" Gusto siguro talaga nitong masapok. Kinakausap ko na nga ng mahinahon pero heck, nambibwisit naman siya.
"You're really getting into my nerves huh?"
"Paupuin mo nlng kasi ako dito." Pacool na sagot pa niya. May gana ka pang maging cool?
"And why? That is my chair. I am the one who should be sitting there."
"Binili mo?" Pinupuno na talaga ako nitong lalaki na to ah. Sino ba to?
"D---"
Hinampas ko nga ng malakas ang lamesa ng upuan. Napansin ko na nagkumpol kumpolan na ang mga kaklase namin. Tsk. Ayaw ko pa naman gumawa ng eskandalo. Pero dahil dito sa pesteng lalaki na to, makakagawa ako.
"Sumusobra ka na talaga ha!?" At may gana pa siyang mangasar. He stuck his tongue out in front of me. Handa ko na siyang sapukin ng biglang......
Kriiiiiiing
Nagbell at pumasok ang teacher. Tsk. Looks like this guy is saved by the bell. Kung hnde lang nagbell at pumasok ang teacher, sisiguraduhin ko na black eye tong bwisit na to.
"Is there a problem there?" Tanong nung teacher. Marami na kasing nakapalibot sa amin. Kanina kunti lang naman. Tsk. Mga tsismosa!
"Wala po ma'am." Mabilis na sagot nitong pesteng lalaki na to. Sige, magsinungaling ka lang. Nakita nang nagkakagulo dito, tapos sasabihin mo na wala lang?
"Anong wala? Ma'am---" Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil nanaman sa pagsulpot nitong peste na to. Naiinis na nga ako ki Zach, badtrip pa ngayon, tapos dumagdag pa tong lalaki na to?
"Ma'am nangugulo po ito oh." Turo sa akin nung lalaki. Baka gusto mo talagang masapok ano. What a great liar you are.
"Zayn, anong ginagawa mo diyan?"
"Ma'am, itong bwisit na ito ang nangugulo dito. Dito naman po talaga ako nakaupo tapos siya ang uupo dito."
"Oh, diyan naman pala siya nakaupo. Bakit nandyan ka Mr.?"
"Andrew po."
"Bakit diyan ka nakaupo Mr. Andrew?"
Yumuko itong si Andrew daw? tapos nagpaawa effect. Wow. Bilib na ako sayo bro.
"Sila palang po kasi yung kakilala ko dito. Ayaw ko naman po umupo sa iba kasi di ko pa naman po sila kakilala." Ang galing naman ng dahilan mo. Para kang bakla!
"Ok. Zayn, change your seat first. Pansamantala lang naman."
"Pero--"
"Ano bang problema mo at ayaw mong pumalit ng upuan?"
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Teen FictionSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...