[11] Friend request

86 3 2
                                    


Zayn's POV

Nasa mall ako ngayon. Putik naman kasi, pinapabili ako ni ate ng ano. Basta yung ano. Basta yung binibili pag meron ang mga babae. Meron daw kasi si ate ngayon.

Tsk. Imbis na makapagpahinga na. Wala! At dahil yun ki ate. Pumunta na ako dun sa section nun pero di ko naman alam kung anong brand at ilan. Wala naman kasing sinabi. Kinuha ko nlng nga lahat. Tig iisang brand.

Habang nilalagay ko na sa cart yung mga ano, napansin ko na pinagtitinginan ako ng mga tao. Yung iba pinipicturan ako, yung iba kinikilig. Paki niyo? Tiningnan ko nga ng masama. Wag silang dumagdag sa pagkabadtrip ko.

Pagkalabas ko ng Grocery store ay napatingin ako sa tatlong babae na lumalakad lang. Parang pamilyar ang mga mukha nila. Kusa nlng gumalaw ang mga paa ko para sundan sila hanggang sa makadating kami sa arcade.

Nagtago ako para hnde nila ako makita at saka ko sinilip ang mga mukha nila. Nagulat ako ng makita ko si Sam kasama ang mga kaibigan niya. Kaya naman pala parang pamilyar.

Hnde ko alam kung bakit pero nakatingin lang ako sa kanila. Let me rephrase it, nakatingin lang ako sa kanya all along.

"Uyy, tingnan nyo to guys oh, ang cute cute. Gusto ko to makuha." Sabi ni Sam habang tinuturo yung unicorn na stuff toy. Tsk.

"Sige. Go Sam, you can do it." Narining kong sabi nung dalawang kaibigan ni Sam.

Pinasok na ni Sam yung token at ginalaw yung controllers pero nung nakuha na nung claw, nahulog yung stuff toy.

"Tsk. Sayang." Narining kong sabi niya.

Second try, pero nahulog nanaman yung stuff toy. I don't know why but I find her cute while she's playing the claw machine. Naka pang 10th try na sya pero hindi pa rin nya nakukuha yung unicorn stuff toy.

"Ugghhh! Ang hirap. Tara na nga guys." Sabi niya na mukhang naiinis.

"Waiit! Ikaw palang kaya ang nakakalaro. Ano yan di mo kami papalaruin?" Sabi nung isa nyang kaibigan na mukhang pinakabata sa kanila.

"Ok na yan. Next time nlng. Saan ang sunod nating pupuntahan?" Narining ko ulit na sabi nya.

"Fine!" "Sa National Bookstore!" Sabay na sagot ng mga kaibigan niya kaya napangiwi nlng sya.

Umalis na sila at ako naman pumunta na papalapit nung claw machine. Tsk. May sarili nanamang isip tong mga paa ko. Kailangan ko na sigurong magpacheckup, baka may problema na ako sa utak ko.

Maglalaro na sana ako ng malaman ko na wala pa pala akong nabibili na token. Binilisan kong pumunta sa cashier para magbili ng token at bumalik na sa claw machine. Buti nlng at walang tao na naglaro.

Pinasok ko na ang token at sinimulan nang galawin ang controller, nung nakuha ko na, biglang nahulog.

"Tsk. Ano ba yan."

Nagpasok ulit ako ng token at ginalaw na ang mga controllers pero heck, nahulog nanaman.

Second try, nahulog nanaman.

"Ano ba Zayn. Ba't d mo makuha yang stuff toy na yan!?" Sabi ko sa sarili ko at napansin kong pinagtitinginan na ako ng mga tao dito. Tsk. Paki nyo?

"Mind your own business!" Sigaw ko sa kanila at dali dali naman silang tumingin sa ibang direksyon.

Third try, nakuha na, pero nung ginagalaw ko na yung claw palapit dun sa huhulugan, nahulog nanaman.
"Bwisit!"

Pang 16th token ko na to at ito na ang pinakalast na token na binili ko. Pinasok ko na yung token at sinimulan nang galawin ang controller, nung nakuha na nung claw, ginalaw ko ulit yung controller papunta dun sa huhulugan nung stuff toy at this time, nakuha ko na.

"Yesss." Mukha na ako ditong tanga pero wala akong paki. Ang mahalaga ay nakuha ko na itong stuff toy at maibigay sa taong gusto kong pagbigyan.

Pagkauwi ko sa bahay ay bumungad sa akin si ate. Tsk.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ni ate.

"La kang pake. Arayyy!"

Pano ba naman kasi binatukan ako sa ulo ko. Sa ulo pa talaga. Pwede namang sa braso, baka magkaamnesia ako nito.

"Sungit mo talaga!"

"Oh." Inabot ko na sa kanya yung mga pinabili niya at tumaas na ako.

"Thank you bro!"

Di ko na sya inintindi. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay tinago ko na muna yung stuff toy at kinuha na ang laptop ko.

Naglog in ako sa facebook at nagscan lang sa news feed. May nagpop na chatbox sa gilid kaya pinindot ko ito.

Marami nanamang friend requests. Tsk. Kinacel ko nga lahat, mga fans ko lang naman yan na malalandi. Gwapo ko kasi. Tsk.

Habang kinakancel ko ang mga friend request ng mga malalandi na ito ay nadako ang tingin ko sa section ng "People You May Know". Ang nangunguna dun ay si Sam Alcantara. I'm not a stalker but I think I will be one of them right now.

I immediately tapped her profile and scanned her news feed. Right at that moment, I just found myself tapping the "send friend request".

Wala na akong magagawa, napindot ko na eh. May sarili nanamang utak tong kamay ko. Nagnap nlng ako kasi nakaramdam ako ng antok hanggang sa naging tulog.

***
Nagising ako syempre, galing sa tulog. Kinuha ko ang phone ko para makita kung anong oras na pero napatingin ako sa notifications ko sa facebook. Akala ko mga friend request nanaman pero napangiti ako sa nakita ko.

Friend request accepted. Write on Sam Alcantara's Timeline.

A/N: Don't forget to vote and comment. ^___^

Puzzle: A DecisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon