Samantha's POVWhoooo. Thursday na ngayon which means ngayon na ang performance namin. Hala, di ko pa pati alam ang ikakanta namin. Bakit kasi di ko pa sa kanya tinanong kagabi? Tanga ka din kasi Sam eh.
Nilibot ko ang tingin ko sa kabuoan pero heck. Di ko makita si Zayn. Ano baaaa. Nagsimula na ako magpanic. Pano nlng kung tawagin na kami mamaya? Nakatayo lang ako dun? Or kaya magisa ako kakanta? Walang grade? Baka nam---
I snapped back from my reverie when I heard someone called my name. Sino ba yon?
"Saaam!"
"Ahhhh!" Tiningnan ko nga ng masama si Cyril. Nanggugulat ba naman. Kita nang may iniisip ako eh.
"Hahahhahahahhahahahahahh!" Ayan na. Nabaliw na sya.
"Tumigil ka nga! Nakita mo ng may iniisip ako tapos gugulatin mo ako."
"H-hnde kita ginugulat! Pfft." Sabi niya habang pinipigilan ang tawa.
"Ha ha ha. Nakakatawa talaga Cyril."
"S-sige di na ako t-tatawa." Sinabi niya yan pero pinipigilan pa rin naman niya tawa niya. Masasapok ko na talaga tong babae na to. Iiieeeeee. Kakagigil.
"Anyways, kanina pa kasi kita tinatawag kaya sinigaw ko na ang pangalan mo para manotice mo naman ako and then boom! Nagtagumpay ako."
"Pwede mo naman kasi akong kalabitin nlng. Tsk."
"Ehhh gusto ko kasi malaman. Tell me, Sam, what's bothering you? Kanina pa kasi namin ikaw napapansin ni Keila. Para bang may hinahanap ka?" Bigla naman syang nagsmirk. Ano nanaman kaya ang nasa isip nitong babaeng to?
"Miss mo na si Zayn noh?"
I shot her my deadly glare. Makuha ka sa tingin! Kung ano ano iniisip mo.
"Oh. Bakit ganyan ka makatingin?"
"Di ko naman kasi siya namimiss. Pero tama ka na may hinahanap ako at siya yun. Hello? Ngayon na kaya ang performance para sa music. Alangan naman na magrelax pa ako kahit wala pa siya?"
"Ok. Nakakatawa yung mukha mo Sam kanina. Hahahhahahahahaha."
"Oyy. Ano ba pinaguusapan niyo dyan? Bakit grabe makatawa itong si Cyril?" Tanong ni Keila na halata mong naguguluhan.
Nilibot ko nga ang tingin ko at napansin ko din na nakatingin na sa min ang mga kaklase namin. Mukhang naweweirduhan dahil sa inaasta ni Cyril. Ni Cyril lang ha? Di na ako kasali dyan. Dadamayin pa ako eh. Di ko nlng sila pinansin at nakinig na sa first subject.
Cyril's POV
Himala! Binigyan ako ni author ng POV ngayon. I am so honored. Sana magtuloytuloy lang to. De joke. Ayaw ko naman sumabat sa buhay ng kaibigan ko. Pero dahil tinatamad siya magistorya ngayon, ako nlng muna. Char! So ito na nga.
Kriiiiingg
Yeheyyyy. Lunch break na. I am so hungry. Palibre kaya kami ni Keila ngayon ki Sam? Hehehhehe.
Siniko ko si Keila at tumingin naman siya sa akin. She shot me her 'what' look.
"Keila, palibre tayo ki Sam ngayon?"
"Bakit mo naman naisipan yan?"
"Wala lang. Tingnan mo kasi siya oh. Para siyang wala sa isip eh. Pinoproblema niya yung performance para mamaya. Wala pa baga kasi si Zayn."
"Anong connect?"
"Pag kinulit natin siya, syempre makukulitan siya sa atin. Mapapapayag natin siya na ilibre tayo. Para ma ease naman ang pag space out niya. Yung para bang madidistract natin siya sa iniisip niya."
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Teen FictionSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...