[33] Jogging

74 3 0
                                    


A/N: Maikli nanaman po itong chapter na ito. Pero don't worry po, may iba pa namang mga chapters. Upcoming chapters. Hope you enjoy. ^___^

Samantha's POV

~~~Yaaaaaawwwwnnsss~~~

Antok pa ako. I need more sleep pero kailangan kong gumising. Majogging kasi ako ngayon. Ganun kasi ginagawa ko every Sunday. So yeah.

Nagstretching muna ako pagkabangon ko. Morning rituals then Tada! Tapos na.

Lumabas na ako ng bahay. Di ko na inabalang magpaalam pa kina mama at papa kasi paniguradong tulog pa yun. Ang aga pa kasi. Syempre, maaga naman talaga ako pagmajogging.

Iikot lang ako dito sa village with my earphones on. Music lang. Mas maganda kaya pag ganon.

Nagsimula na akong maglakad then after a couple of minutes ay naging jogging na. Kaya healthy ako eh.

Antok pa talaga ako kaya sinara ko ang mga mata ko. So ang ginagawa ko ay nagjjogging habang nakasara ang mga mata. Safe naman ako diba? Wala namang mangkikidnap sa akin. O kaya makakabunggo sa akin. Diba? Alam ko naman kasi ang mga direksiyon dito kaya sanay na ako.

Habang lumalakad ay naumpog ako sa matigas na bagay. Hnde talaga safe.
Hinimas himas ko ang ulo ko tapos inayos ko sarili ko. Nagulo kasi ng kunti. Pagkaangat ko ng ulo, literal na napanganga ako. Akala ko kasi, sa pader ako naumpog. Yun pala--- nevermind.

"Zayn?"

"Sam? Bakit ka nandito?"

"Nandito baga sa village na ito ang bahay namin. Ikaw, bakit ka nandito?"

"Nagjjogging kasi ako dito every Sunday. Tsaka nadadaanan ko itong village na ito." Paliwanag naman niya. Parehas pala kami na nagjjogging every Sunday.

"Ahhh....sabay na tayo?" Nagnod naman siya.

Nagsimula na kaming magjogging. Pansin ko na may earphones din na nakasalampak sa tenga niya. Cool.

"Nagjjogging ka din, every Sunday?" Tanong ni Zayn.

"Yes."

"Oh. Ako din naman. Pero bakit di tayo nagkikita?"

Nagkibit balikat nlng ako. Di ko naman alam. Eh paano ko ba naman malalaman? Di naman ako manghuhula.

"Bakit ka pala nakapikit kanina?"

"Antok pa kasi ako."

"Ahh...kamusta naman?" Nababaliw na ata itong si Zayn. Anong 'kamusta' ang tinutukoy niya.

"Anong 'kamusta naman'?"

"Kamusta naman yung naumpugan mo?" Sabi niya sabay ngisi. Medyo mabagal pumasok sa isip ko yung tinutukoy niya. Hinampas ko nga braso niya.

"Ang hina mo."

"Malakas kaya yun."

"Para sayo. Pero para sa akin, parang pitik lang yun. Hahaha"

"Tse. Yabang mo."

Binilisan ko ang pagjogging ko at iniwan na siya. Pero putik! Ang bilis niyang nakahabol sa akin. Tinakbo na ako eh.

"Hintay lang."

"Bahala ka."

"Joke man lang."

"Edi wow."

"Uy. Joke lang kasi."

"Di tayo bati." Pfft. Napapatawa na ako. Pinagtritripan ko lang naman siya eh. Tingnan natin kung hanggang saan niya kaya.

"Sorry na." Bahala ka diyan. Magic word na muna. Hehehe. Evil plan.

"Uy magsalita ka naman diyan." Sabi niya.

"Pano mo ba ako mapapatawad?" Napatingin ako sa kanya. Looks like my evil plan will work. Mwuahahaha.
"Ilibre mo ako ng breakfast."

"Pfft. Yun lang?"

"Oo."

"Takaw mo talaga."

"Ayaw mo?"

"Syempre gusto. Pagnakarating na tayo dun sa convenience store dito sa village." Sabi niya at tumuloy na kami sa pagjogging. Galing ko talaga. Libre na pagkain ko.

A/N: 'Black' po yung title nung kanta nina Jennie at G-d. Yes po. Sa mga hindi po alam, may kanta po silang dalawa. Just informing kung gusto niyong makinig sa music nila. (Isipin niyo na 'black' yung pinapakinggan nilang kanta habang nagjjogging sila. Hehehe.) Don't forget to vote and comment. ^___^

Puzzle: A DecisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon