Samantha's POVHnde pa rin ako makapaniwala na si Zayn ang partner ko. Ehhh.....ayaw kong mabagsak sa favorite subject ko. Hnde pa nga kami nakakapractice eh. Pano na yan? Wednesday na lamang ngayon, kahapon di kami nakapractice. Bukas na yung performance. Pano nlng grades ko?
"Zayn, hnde ba tayo magpapractice? Sila kasi panay na ang practice."
Pansin ko yun, kami nlng yung hnde nakakapractice. Ehhh. Baka mabagsak ako at pag nangyari yun sisisihin ko tong si Zayn.
"After dismissal, practice at my home."
"Mamaya na? Hnde pa ako nakakapagpaalam eh."
"Edi text."
Sungit talaga kahit kailan! Dapat kahapon pa niya sinabi para nakapagpaalam ako. Nakauwi na pati si papa kahapon, baka pagalitan ako nun pag hnde ako umuwi ng maaga. Bahala na nga.
Nagsimula na ang first subject pero ako ito, nagaalala pa rin para sa sarili ko. Ehhh. Don't let it distract you Sam, baka maapektuhan yung acads mo sa ibang subjects. Focus!
"Ms. Sam, do you have a problem?" I snapped back from my reverie when I heard ma'am Joy's voice.
"No ma'm. There's no problem."
"Are you sure?" Oo nga, kulit mo ma'm eh.
"Yes ma'm."
Bumalik na si ma'm sa pagdidiscuss at ako naman ay tinatry kong makinig sa lessons. Hindi naman ako nabigo kasi di ko na inaalala yung para sa mamaya.
Lunch break na and so far, di na ako nadidistract nung para sa practice.
"Sam, ok ka lang?" Tanong sa akin ni Keila.
"Oo. Bakit mo natanong?"
"Kanina kasi, yung sa english time, mukhang may problema ka talaga."
"Inaalala ko lang naman yung mamaya. Sabi kasi ni Zayn, mamaya daw magpapractice eh di naman ako nakapagpaalam. Alam mo naman yun si papa diba? Ayaw niyang late ako umuuwi."
"Yun lang?"
"Oo. Kaya wag ka na magalala."
***
Uwian na. Ngayon na ang napagusapan namin ni Zayn na magpractice kaya tinext ko na si mama.To: Mama
Mama, malalate po ako ng uwi ngayon. May practice po kasi ako. Kasama ko po si Zayn. Pakisabi nlng po ki papa.
Si mama nlng tinext ko. Pag si papa kasi, grabe yun mag alala. Baka mamaya, sermonan pa ako nun. Tsk.
"Bye na Sam! Enjoy." Sabi ni Cyril habang tinataas baba ang kilay niya. Tsk. Alam ko na ang nasa isip nitong babae na to. Tiningnan ko nga siya ng masama. Makuha ka sana sa tingin.
"Sige Sam, aalis na kami. Mapapractice din kasi kami ngayon. Ingat ka."
"Ingat din kayong dalawa."
Pumunta na kami ni Zayn sa parking lot kasi syempre nandun yung kotse niya. Nagsimula na siyang magdrive at ako naman ay tumingin nlng sa window. Biglang nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito. May text na ako galing ki mama.
From: Mama
Ok. Ingat ka :)
Ang weird ng text ni mama ngayon. Actually pag ganito na nalalate ako at di nakakapagpaalam, grabe yan kung magtext. Pero ngayon? Simpleng 'Ok. Ingat ka :)' ang text niya. May smiley face pa! Ain't that weird?
Tumigil na sa pagdrive si Zayn kaya napatingin ako sa labas. Huminto kami sa harap ng isang.......mansion?
Pagkalabas namin ng kotse ay namangha talaga ako sa ganda ng mansion nila. As in ang laki talaga. Well, what could I expect from him. Mayaman talaga sila.
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Teen FictionSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...