A/N: As you can notice po ay malayo ang gap nitong chapter dun sa chapter na may invitation. Irelate niyo nlng po sa reality na maraming bagay ang nangyayari. ^___^Samantha's POV
Mabilis umusad ang araw. Saturday na ngayon so ngayon na. Ngayon na ang big event ni Drew. Ngayon na ang birthday niya. Wohoo! Pagkain! Char! Mukhang mas excited pa ako kesa sa kanya. Hehehe.
Hnde na ako makakasabay kina Keila at Cyril kasi alam niyo na. Masama silang kaibigan! Nauna na kasi sila. Di man lang ako hinintay. Eh ako.....paalis palang ako. Medyo malayo din yung venue kung saan magaganap ang birthaday ni Drew mula dito sa bahay. Kamusta naman kaya yun?
Tok tok tok
Bumukas yung pintuan at nakita ko si mama na nakangiti. Dahil sa sobrang pagtataka ko ay di ko na namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.
"Di pala manliligaw ha."
"Ano po, ma?"
"Wala. Sabi ko nandiyan na si Zayn sa baba."
Nagulat naman ako sa sinabi na iyon ni mama. Di nga? Bakit naman yun pupunta dito?
"Ma. Wag po kayong magbiro."
"Di ako nagbibiro, anak. Dalian mo na, nakakahiya naman ki Zayn."
"Totoo talaga ma?"
"Oo nga. Kaya bilisan mo na diyan."
"Bakit naman po yun nandito?"
"Sabi niya sabay daw kayong pupunta dun sa party ng kaibigan mo." Sabay kami? Eh wala naman siyang sinabi na sabay na kami pupunta doon.
"Ikaw Sam ha. Wag kang maglalasing." Ayan nanaman si mama. Kagabi pa siya diyan sa pagpapaalala sa akin na wag maglasing.
"Ma, di naman po ako maglalasing. Tsaka di naman sa bar ang punta namin."
"Good. Pag ikaw naglasing, humanda ka." Ang kulit talaga ni mama. Sabi nang hindi ako maglalasing at hindi naman sa bar ang punta namin. Bakit naman ako maglalasing? Eh di naman nga ako umiinom ng alak.
"Tsk."
Umalis na si mama kaya ako naman ay dali dali kong inayos ang sarili ko. After ilang minutes ay natapos na rin. Napatingin ako sa relo ko. Phew. Makakaabot pa.
Pagkababa ko ay nakita kong may kausap si mama. Si Zayn na siguro yun. Hindi pwedeng si papa yun kasi nandun yun sa taas, natutulog. Napagod kasi dahil sa trabaho. Kawawa naman si papa.
"Oh ayan na pala si Sam oh."
Pagkasabi nun ni mama ay literal na napanganga ako. Kaya di ko pinahalata. Pano ba naman kasi, ang gwapo ni Zayn sa porma niya. I had to admit, gwapo naman na talaga siya, yun nga lang, mas gumwapo pa siya ngayon.
"Hi Sam. You look stunning tonight." At dahil dun sa sinabi niya ay namula ang pisngi ko. Ano ba yan. Wag ipahalata wag ipahalata.
"Thank you." Buti nlng nasabi ko pa yan. Whoo. Bakit parang misyon yun para sa akin?
"So let's go?"
Lumapit na ako sa kanila ng tuluyan at ito namang si mama ay tiningnan ako ng makahulugan. Kulit talaga.
"Zayn, bantayan mo yang anak ko ha?"
"Opo tita."
"Wag mo yan hahayaang maglasing."
"Opo tita."
"Wag mo yan papalapitin sa mga lalaki."
"Opo tita."
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Teen FictionSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...