Samantha's POVNandito ako ngayon sa mall mag-isa. Ang daya naman kasi nina Keila at Cyril. Nakabili na daw sila ng ireregalo ki Drew. Di man lang nagsabi edi sana nakasabay ako sa kanila. So yun nga ang pinunta ko dito, bibili ako ng ireregalo ko para ki Drew.
Ano kaya ang pwedeng iregalo? Ilang oras na ako dito naglilibot libot sa mall pero wala pa rin akong mahanap. Aba malay ko ba kung ano ang mga hilig niya.
Nandito ako ngayon sa department store. Naghahanap ng pwedeng iregalo. Ano ba ang pwede? T-shirt, polo, sumbrero, simpleng damit lang, sapatos (ano siya, sineswerte?), relo (anong akala niya sa akin, mayaman?). Necktie nlng kaya?
Syempre ang susuotin niya sa birthday niya ay polo kasi formal attire daw. Pwede niyang suotin itong necktie na to habang birthday niya. May lumapit sa akin na babae at sa palagay ko, siya siguro yung nagbabantay dito?
"Hi ma'm. How may I help you?"
"Miss, anong kulay ng necktie ang babagay sa kahit anong polo?"
"Ito po ma'm. Blah blah blah." Nagexplain lang yung babae tungkol dun sa mga necktie. Ang haba ng mga sinabi niya. Minemorize ba niya yun?
Pagkatapos ng mahaba habang speech ni miss ay nakapili na rin ako sa wakas. Sana nlng magustuhan to ni Drew. Kahit maappreciate man lang, arte naman niya kung hnde. Nagpakahirap ako magparalibot dito sa mall tapos di niya maappreciate?
"Sige, itong necktie nlng." Sabi ko dun sa babae kaya inabot na niya sa akin. Naglibot libot pa ako dito sa mall, eh necktie man lang pala ang bibilhin ko. Ang hirap naman kasi pag lalaki ang nireregaluhan.
Binayaran ko na sa cashier ang pinamili ko pagkatapos ay nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta ako sa foodcourt at nagorder na.
Habang kumakain ako ay para bang nakaramdam ako ng ilang. Para kasing may tumitingin sa akin habang kumakain SI AKO. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid pero wala naman. Hmmm....baka imagination ko lang yun.
Di ko nlng yun pinansin at tinuloy ko nlng ang pagkain ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Ano ba yan, di ko na natutuloy ang pagkain ko.
Someone's POV
Habang kumakain ako sa foodcourt ay may nakita akong babae na pamilyar. Pagkatapos niyang magorder ay umupo na siya. Para talaga siyang pamilyar, hnde ko lang makita ng malinaw kasi inaantok ako.
Di ko na namalayan na may tumakip na pala sa maganda kong ilong ng panyo. Yawns. Ako lang pala yun. Hehehe. Makainom nga ng tubig. Ayan, di na ako antok. Kinusot kusot ko yung mata ko tsaka ko tiningnan yung babae. What? Tiningnan ko nanaman siya. Siya talaga siya. Hahaha. Malamang siya yan.
Tiningnan ko lang siya ng matagalan habang siya naman ay kumakain. Mukhang nakapansin siya kaya naman bilis bilis akong gumalaw para magtago. Paano kaya kung?
Aha! An idea hit me. Mwuahahahaha. This plan will be so great. I am such a genius.
Kinuha ko na ang cellphone ko at dinial ang number niya. Pagkatapos ng tatlong ring ay kinuha na niya ito at sinagot na.
["Hello?"]
"Sup? Pwede ka ba pumunta dito sa mall? Ngayon na?"
["Tsk. Bakit nanaman?"]
"I need your help."
["Ano ba ginagawa mo diyan?"]
"Basta. Please?"
["Oo na. Nasaan ka ba?"]
"Nandito ako ngayon sa mall, sa foodcourt."
["Great. Malapit lang ako diyan."]
"Ok. Thanks bro. By--"
Dial tone
Sungit talaga kahit kailan. Habang hinihintay ko siya ay nilapitan ko na siya. Nakakalito noh? Oh sige. Para malinaw na, ito na. Sisimulan ko na ang plano ko.
Samantha's POV
"Sam!" Tawag niya sa akin.
"Ate Zaira?" Yah! Si ate Zaira po yan. Ang ganda niya sa suot niyang yan. Nakangiti pa siya. Double ganda na.
"Hi Sam. Pwede ba ako makiupo?"
"Ah sige po. Upo ka na ate."
"Long time no see."
"Oo nga po ate. Buti nlng nagkita ulit tayo."
"Oo nga. Bakit ka pala nandito?"
"May binili lang po ako." At bigla siya tumawa pero yung mahina lang.
"Wag ka na mag 'po' at 'opo' pag kausap mo ako, Sam. 'Ate' lang ok na.
"Ok ate Zaira."
Pagkatapos nun ay nagkwentuhan kami. Close na talaga kami ni ate Zaira. Akalain niyo yun? Naging close ko ang kapatid ng isang Zayn na pinakahearttrob ng campus.
"Tanda ko tuloy nung una kang pumunta sa bahay namin."
"......So, kamusta naman yung naging performance niyo?"
"Maayos naman ate kahit hnde kami nakapractice. Marami pa nga ate yung nagcheer."
"Bagayjsbihsun." Di ko naintindihan yung binulong ni ate Zaira basta ang narinig ko lang ay 'bagay'. Bagay? Gamit?
"Ano yung sabi mo, ate?"
"Ah wala. Hehe."
Pagkatapos nun ay nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan. Ang comfortable ko talaga kapag kasama ko si ate Zaira. Siguro kasi mabait siya sa akin.
Nakita kong tumingin siya sa likod ko kaya tumingin na rin ako. Nakita ko si Zayn na papalapit sa amin.
"Oh, Zayn. Andyan ka pala." Mukhang naweirduhan naman si Zayn sa sinabi ng ate niya. Anong weird doon?
"Bakit mo ak---"
"Wait lang. Mamaya ko na explain sayo. Comfort room lang ako. Samahan mo muna Zayn si Sam."
Pagkasabi nun ni ate ay mabilis na siyang umalis. Halaa. Awkward nanaman ito. Tinuloy ko nlng ang pagkain ko ng pagkain ko. Hahaha. Pero ramdam ko ang titig ni Zayn sa akin. Sabi na eh! Nakakailang! Sana naman madali lang si ate Zaira sa comfort room para makabalik siya dito agad.
A/N: Don't forget to vote and comment. ^___^
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Teen FictionSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...