Samantha's POVNgayon na yung araw kung kailan namin gagawin yung macramé. Ehhh. Excited na ako. Bakit pa kaya namin kailangan mag triad kung gagawa naman kami ng sarili naming bracelet? Edi sana pinaindividual nlng kami.
Nandito na ako sa loob ng campus. Naglalakad lang. Naghihinga. Gumagalaw. Kumikilos. Basta yun. Nakita ko sina Keila at Cyril na naglalakad din. Naghihinga. Gumagalaw. Kumikilos. Stop na nga Sam diyan sa mga pinagiisip mo. Para kang tanga.
Himala! Ang aga nina Keila ngayon. Nilapitan ko na nga para hnde na ako loner dito.
"Keila, Cyril, himala. Ang aga niyong dalawa ngayon."
"Inagahan lang talaga namin."
"Bakit?"
"Trip lang namin."
Dumiretso na kami sa classroom namin. Nakita ko si Zayn na kinakausap sina Troy at Liam. Madalas na siyang maaga pumasok. Dati kasi pansin ko, late siya pumapasok sa school.
Umupo na ako pero sa totoo ay hnde pa. Syempre, kinakausap nga baga ni Zayn sina Troy at Liam edi syempre hnde ako makadaan papunta sa upuan ko.
"Excuse me."
Inayos naman niya yung upuan niya at pagkapasok ko ay bumalik ulit siya sa pwesto niya. Umupo na ako pero napatingin ako sa seat ni Drew na ngayon ay wala na. Wala na?! Bakit wala na yon dito? Paano na siya? Saan na siya uupo?
Napatingin ako ki Zayn na kasalukuyan pa ring nakikipagusap kina Troy at Liam. Ayaw niyang katabi si Drew. Posible kayang siya ang may kagagawan nito?
"Zayn, ikaw ba ang umalis ng upuan ni Drew dito?"
Napatingin naman siya sa akin tsaka niya tiningnan yung pwesto ni Drew. Binalik niya sa akin yung tingin niya na mukhang bored.
"No."
"Ok."
Bumalik na siya sa paguusap sa kanyang mga tropa at ako naman ay nakisali na sa kwentuhan nina Keila at Cyril. Grabe sila ha. Hnde ako hinintay.
"Grabe kayo. Nagsimula kayong magkwentuhan ng hnde ako kasali."
"Ang kulit kasi nitong si Cyril. Mapilit."
"Dali naa~."
"So yun na nga. Blah blah blah."
Nakinig nlng ako sa kanila kahit hnde ko maintindihan yung punto. Hnde ba naman ako hintayin. Ang tagal naman ni Drew. Nasaan ka na ba? Buti pa kasi siya hnde ako hinahayaang ma out of place. OP in short.
Nagbell na at pumasok na ang teacher pero wala pa rin si Drew. Ngayon na pati namin yun gagawin. As in ngayon na talaga na first subject sa umaga. Absent ba siya? Tsk. Pagpumasok na nga siya, hihingiin ko na number niya.
"Ok class. Please settle down. Gather your materials now. And you may start."
Hala. Wala pa rin si Drew. Kawawa naman siya. Pag natapos ko na itong sa akin, gagawan ko siya. That's what friends do, right? Late na nga siya pumasok tapos di pa siya makakagawa ng project?
Kinuha ko na yung materials ko. Good thing may extra ako. Sinimulan ko na gawin yung bracelet. Wow. Ang ganda nung color combination ko. Pero kailangan ko magtaga bilis ngayon.
Habang ginagawa ko yung bracelet ay may narinig akong katok sa pintuan. Di ko na inabalang tingnan pa yun dahil namamadali na talaga ako.
Biglang may tumapik sa balikat ko. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Drew na hingal na hingal. Wahh. Buti hnde siya absent. Habang nagpapahinga muna siya ay nakita kong bigla siyang nahimatay. Pero sa totoo? Napahiga lang siya dun sa bag niya. Nandito kasi kami sa sahig pinapagawa. Kawawa naman. Pagod talaga. Uminom siya ng tubig at pagkatapos ay umupo na siya.
"Sam, paano ba yan? Di na ako nakaresearch kagabi kasi walang internet."
"Ah sige. Tuturuan kita. Nasaan na ba yung mga materials mo."
Nasampal niya ang noo niya ng wala sa oras. Anong nangyayari dito?
"Bakit? May problema ba, Drew?"
"Sam, may extra ka pa ba dyan na materials? Nakalimutan ko kasi."
"Meron ako dito."
"Bayaran nlng kita."
"Naku Drew. Wag na."
"Ok lang naman."
"Sige ka, hnde kita bibigyan." Banta ko sa kanya. Ang kulit talaga nito. Sabi nang wag na. Narinig kong may binuling si Zayn pero hnde ko na naintindihan kasi hinahanap ko na yung extra materials ko.
"Oh."
Inabot ko na sa kanya yung mga materials which is the cord. Tinuruan ko na siya kung paano gawin yung bracelet and luckily, mabilis naman niya iyon natutunan.
Habang ginagawa namin ang project namin ay nagkwentuhan kami habang hnde pa rin inaalis ang tingin sa bracelet. Mahirap na, malapit na kasi magtime kaya binibilis bilisan na namin.
"Drew, bakit ka pala nalate?"
"Nalate ako ng gising. Hehe."
"Drew, yung cellphone number mo. Ibigay mo sa akin mamaya ha? Pati na rin kina Keila at Cyril."
"Hmm."
Tinuloy na namin ang paggawa sa bracelet. Mine is almost finished. 3 knots nlng and tapos na.
1
.
2
.
3
.
Sa wakas tapos na. Ginupit ko na yung mga excess cord at nilagyan na ng pangalan. Yung masking tape yung sinulatan ko tapos dinikit ko dun sa bracelet. Yun daw kasi ang sabi ni ma'm.
"Tapos ka na ba Drew?"
"Malapit na."
"...Ayan tapos na. Mahingi masking tape."
"Tsk." Ayan nanaman ang mahiwagang 'tsk' ni Zayn. Anong problema niya? Pati tuloy ako nahahawaan na dahil sa kaka 'tsk' niya. Tsk.
Oh. See?
Binigay ko nlng ki Drew yung masking tape at sinulatan naman niya iyon. Napatingin ako ki Zayn na nakatingin sa amin. Dapat daw kasi sabay sabay magpapass ang pair, pero ang sa amin ay triad.
"Halika na. Pass na tayo."
Tumayo naman sila pareho at pumunta na kami ki ma'm. Pinass na namin iyon at bumalik na sa seats namin pero si Drew nakatayo lang. Oo nga pala, wala na dito yung inuupuan niya.
"Dito ka nlng muna, Drew." Sabi ko sabay tap sa gilid ng upuan ko. Bale dalawa kaming nakaupo dito sa upuan ko. Nasisikip na ako~
Pinahinga na namin ang mga kamay namin. Nakakapagod kaya. Pero worth it naman kasi nakakaenjoy rin.
"Drew, yung number mo."
Sinulat naman niya iyon sa papel at ako naman ay tinago sa bulsa ng palda ko. Mamaya ko nlng issave kasi bawal naman kami magcellphone pag class hours.
"Oh. Bakit mo tinago."
"Mamaya nlng pag uwian na. Bawal baga mag cp during class hours."
"Masunurin na bata."
Sabay gulo niya sa buhok ko. Ay ginawa akong aso. Inayos ko nga at tiningnan siya ng masama.
"Hnde katulad mo!"
"Ano ba yan." Narinig kong bulong nanaman ni Zayn. Ano bang nangyayari sa kanya? Nasapian na siguro ng espiritu.
A/N: Don't forget to vote and comment.^___^
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Teen FictionSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...