Samantha's POV"Sam, gising na."
"Ma, maya na po." I heard him chuckled. Wait! Him?! Boses lalaki eh. Baka kinidnap na ako nito. Or baka si papa lang naman pero iba kasi ang boses.
"Sam." Pamilyar ang boses niya pero di ko tanda kung kanino yun kasi antok pa ako, and at the same time, gutom na rin ako. Di pa nagffunction ang napakatalino kong utak.
"Sam." Nagmulat nalang ako para tumigil na ang kung sino mang nanggugulo ng masarap kong tulog. Pero nagulat ako ng makita kong wala ako sa kwarto ko.
Tumingin ako dun sa tumatawag sa akin na katabi ko pala pero nakatingin na siya sa ibang direksyon kaya di ko makita ang mukha niya. Paano kung siya yung multo na nakita ko kagabi? Pwede rin. Napatakip ako sa bibig ko. Pagkatingin niya sa akin ay syempre nagulat ako. Sigurado akong nakakatakot ang mukha niya.
"Ahhhh.!"
"Sshhh." Tinakpan niya ang bibig ko. Zayn? Nung kumalma na ako ay saka niya inalis yung kamay niya na nakatakip sa bibig ko. Nilibot ko ang tingin ko at---oo nga pala, nasa library pa ako.
"Wag kang maingay." Sorry man. Di pa kasi gumagana ang brain cells ko.
"Sorry, nakalimutan ko."
Napatingin ako sa relo ko. Hala! Late na kami sa first subject namin. Baka isipin na absent kami o kaya nagcutting class.
"Zayn, late na tayo sa first subject."
"I know. Pagfirst subject kasi binubuksan tong library. By now, papunta na yun dito."
Bigla kaming nakarinig ng ingay sa sliding door kaya napasilip kami dun.
"Speaking of. Just follow my lead." Nagnod naman ako. Nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Hinawakan niya ang kamay ko. Ayy, inintertwine nalang niya sana. Joke lang! Ano ba yang iniisip mo, Sam?
Nagtago na kami sa may bookshelf. Nakita namin na umupo na yung librarian dun sa parang counter? Di ko alam basta dun sa place nila. Ang tagal naman umalis. Ang sama ko naman, pinapaalis ko yung librarian.
After ilang SECONDS ay may pumasok na dalawang lalaki na sina....Troy at Liam? Napatingin ako kay Zayn, plinano niya ba ito? Ang galing naman niya.
Kinausap nina Troy at Liam yung librarian at pagkatapos ay umalis sila pero syempre nasa loob pa rin sila ng library. May pinapahanap siguro silang book dun sa librarian para madistract siya. Whatta brilliant idea.
Tinake na namin ni Zayn yung chance para makatakas. Dahan dahan lang yung paglakad namin. Take note, nakahawak pa yung kamay niya sa akin na ngayon ay......iniintertwine niya? Ano naman ang pumasok sa isip ni Zayn para gaein to? Chansing na siya ha. Pero okay lang, ang lambot nga ng kamay niya eh. Char!Nakalabas na kami ng library pero nakaintertwine pa rin ang kamay namin. Kung kanina ay okay lang---este hindi okay, ngayon ay nakakailang na.
"Zayn, yung kamay mo." Sabi ko habang nginunguso yung kamay namin na nakaintertwine pa rin.
"Oh! Sorry." Palusot mooo! Inalis na niya yung kamay niya. Narinig kong tumunog yung tiyan ko pero mahina lang kaya di naman siguro narinig ni Zayn. Kasi kung oo, nakakahiya. Di pa pala ako nakakakain. Ang haba kasi ng tulog ko.
"Kain na tayo?" Nagnod naman ako. Alangan naman hindi? Ayan na nga oh, lumalapit na ang grasya. I can't live my life without food kaya nga hindi pa gumagana yung isip ko kanina.
Pumunta na kami sa canteen at umupo na sa seat. Yung ibang tindera, nagulat. Yung iba naman, kinikilig. Pero itong si Zayn, wala lang pakialam. Siya na ang gwapo!
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Teen FictionSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...