[12] New Friend

79 3 0
                                    


Samantha's POV

Naglalakad na ako papuntang school ngayon ng biglang may humintong kotse sa harapan ko. Ano ba naman yan. Sa harapan ko pa talaga, pwede naman kasi sa iba. Panira ng araw!

Biglang bumukas ang windshield nito at bumungad sa akin ang isang napakagwapong nilalang.

*O*

Ok, binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Hehehehe.

"Excuse me miss. Alam mo ba kung saan ang school dito?"

"Magdidiretso lang po kayo tapos kakaliwa po pagkatapos."

"Ah, thanks. Dun ka ba pumapasok?" Medyo naghehesitate pa ako kasi di ko naman siya kilala tapos mamaya palang uwian ay ipakidnap ako nito. Pero at the end ay sinabi ko na.

"Ah opo." He chuckled at my statement. May nakakataw ba dun?

"Bakit ka po tumatawa?" Nagtanong ka pa Sam! Malamang may saltik yan.

"Nothing. It's just that, don't be too formal."

"Ah. Ok."

"Gusto mo bang sumabay? Dun naman ako pupunta. Ikaw, obviously, dun din naman ang punta mo. Ano, sasabay ka?"

"Wag na. Malapit na rin naman."

"Oh come on. Sige na, para may kasama naman ako pagpunta ko doon. Wala pa kasi akong kakilala doon bukod sayo."

"Ok."

"Puwede mo na din ba akong itour?"

"Ah sige, maaga pa naman. Para hnde ka na maligaw doon."

Sumakay na ako ng kotse at siya naman ay nagsimula nang magmaneho.

"Ano pala ang pangalan mo?"

"Samantha pero Sam nlng for short."

"Wow. Nice name." Ehhh. Lagi nlng yan ang naririnig ko pag tinatanong ang pangalan ko. Maganda nga siguro. Hehehe.

"Ikaw? Ano pangalan mo?"

"Andrew pero ikaw you can call me Drew."

Bigla akong natulala sa sinabi niya. Ano? Andrew ang pangalan niya??? K-kapareho niya ng pangalan ang kapatid ko.

"Psst. Okay ka lang?"

"Huh? Ah, oo. May naalala lang ako."

Sabi ko Andrew ang pangalan ko pero ikaw you can call me Drew."

"Ako lang?"

"Oo."

"Bakit naman?" Ang weird naman nitong si Drew? Pwede naman kasing 'Drew for short' pero ba't ako lang?

"Wala lang. Ikaw kasi una kong nameet sa school na papasukan ko. Hehehe." Palusot ba yun o gusto niya lang talaga?

***

Nandito na kami ngayon ni Drew sa school. Nagusap lang kami buong byahe at nung tumagal, I feel comfortable with him. Para bang magkakilala na kami ng sobrang tagal. We're friends already.

Tinutour ko na siya ngayon para hnde na siya malito at maligaw. Ang laki ba naman nitong school na to. Sinong hnde maliligaw sa ganitong klaseng school?

Habang naglalakad kami ay pansin ko na ang raming nakatingin sa amin. Or should I say, kay Drew. Yung iba nga kinukuhaan pa siya ng stolen shot. Pero ito namang lalaking ito, hnde naman napapansin.

"Drew, nakatingin sila sayo. Yung iba kinukuhaan ka ng stolen shot." Kailangan ko yun sabihin kasi nawawalan na siya ng privacy. Tapos hnde pa sa kanya nagpapaalam kung pwedeng mag stolen shot sa kanya.

"Pabayaan mo na sila. Ang gwapo ko lang kasi. Hehe."

"Oo nlng." Pero sa loob ko, 'I don't doubt that'. Hehehe. I have a new friend.

Keila's POV

Oh! Bakit naman ako binigyan ni author ng POV? Nagbabasa ako dito eh. Si Cyril nlng author! Mas matutuwa pa yon pag siya ang may POV. Para matapos ko na rin itong binabasa ko.

Author's POV

Oh sige na nga. Ikaw na nga binibigyan nitong POV, ikaw pa tong may ayaw. Anyway, please don't forget to vote and comment po. Ay ano ba yan, promoting na to eh. Sige na. Bye! ^______^

Cyril's POV

Yessss. Thank you author. Dapat wag mo na bigyan si Keila ng POV ha? Maarte kasi yon. Thank you for the POV again author. I am so honored. Hihihi. Ok back to the topic.

Nakapasok na ako sa classroom namin ngayon. Pero nakakapagtaka, bakit wala pa si Sam ngayon? Usually kasi siya ang nauuna sa aming magkakaibigan dito sa school.

Kinausap ko nlng tong katabi ko na si Keila na hanggang ngayon ay nagbabasa pa rin ng libro niya. Tsk. Bookworm pa ba to? Parang natalo na niya ang pagiging bookworm eh. Book addict na siguro siya. As in, addict na talaga siya.

"Keila, nakita mo na ba si Sam?"

"Hnde pa." Tipid niyang sagot habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa libro.

Nakakaboring pag wala si Saam. Asan ka na ba? Wala tuloy akong kausap habang hinihintay magbell. Wait wait wait wait......waiting waiting waiting waiting......waited waited waited waited......pinaasa pinaasa pinaasa pinaasa. Joke lang!

Tiningnan ko ang relo ko. Malapit na magtime ha. Ba't wala pa rin si Sam? Baka binalikan siya nung mga umaway sa kanya dati? No! Think positive Cyril! Pero ang tagal naman nun, 3 months na at balita ko hnde na nila pinapakialaman si Sam. Pero malay niyo diba.

Nakita ko na si Sam na pumasok ng classroom na may kasamang.........lalaki? In fairness, gwapo yung lalaki.

"Guys!!! Tingnan niyo oh. Ang gwapo!"

"Ehhhhhh!!!"

"Transferee?"

"Yieee! Kaklase natin siya!"

Tama ba pagkakarinig ko nito? Transferee? Kaklase? Pano naman ni Sam nakilala itong napakagwapong nilalang?

Habang naguusap sila, may pahampas hampas pa tong si Sam sa lalaki. Wow, close sila? What is the status between them kaya? Hmmm. I'm curious.

A/N: Don't forget to vote and comment. ^___^

Puzzle: A DecisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon