Samantha's POV"End of discussion. You may now go."
Whooo. Uwian na. And thank you kasi hindi ko kaklase yung grupo na yun. Pero no thanks pa rin kasi dito na sila magaaral. Nalaman ko lang yun kanina. Pagkabell kasi ay nagpuruntahan na dito ang mga kaklase namin at narinig ko yung iba na ngabubulungan tungkol sa kanila.
As usual, ihahatid nanaman ako ni Zayn sa amin. Thank you sa kanya may ipon na ako. Naglalakad na kami ngayon at nadaanan na namin ang hallway ng biglang nagring ang phone ni Zayn.
Nagsignal siya na wait lang kaya gumilid na muna siya ng kunti. Kaya tumahimik nlng ako.
"Bakit ate?......ate naman ehh....kasama ko si sam ngayon....tumigil ka nga.....bakit ba? Tsk.....oo na.]
Grabe naman to makapatay ng tawag. D man lang nagsabi ng bye. Ate daw? Si ate Zaira cguro ang kasuap niya. Masabihan nga.
"Zayn, si ate Zaira ba ang kausap mo?"
"Oo. Ahh Sam. Sorry d na kita mahahatid. Ok lang ba sayo?"
"Oo okay lang. May tira pa naman ako ditong pera kaya macommute nalang ako."
"Sorry talaga. May pinapagawa kasi si ate."
"Okay lang talaga. Hahaha."
"Babawi ako sayo bukas. Sige, mauna na ako. Bye."
"Bye."
Okay? What just happened? Di daw niya ako mahahatid? Katampo naman. De joke. Baka urgent talaga yung favor ni ate Zaira kaya oks lang naman. Tsaka may tira pa naman akong maneh kaya oks lang. Yun nga lang wala akong ipon for this day.
Bigla kong natandaan yung notebook ko sa science. Putik yan!!! Muntik ko ng makalimutan. Buti nlng natandaan ko. Kundi...hay nako...wala akong assignment. Strikto pa naman yun si sir. Para bang palaging dinadatnan ng red days. Taas ang red flag....hahahaha. Sama ko ki sir.
So yun na nga. Dumiretso na ako sa locker ko kaso wrong timing. Putik na wrong timing na yan. Pano ba naman kasi, yung pabalik na ako, papunta sa direksyon ko yung grupo. Alam niyo namam siguro yung grupo na yun noh? Yung one and only na grupo na nagpapabwisit sa akin.
"Ohhh. Look who's here." Napatingin ako sa gilid ko ng marinig ko iyon. Woah. Yung grupo. Marunong na pala sila mag-ingles. O kaya naman tigprepare lang talaga nila ang para dito. Google translate you know. Pero minsan kasi nakakainis ang google translate, literal kasi nila trinatranslate.
"Oo nga. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa amin kanina."
"You miss with da rung gals."
You miss with da rung gals? Sa totoo, dito ba talaga itong bakla na to nakatira? I mean, mung dito sa planet Earth? Baka kasi sa Mars. May sarili siyang lenggwahe eh.
"Ano bang ginawa ko sa inyo? Di ko naman kayo sinaktan ha."
"Yeah wrong. Ay mali. Yeah right. Yan. Yeah right."
Pfft. Di ko na kaya. Baka pagalitan nanaman nila ako. Hanapin nlng nila ang paki ko kung magalit man sila sa akin. Good luck nlng kung mahanap nila yun.
"Bakit ka tumatawa?" Sabi ni second girl.
"Alam mo kasi, may tama yan sa ulo. Baka nakatakas lang nga sa mental hospital eh."
"Yeah right. If it isn't the one who stumbled to us in the canteen." Sabi nung leader. Improving na ah. O baka google translate lang talaga tapos tigmemorize.
"Yeah. Mali ka ng kinalaban." Sabi nung second girl. Ano ba yan. Hirap nilang tawagin. Ano ba kasing pangalan nila?
"Yeah gal. We just had enough of you. You loose our patience, sweetie." What? Sweetie? What the. Di naman yun ang pangalan ko, bakla.
"Where not friends with you. We're you..." Sabi niya pero narinig ko siyang bumulong dun sa kaibigan niya. Dun sa kaibigan niyang second girl. Yun nlng tawag ko sa kanila pansamantala. Leader, second girl, and bakla. "Anong tawag doon sa kalaban?"
"Misery." Pfft. Napapatawa na ako dito sa grupo na to. Misery? At enemy? Ang layo sa isa't-isa. Hahaha. Pigilan mo Sam. Pigilan mo.
"Tanga! Its not misery. Mali pala." Buti alam mo. Tinawag nung second girl ang sarili niya ng tanga. Very good.
"Eh ano pala?"
"Energy." Hahahah. Di ko na talaga kaya. Baka masapok nanaman ako nito. Tulad nung dating nangyari sa akin. Inaway ako. Pero ngayon na naiinis talaga ako sa kanila, gagamitin ko na ang taekwando skills ko.
"Energy? Talaga? You're wrong. Ang english of kalaban is enemy. Yeah. It's enemy mga gals." Sabi nung bakla. Buti pa itong si bakla, hindi malala.
"Edi ikaw na." Sabi nung second girl dun sa bakla saka bumaling sa akin yung leader.
"Basta. We're you enemy."
"Yeah. And doesn't go malapit to us. Understood?" Understood? Past tense na yan eh. Di ko na talaga kaya. Napapatawa na ako.
"Pfft."
"Why you like that?"
"W-wala." Pffft. Parang nagtatanong siya kung gusto ko yun. Oo, gusto ko yun. Gusto ko yung pinagsasabi niyo. Pwede na kayong maging comedian. Haahahaha
"Let's just alis hir, gals. She's crazy."
"Oo nga."
"Let's go."
Pfft. Anyare dun? Anyare sa kanila? Ang weird nila!!!! Pero okay na rin na umalis na sila. Baka makaabot pa sa away ito. Phew. Pero ansabe? Say what? She's crazy? Baka kayo ang crazy diyan.
A/N: Don't forget to vote and comment. ^___^
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Teen FictionSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...