[34] Breakfast

31 3 0
                                    


Samantha's POV

Nandito na kami ngayon ni Zayn sa convenience store. Grabe, ang dami niyang inorder. Mauubos pa kaya namin to? Ano pa bang maaasahan ko? Ang yaman niya eh. Busog tuloy ako nito.

"I always eat here after jogging."

Napatingin ako sa kanya. Bigla kasing nagsalita. Talaga? Dito sa convenience store? Di naman pala siya maarte. Ang yaman kasi, hearttrob pa at bad boy (Pero sa totoo, ang bait niya. Pramis).

"Ahh. Okay."

"Masarap ba?"

"Tinatanong pa ba yan? Sobrang sarap kaya. Busog na nga ako pero gusto ko pa."

"Magsuka ka nga diyan."

Nagsmile lang ako sa kanya. Habang kumakain ay may tumabing grupo ng mga kababaihan sa tabi ni Zayn. Yung iba mga bakla. Tsk. Mga nagpapacute at nagpapapansin.

Kawawa naman. Di kasi sila nakikita ni Zayn. Nakatingin kasi sa direksyon ko si Zayn at ako naman ang nakatingin sa direksyon niya. Habang tinitingnan ko yung mga babae ay inirapan lang nila ako. Grabe kung makairap, akala naman nila maganda sila. Eh mga bakla lang naman yung iba diyan.

Dahil sa sobra akong nainis ay tinawag ko nlng si Zayn. Ang ganda mangtrip ngayon. Hahaha. May nakita akong dumi sa gilid ng labi ni Zayn kaya kinuha ko yung tissue at pinunasan ko iyon. Nagulat naman si Zayn at yung mga babae sa inasta ko. Narinig ko pang nagbubulungan yung pacute at papansin na grupo ng mga kababaihan na may halong mga bakla.

"Sino ba siya? Akala mo gf kung makaasta."

"Di naman kagandahan."

"Oo nga mga gals. Mas makinis naman mga skin natin." Muntik na akong masamid dahil sa sinabi nung bakla. Excuse me? Mas makinis ang skin nila kesa sa skin ko? Baka bulag lang sila at hnde makita ang katotohanan.

"May dumi kasi." Sabi ko.

"Ahhh. Thank you."

Pagkatapos naming kumain at mabwisit nung mga pacute at papansin na grupo ng kababaihan na may halong mga bakla (ako lang naman yung ininis nila) ay hinatid na muna ako ni Zayn sa bahay. Syempre, magpapalit ng damit. Pawis na pawis kaya ako. Sipag ko kasi magjogging. Hehe. Si Zayn, babalikan nlng daw ako dito kaya may oras pa ako para magayos ng sarili.

"Oh, Sam. Ba't ngayon ka lang?"

"Uhh....kumain na po kasi ako ma."

"Sinong naghatid sayo? Narinig ko kasing may kotse." Medyo nagaalinlangan pa ako kung sasabihin ko ba o hindi. Pag sinabi ko kasi, dadaldal nanaman yan si mama. Sige na nga.

"Si Zayn po ma."

"Talaga? Papasukin mo dali."

"Umuwi na muna yun ma. Mag-aayos rin po yun."

"Mag-aayos? Para saan?" Sabi na sa inyo eh. Dapat pala di ko nlng sinabi. Wrong decision again.

"Sabay po kasi kaming sisimba, ma."

"Talaga?"

"Opo."

"Di pa talaga siya nanliligaw sayo, Sam?"

"Di nga po niya ako nililigawan."

"Okay."

"Sige ma. Tataas na po ako."

"Wait lang anak."

"Bakit po, ma?"

"Kamusta naman yung party?"

"Okay naman po." Ang weird ni mama. Dati naman ako pumupunta sa mga party pero ngayon lang siya nagtanong ng kamusta.

"Anong ok?"

"Okay lang. May problema ba, ma?"

"Wala. Basta. Sige, taas ka na." Weird talaga ni mama. Buti nlng di ko namana ang pagkaweird niya.

Nagayos na ako ng sarili at nagfacebook na muna. May time pa naman. Nagaccept ako ng friend requests. Nagscan ng news feeds. And of course, chinat ko ang mga masama kong kaibigan.

Keila_08: Online ka pala, Sam.

.

Me: Obviously.

.

Cyrilkulet: Anong gawa mo ngayon?

.

Me: Waiting

.

Keila_08: Waiting?

.

Me: Basta. Nga pala, bakit bigla ka nlng niyakap ni Troy, Keila?

.

Keila_08: Di ko nga alam doon.

.

Me: Ang weird ng mga inasta natin habang naglalaro ng truth or dare.

.

Cyrilkulet: Notice me.

.

Keila_08: Di ako kasali doon. Baka ikaw lang?

.

Me: Edi wow.

.

Cyrilkulet: Pansinin niyo naman ako.

.

Tok tok tok

.

Me: Wait lang.

.

"Sam?"

"Ano po, ma?"

"Nandiyan na si Zayn."

"Sige po. Bababa na po ako."

"Dalian mo, nakakahiya kay Zayn."

"Opo mama."

.

Me: I have to go na. Bye!

.

Keila_08: Bye, Sam.

.

Cyrilkulet: Guys? Huhuhu.

.

Naglogout na ako sa facebook at bumaba na. Nakita ko na nandon si Zayn. Pinapasok siya syempre ni mama.

"Sam." Tawag sakin ni Zayn. Ang gwapo niya sa porma niyang iyan. Simple lang pero....grabe.

"Halika na?" Nagnod na ako. Syempre, wala naman kaming ibang gagawin.

"Sige. Ingat kayo. Bye." Sabi ni mama na syempre, nakangiti. Bet niya talaga si Zayn, ano?

Sabay kaming magsisimba ngayong Sunday pero yung breakfast? Ang sarap at ang dami ng mga order. Busog ang naabot ko doon. Pero may pacute at papansin na grupo ng mga kababaihan na may bakla.

A/N: Don't forget to vote and comment. ^___^

Puzzle: A DecisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon