Samantha's POVMonday nanaman ngayon. Back to school routines again. Inayos ko na sarili ko at kumain na at pumasok na sa school.
Habang naglalakad ako ay nakita ko sina Keila at Cyril na nagkakasiyahan. Papunta na rin sila ng classroom. Himala, maaga nanaman sila ngayon. Mapagtripan nga.
Dali dali akong lumapit sa kanila pero nakatago lang sa likod nila. 1....2....3
"Ahhhhhh!" Sabay nilang sigaw. Ginulat ko kasi sila at kiniliti. Hahaha. Isa pa naman sa weakness nila yun.
Pumunta na ako sa harapan nila. Edi naglalakad ako na nakaharap sa kanila at ang paglakad ko ay pabackwards. (Kasi nga nakaharap ako sa kanila.) Alam ko naman na hindi ako pababayaan nina Keila at Cyril na makabunggo o mabunggo sa kung sino or ano man kaya ok lamg na ganito paglakad ko.
"Ano ba, Sam."
"Nagkakasiyahan kasi kayo."
"Eh ano naman."
"Inggit ako. Nga pala, may sasabihin ako sa inyo."
"Ano yun?" Sabay nilang tanong. Ako ba kinakausap nila? Nakatingin kasi sila sa ibang direksyon.
"Mamaya ko na sasabihin sa inyo. Pag lunch break."
"Ano nga yun?"
"Mamaya nlng nga pag lunch break na." Dapat pala, lunch break ko nlng sinabi sa kanila na may sasabihin ako sa kanila. Kinukulit nanaman kasi ako.
"Hayy. Bahala ka daw, Sam." Ay bahala talaga ako. Humarap na ulit ako sa harapan pero wahhh.
"Ahhhhh!"
"Hahahahaha!" Sige, tawa lang kayo. Pano ba naman kasi, ginulat ako ni Drew pagkaharap ko. Kaya naman pala nagpaparasabi sina Keila at Cyril ng 'ano yun' kasi gugulatin ako ni Drew.
"When karma hits you. Pfft."
"Hahahahahaha."
"Sige, tawa lang kayo."
"Pikon ka pala, Sam eh." Asar ni Drew.
"Hindi ako pikon. Malapit mo na kasi ako maheart attack."
"Hahaha. Okay. Sige, maya mo nlng sabihin. Baka isumbong mo nanaman kami sa teacher."
"Talaga."
Dumiretso na kami sa classroom at nakita ko na nandun na si Zayn. Nginitian niya ako kaya nginitian ko din. Alangan namang simangutan ko siya. Naalala ko tuloy yung nangyari nung birthday celebration ni Drew. Yung naglaro kaming truth or dare.
"Drew, bakit mo pala ako niyakap agad nung naglalaro tayong truth or dare?" Tanong ko tapos bigla naman siyang naging seryoso. Ehhh. Seryoso din kasi siya nung malapit na silang magsagutan ni Zayn.
"Ahh....may naalala lang kasi ako." Sabi niya tapos biglang ngumiti. Huh? Anyare? May sakit ba to? Bipolar? Kanina lang seryoso siya tapos ngayon naman, nakangiti?
Dinikit ko ang palad ko sa noo niya. Pati na rin sa leeg niya. Tama lang naman. Wala naman siyang lagnat.
"Drew, umiinom ka ba ng mga gamot mo?"
"Wala naman akong sakit."
"Nagpacheck-up ka na ba?"
"Wala akong sakit."
"Meron eh."
"Huh? Ano naman yun? Mamamatay na ba ako?" Grabe naman kung makareact to. Hahahah. Nakamatawa siya.
"Hindi pero mas malala."
"Huh? Ano? Huhuhu. Ayaw ko na." Hahahaha. Pfft. Di ko na mapigilan.
"Bipolar ka eh."
"Mababaliw na ako. Huhuhu."
"Drew, hindi ka mababaliw."
"Talaga?" Nagnod naman ako.
"Eh ang bipolar baga ay mabilis na pagpalit ng mood, malapit na sa baliw."
"Exactly. Di ka na mababaliw kasi baliw ka na. Hahahahahaha." Ayan. Di ko na napigilan ang pagtawa ko. He's face was so priceless. Dapat pala pinicturan ko, or better yet, vinideo ko.
When karma hits you talaga. Quits na kaming lahat. Pero mas nakakalamang ako. Yayyy.
"Di nakakatawa, Sam."
"Eh ikaw kasi. Bipolar."
"Hindi ako bipolar pero mabilis lang talaga ako magpalit ng mood."
"Hmm. Oo nlng."
***
Lunch break na. Kanina pa silang tatlo hindi mapakali. Nakasali na rin si Keila. Dati naman, nakakapaghintay siya. Nahawaan na siya nina Cyril at Drew.Habang nagoorder pa si Drew ay nagusap usap muna kami. Pero mamaya na namin paguusapan yung tungkol sa sasabihin ko. Para fair.
"Uyy. Ang sama niyo kahapon."
"Bakit?"
"Di niyo ako iniintindi sa chat."
"Huh?"
"Di niyo ako iniintindi sa chat."
Nagkatinginan lang kami ni Keila at tumawa. Di naman kasi namin napansin na nagchachat siya. Siguro kasi busy kami kakausap sa isa't-isa ni Keila.
Dumating na si Drew kasama yung mga masasarap naming order. So yummy. Ayan. Magsisimula na ang chikahan.
"Ok. Sabihin mo na Sam."
"Oo nga. Kung bakit ba naman ang tagal mo, Andrew."
"Eh sorry man."
"Ok. Kahapon kasi, yung sinabi ko sa inyo sa chat na waiting ay basta may hinihintay ako kasi sabay kami magsisimba." Ayaw kong sabihin na si Zayn yung hinihintay ko kasi panigurado, aasarin nila ako sa kanya.
"Ahhh. Okay." Sabay sabay nina Keila at Cyril.
"Ok. Di ako makarelate."
"Tapos nung nasa simbahan na kami, habang hinihintay magsimula yung misa, may narinig akong mga nagtitilian na babae. Napatingin ako dun sa pacute at papansin na grupo ng mga kababaihan na may halong mga bakla."
"Huh?" Sabay nilang tanong.
"Sabi ko, nakita ko yung pacute at papansin na grupo ng mga kababaihan na may halong mga bakla."
"Sino sila?"
"Sila yung mga nagpapacute at nagpapapansin ki Zayn nung nasa convenience store kami." Sabi ko pero napatakip ako sa bibig ko. Late ko na narealize na nasabi ko si Zayn. Napatingin ako sa kanila at sila naman ay nakangiti lang.
"Sino kasama mo?" Asar ni Cyril sa akin. Oh tingnan niyo nga.
"Wag nga kayong ano diyan. Magkaibigan lang kami."
"Magkaibigan o magka-ibigan?"
"Tumigil ka nga Drew."
"Go on Sam. Anong sunod na nangyari?"
"Nung communion na ay syempre nakakneel ako pero nung paupo na ako, nakita ko na nakaupo na yung pacute at papansin na grupo ng mga kababaihan na may halong bakla."
"Memorize talaga?"
"Of course. Tapos ang ingay nila. Di na sila nahiya dun sa ibang tao na gustong makinig sa pari."
"Tapos?"
"Iniirapan nila ako. Tapos ito pa ha, sabi daw nung bakla na mas makinis pa daw ang kutis nila kaysa sa akin. Hello? Kung nakita niyo lang sila."
"Ok ok. Tama na."
Yung chikahan namin.....tsk. Naalala ko nanaman tuloy yung mga pacute at papansin na yun. Pag nakita ko talaga sila.
A/N: Don't forget to vote and comment. ^___^
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Teen FictionSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...