Samantha's POVNandito na kami ngayon sa simbahan. Umupo na kami sa bakanteng upuan at naghintay.
Habang hinihintay na magsimula ang misa, napansin ko na nagtitilian ang grupo ng mga kababaihan dun sa side ni Zayn. Wait! Sila yung kanina sa convenience store ah. Yung pacute at papansin na grupo ng mga kababaihan na may bakla. Memorize ko talaga yun. Sinundan lang ba nila kami dito para magpapansin ki Zayn?
Nung nakita nila na tinitingnan ko sila, inirapan lang nila ako. Aba hindi ako papatalo. Tinapon ko sa kanila yung maganda kong sapatos. Joke lang! Inirapan ko nlng din sila.
Pagkatapos non ay di ko nlng sila pinansin at tumingin na ulit sa harapan. Magsasayang lang ako ng oras sa kanila. Such a waste of time.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsimula na ang misa. Tumayo na kami at nakinig na sa pari. Listen listen listen. Pero putik! Itong pacute at papansin na grupo ng mga kababaihan na may halong bakla nakakainis na talaga. Panay lang ang bulungan nila. Hindi na ba sila nahiya sa ibang tao na gustong makinig sa pari?
"Zayn, palit tayo ng upuan."
"Huh?
"Palit tayong upuan."
"Paanong palit? Iisang upuan lang naman to." Pfft. Mali ang pagkakaintindi.
"Ang ibig kong sabihin, palit tayo ng place. Palit as in palit not palit as in exchange."
"Ahhh. Bakit naman?"
"Di mo ba napapansin yung pacute at papansin na grupo ng mga kababaihan na may bakla? Ang iingay nila."
"Pabayaan mo na sila."
"Zayn, kawawa naman yung ibang gustong makinig sa pari."
"Pabayaan mo na sila. Kasalanan na nila yan."
Fine. Bago makinig ulit sa pari ay tiningnan ko muna ng masama yung pacute at papansin na grupo ng mga kababaihan na may bakla. Sila naman ay inirapan nanaman ako. Diyan lang ba kayo magaling? Sa pagirap? Tsk.
***
Holy Communion na ngayon. Pumila na kami sa isa sa mga rows. Two rows kasi yung pila. Ako sa harap at si Zayn naman sa likod. At ang nakakainis ay kaline namin yung pacute at papansin na grupo ng mga kababaihan na may bakla. Nandun sila sa kabilang row. Tsk.Nagtitilian nanaman sila. Pinagtitinginan na sila pero di pa rin sila nahihiya. Anong klaseng mga tao ito?
Di nlng namin sila inintindi at umupo nlng sa inuupuan namin kanina. Buti walang umupo. Nagkneel na ako at nagpray na. Pero pagkabalik ko sa upuan ay may MGA nakaupo na. Yung pacute at papansin na grupo ng mga kababaihan na may bakla. Saan na ako uupo niyan?
"Excuse me? Ako ang nakaupo diyan."
"Paanong dito ka nakaupo? Eh kami nga ang nakaupo dito."
"Tsk." No choice but to sit beside the last girl of the group. Ayaw ko namang gumawa ng eskandalo lalo na't nasa simbahan kami.
Narinig kong kinakausap nila si Zayn pero si Zayn, panay lang ang ngiti sa kanila edi panay din ang tilian nitong pacute at papansin na grupo ng mga kababaihan na may bakla.
Nabibwisit na talaga ako. Yan lang ba talaga ang pinunta nila dito? Di na ba sila nahiya? Di ko nlng sila pinansin at nakinig nlng ulit sa pari. Malapit naman matapos kaya tiisin mo nlng Sam.
Tapos na ang misa kaya dali dali kong hinila si Zayn palabas ng simbahan. Tumingin ako sa likod at buti nlng ay di nila kami hinabol. Or maybe yes. Di lang nila makita kung nasaan kami. Mga desperada.
"Bakit mo naman ako hinila, Sam?"
"Di ka ba naiinis dun sa pacute at papansin na grupo ng mga kababaihan na may bakla?"
"Medyo."
"Medyo naman pala. Edi yun ang reason kaya kita hinila."
"Teka lang. Bakit ka ba ganyan umasta?"
Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Oo nga noh. Bakit ba ako ganito umasta? Baliw na ata ako.
"Iniirapan kasi nila ako pag tumitingin ako sa kanila. At kanina pa sila sunod ng sunod sa atin mula pa doon sa convenience store." Paliwanag ko.
"Convenience store?"
"Oo. Nandun sila sa katabi mo. Nagpapacute at nagpapapansin. Hindi mo sila nakikita dahil nakaharap ka sa direksyon ko at may earphones kang suot."
"Ahhhh. Okay. Hatid na kita?"
"Oo dali. Bago paman nila tayo makita."
"Hahaha."
***
Nandito na kami ngayon sa bahay. Nagpaalam na ako kay Zayn at pumasok na sa bahay. Napansin ko na sumisilip si mama sa bintana. Bigla siyang nawala at nakita ko naman na sumisilip siya sa pintuan. Naku mama. Kulit talaga. Inabangan pa ako."Sam, nakauwi ka na pala." Sus. Patay malisya pa si mama eh halata naman siya kanina dun sa bintana.
"Sus ma."
"Ano?"
"Wala po."
"Kamusta naman yung pagsimba niyo?"
"Ay naku ma. Long story po."
"Long story?"
"Opo ma."
"Ano bang nangyari?"
"Basta may pacute at papansin na grupo ng mga kababaihan na may bakla."
"Huh?"
"Basta po ma. Sige, taas na po ako. "
Hindi ko na hinintay ang sagot ni mama at tumaas na. Sumalampak na ako sa napakalambot kong higaan. So comfortable.
Bigla nanaman pumasok sa isip ko yung nangyari kanina sa simbahan. Tsk. Yung pacute at papansin na grupo ng mga kababaihan na may bakla. Kakainis sila. At sa simbahan pa talaga nila ginawa yun. Di na nahiya.
A/N: Don't forget to vote and comment. ^___^
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Teen FictionSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...