[13] Zayn Vs. Andrew

73 3 2
                                    


Samantha's POV

Kanina ko pa tinutour si Drew at habang tinutour ko siya ay panay din ang kwentuhan namin. Tiningnan ko ang relo ko. Malapit na magtime. Bakit kanina naman, ang rami pang time. Di ko na tuloy natapos ang pagtour ng school ko Drew.

"Drew, malapit na magtime."

"Oh. Paano na yan?"

"Sa susunod ko nlng ipapatuloy."

"Sige."

"Alam mo na ba kung saan kang section?"

"Oo na."

"Bakit pala ngayon ka lang pumasok?"

"Business matters, at dahil doon, dito nlng daw ako magschool."

Nagnod na ako at dumiretso na sa classroom. Pero nakasunod pa rin itong si Drew sa akin. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga kaklase ko.

"Guys!!! Tingnan niyo oh. Ang gwapo!"

"Ehhhhhh!!!"

"Transferee?"

"Yieee! Kaklase natin siya!"

Kanya kanya sila ng komento pero itong si Drew, dinededma lang. Grabe makadedma tong isang to. Siya na nga itong pinupuri.

"Bakit nandito ka pa?"

"Kaklase kita."

"Hindi mo naman sinabi." Sabay hampas ko sa braso niya. Oh diba? Kanina lang kami nagkakilala pero parang close na close na kami sa isa't isa.

"Araay. Ba't ka naman nanghahampas?"

"Ikaw kasi! Dapat sinabi mo na kanina pa."

"Wala na akong magagawa."

Nakita kong nakatingin sina Keila at
Cyril sa akin na puno ng pagtataka. Ay oo nga pala! Hindi nila kilala tong si Drew. Lumapit ako sa kanila at kasunod ko naman si Drew.

"Saaam! Ang tagal mo! Wala tuloy akong kausap." Sabi ni Cyril.

"Sino siya, Sam?" Tanong ni Keila habang may hawak na libro. Di ko yun napansin kanina.

"Ughh....Keila at Cyril, si Drew---"

"Andrew." Pagcocorrect ni Drew. So tinotohanan talaga niya na ako lang ang tatawag sa kanya ng Drew? Tsk.

"Si Andrew nga pala. Drew, siya si Keila. Siya naman si Cyril."

"Hello, nice meeting you." Sabi ni Drew ng nakangiti.

"Nice meeting you too."

Umupo na ako sa upuan ko at ito namang si Drew umupo na rin sa katabi ko. Hindi pala niya alam na may nakaupo na diyan.

"Drew, may nakaupo na diyan."

"Eh. Wala akong paki. Bahala siya. Hahahaha."

"Dr---"

"Get off." Mahinahon na sabi ni Zayn. Wait! Ni Zayn?! Hala, andito na pala si Zayn. Ang kulit naman nito ni Drew. Baka magaway pa sila diyan. Napansin ko na may sugat si Zayn sa gilid ng labi niya. Yung sugat na bago palang.

"At bakit naman kita susundin?" Painosenteng tanong ni Drew. Ang kulit talaga nitong lalaki na to.

"Dre--" For the nth time. Naputol nanaman ang sasabihin ko. Di na nga ako makikisali sa kanila.

"Umalis ka na diyan habang nagtitimpi pa ako."

"Pano kung ayaw ko?"

O.O

"You're really getting into my nerves huh?" Ayan na! Mukhang naiinis na itong si Zayn.

"Paupuin mo nlng kasi ako dito." Pacool na sagot ni Drew. May gana ka pang maging cool? Drew? Ako ang makakasapok dito eh!

"And why? That is my chair. I am the one who should be sitting there."

"Binili mo?"

=______=

"D---" Sige. Hnde na talaga ako sasali. Mahheart attack na ako nito. Pano ba naman kasi, hinampas ni Zayn ng malakas yung lamesa.

"Sumusobra ka na talaga ha!?" At may gana pa tong si Drew mangasar. He stuck his tongue out in front of Zayn. Handa nang sapukin ni Zayn itong si Drew ng biglang......

Kriiiiiiing

Nagbell at pumasok ang teacher. Whoo. Save by the bell and teacher si Drew. Swerte ah.

"Is there a problem there?" Tanong nung teacher. Nagkumpol kumpolan na pala ang mga kakalse namin dito.

"Wala po ma'am." Mabilis na sagot ni Drew. Sige, magsinungaling ka lang.

"Anong wala? Ma'am---" Di na natapos ni Zayn ang sasabihin niya dahil nanaman sa pagsulpot ni Drew. Ngayon ko lang nalaman na makulit pala tong nilalang na to.

"Ma'am nangugulo po ito oh."

"Zayn, anong ginagawa mo diyan?"

"Ma'am, itong bwisit na ito ang nangugulo dito. Dito naman po talaga ako nakaupo tapos siya ang uupo dito."

"Oh, diyan naman pala siya nakaupo? Bakit nandyan ka Mr.?"

"Andrew po."

"Bakit diyan ka nakaupo Mr. Andrew?"

Yumuko si Drew tapos nagpaawa effect. Wow. Bilib na ako sayo bro.

"Sila palang po kasi yung kakilala ko dito. Ayaw ko naman po umupo sa iba kasi di ko pa naman po sila kakilala."

"Ok. Zayn, change your seat first. Pansamantala lang naman."

"Pero--"

"Ano bang problema mo at ayaw mong pumalit ng upuan?"

Napansin kong tumingin muna siya sakin saglit saka siya umiwas ng tingin. There's something about his aura.

"Sanay na po kasi ako dito na nakaupo. Ayaw ko naman po doon sa iba kasi ginugulo lang nila ako. Gusto niyo po bang bumaba grades ko?"

0_0

Sabi yun ni Zayn na nagpapaawa effect rin. Nalilito na tuloy ako kung sino ang papaniwalaan nito ni ma'am.

"Ok. I'm sorry Mr. Andrew but Zayn's answer is more satisfying than yours. You may now, find a vacant seat."

Akala ko yun na yon pero dahil makulit talaga itong si Drew, syempre hnde siya nagpatinag.

"Ma'am, I am just a transferee here. I cannot focus on the lessons if I don't know my seatmates yet." Grabeee~~~

Nagbuntong hininga si ma'am at saka niya hinarap si Zayn.

"I'm sorry Zayn but you have to find a vacant seat. Pansamantala lang naman ito."

"Tsk! Bwisit!" Tiningnan ni Zayn ng masama si Drew at saka umupo sa vacant seat na malolocate sa likod ng mga kaibigan niya. Yun na yung pinakadulo na line ng seats dito sa classroom.

Zayn Vs. Andrew

The winner is Andrew. Ang kulit at mapilit ba naman. Sinong hindi makakatalo sa ganung kakulit na tao? Well, baka si Cyril.

A/N: Don't forget to vote and comment. ^___^

Puzzle: A DecisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon