[27] Date

46 2 0
                                    


A/N: Maikli lang po itong chapter na ito. Hindi ko na sinali itong event/scene na ito dun sa previous chapter kasi trip ko lang. Joke! Di naman sa trip ko lang pero sa gusto ko lang. Pero gusto ko lang po talaga kasi iba yung topic/title nito. Kahit maikli, sana po maenjoy niyo pa rin. ^____^

Samantha's POV

Ang tagal ni ate Zairaaaa. Ilang minuto na lamang pero wala pa rin siya. Ibig sabihin ilang minuto na rin kaming naghihintay dito. Ibig sabihin ilang minuto na ring nakatingin sa akin si Zayn. Ibig sabihin ay ilang minuto na rin akong naiilang.

Bakit kasi kailangan pa ni Zayn tumingin sa akin? Naiilang tuloy ako. May dumi nanaman ba ako sa mukha?

"Zayn, may dumi ba ako sa mukha?" Iling lang ang binigay niya. Wala naman pala, eh bakit siya nakatingin sa akin? Tumingin ako sa likod ko pero may multo. Pero sa totoo? Wala naman. Ano bang tinitingin tingin niya diyan? ~~Awkward~~

Yan ang dahilan kung bakit awkward ang atmosphere dito eh. Ako na nga itong sinusubukan na alisin yung awkward atmosphere na yon pero siya lang itong pinapalapit iyon.

Bakit ba ako naiilang? Siya nga, walang prinoproblema. Eh bakit ako naiilang?! Ang gulo ko.

"Zayn, gusto mo bang umorder?"

"No."

"Gutom ka na ba?"

"No."

"Gusto mo ba nito? Baka kasi nagugutom ka na talaga?"

"No thanks."

"Okay."

Nasaan na ba kasi yun si ate Zaira? Bakit ang tagal niya? Aha! Alam ko na. Naghintay na muna ako ng ilang minuto bago ko gawin yung naisip ko.

Waiting...

At dahil hindi pa nakakarating si ate ay lalapitan ko na siya. Pupuntahan ko na siya dun sa comfort room. Baka kasi kailangan niya ng tulong. You know, girls stuff.

Tatayo na sana ako ng bigla akong  pigilan ni Zayn? Ano ba???

"May kailangan ka?"

"Where are you going?"

"Sa comfort room. Baka kasi kailangan ni ate Zaira ng tulong."

Binitawan na niya ang kamay ko, ibig sabihin ay pinayagan niya ako. Ehh, wala naman siyang karapatan na payagan ako o di payagan kasi kaklase ko lang naman siya. Bastaa.

Pagkapasok ko ng comfort room ay wala namang tao. Nasaan na ba kasi si ate Zaira? Baka nasa loob sa isa sa mga cubicles dito. Hmm.....hanap hanap. Nakita ko yung isang cubicle na may tao. Kita kasi yung paa niya sa baba. Baka si ate Zaira na to.

"Ate Zaira?"

No reply...ganito na ba ang mga tao ngayon? Mga di nagrereply? Anong use ng bibig nila kung di sila magsasalita?

"Ate Zaira?"

Hintayin ko nlng nga. Baka mamaya, mainis na siya sa akin. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na siya pero, hindi si ate Zaira ito ha. Pero parang familiar.

"Move out of my way."

"Ay! Sorry po."

"Tsk." Ayan nanaman yang 'tsk' na yan.

Pinadaan ko nalang siya kasi mamaya awayin niya ako. Pero may naobserve ako. Magkapareho lang sila ni Zayn. Parehong masungit. Ay oo nga pala, naiwan ko doon si Zayn. Kawawa naman, walang kasama. Pero nasaan na kaya si ate Zaira? Nakakapagtaka.

Bumalik na ako sa foodcourt at good thing ay di pa umaalis si Zayn. Not that ayaw ko siyang paalisin, syempre kasi i-iinform ko siya.

Pagkalapit ko sa kanya ay napatingin naman siya sa akin. Pero napansin ko na itong mga babae sa left at right namin, wagas kung maka tingin sa akin. Ano naman sa kanila?! Tiningnan ko si Zayn kaya binigyan niya naman ako ng 'what look'.

"Zayn, wala si ate Zaira sa comfort room."

"Huh?" Bingi yata ito eh. Sinabi nang wala si ate Zaira sa comfort room.

"Wala siya sa comfort room. Wala siya sa loob ng kahit isa sa mga cubicle."

"I knew it."

"Huh? Ano ang alam mo na?" Iling lang ang binigay niya sa akin. Ano ang alam na niya? Kalito naman this boy.

"Ahhh.....Zayn, sige. Aalis na ako. Bye." Sabi ko pero nagulat ako nang pigilan niya nanaman ako. Ano ba talaga trip niya sa buhay? Ano na ang nangyayari sa kanya?

"Bakit?"

"May pupuntahan ka pa ba?"

"Wala naman. Pauwi na ako." Naweweirduhan na talaga ako dito ki Zayn. Pero ang nagpagulat sa akin ay ang sunod niyang sinabi. Seryoso ba siya?

"Let's have a date together."

A/N: Don't forget to vote and comment. ^___^

Puzzle: A DecisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon