[6] Horror Movie

85 4 0
                                    


Samantha's POV

Nagising ako na nakahiga sa kama. Puti ang paligid na nakikita ko. Wait! Di ko to kwarto ha! Hindi naman ganito ang kulay ng kwarto ko. Patay na ba ako? Wag naman sana. May malaking ulap na papalapit sa akin. Tapos dun ay may tumanong sa akin kung gusto ko na bang sumama. Sabi ko naman oo.

Pero syempre joke lang yun!

Nabalik ako sa huwisyo ng marinig ko nanaman ang pagpreno ng kotse. Kaninong kotse ba to at sino ba ang nagpaparapindot non? Ang ingay ingay kaya. Nagpreno ulit ito at ngayon binuksan na niya ang window sa opposite side niya.

O______O

"Hop in!" Sabi ni Zayn. Yeah you heard it right, si Zayn ang nasa loob ng kotse. At ano daw? Hop in? Bakit naman ako sasakay dyan?

"Ah hindi na. Pauwi na kasi ako."

"Tsk. Hop in. It's getting late already." Tiningnan ko nga ang paligid. Nakakatakot talaga, kung di ko tatanggapin ang alok, magtitiis ako dto sa dilim. Kung tatanggapin ko naman ang alok niya, magiging awkward.

Pili ka Sam, tatanggapin mo ang alok pero magiging tahimik at awkward or magtitiis ka dyan sa madilim na gabi na iyan na may sumusunod sayong multo or kidnapper or holdapper or rap---

"Ano? Sasakay ka o hnde?"

Mas mabuti nang tanggapin ang alok.

"Ok. Sasakay nlng ako" Sumakay na ako sa kotse niya at pinaharurot na niya ito.

"Where do you live?"

"Yung village lang dyan sa malapit. Pagkapasok mo ay magdalawa kang kaliwa at magkanan ka pagkatapos. Yung color cream na gate yun na yun."

Bigla kong naalala yung ginawa niya kanina. Gusto ko sana sya tanungin tungkol dun pero wag nlng. Pasasalamatan ko nlng sya. Tutal di namn sya mahilig makipagsocialize.

"Ughhh Zayn, thank you pala sa ginawa mo kanina pero di mo naman kailangang gawin yun. Pero kahit ganun, salamat pa rin."

Walang reply. See? Masasayang lang ang laway ko kakasalita. Tsk.

Pagkatapos non ay nagkaroon ng mahabang katahimikan. Ang awkward ng atmosphere dito. Ehh...naiilang ako. D naman kasi kami close. Ito na ang sinasabi ko eh.

Tumingin nlng ako sa window at pinagmasdan ang paligid na nadadaanan namin. Nakakatakot talaga. Buti nlng tinanggap ko ang alok kundi---

"We're already here."

D ko namalayan na nandto na pala kami sa bahay.

"Uhhh Zayn, thank you nga pala sa paghatid sa akin."

Grabe. Wala man lamang syang reaction sa sinabi ko. Ganito ba talaga to?

"Sige bababa na ako. Thank you ulit sa paghatid."

Pagkababa ko ay nandun na pala si mama na hinihintay ako. Lumapit sya sakin ng may nakaukit na ngiti sa kanyang labi. Nagmano ako sa kanya.

"Sino sya?" Tanong ni mama. Tiningnan ko naman ang tinutukoy niya at nagulat ako ng makitang nandito pa rin si Zayn. Ba't nandito pa sya? Akala ko umalis na sya.

"Mama si Zayn po pala, classmate ko. Zayn, siya ang mama ko."

Nagulat ako nang magmano si Zayn ki mama ng naka ngiti? Wow as in wow. Ba't ki mama, nakangiti sya pero pag sa akin, wala lang. Grabe, ano ba ang gusto mo Sam, na ngitian ka din nya?

"Kumain ka na ba iho?"

"Hindi pa po."

"Ayyy timing! Sumabay ka nlng sa amin kumain."

Puzzle: A DecisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon