[21] Out of Place

42 1 0
                                    


Zayn's POV

Dumiretso na kami sa classroom nina Troy at Liam pagkadating namin sa campus. Inaagahan ko na talaga ang pasok ko sa school. Pagkadating namin ay tilian nanaman ng mga babae ang bumungad sa amin.

"Andiyan na sila guys!"

"Waaaah! Gwapo talaga nila!"

"Akin ka nlng Zayn!" Hell no! Ano ako? Cheap? Nagmamahal din ako! Di nga kita kilala eh.

"No! Akin si Zayn!" Bahala daw kayo.

"Buti pa ako, walang kaagaw ki Liam. Hihihi. Ang cute niya!"

"Troooy!"

"CAN YOU SHUT UP?!" Sigaw ko kaya tumahimik naman sila. Yung iba naman bumalik sa ginagawa nila at nagpatay malisya. Tsk.

Umupo na kami sa upuan namin at napansin ko na nandito pa rin yung inuupuan nung bwisit na yun. Inalis ko nga kasi sikip na kami dito. Naguusap lang kami ng tropa ko nang biglang---

"Excuse me."

Nakita ko si Sam na dadaan kaya inayos ko yung upuan ko at pagkapasok niya ay bumalik ulit ako sa pwesto ko which is na nakaharap sa likod kung nasaan ang mga tropa ko. Nagusap na ulit kami ng tropa ko pero---

"Zayn, ikaw ba ang umalis ng upuan ni Drew dito?"

Napatingin naman ako sa kanya tsaka ko tiningnan yung pwesto ni bwisit. Binalik ko yung tingin ko sa kanya. Oo. Pero di ko sayo sasabihin yung totoo. Di naman talaga kasi dyan nakalagay yung upuan na yun.

"No."

"Ok."

Pagkatapos non ay nagkwentuhan ulit kami ng mga tropa ko.

"Ano naman ang gagawin natin dun sa birthday nung Andrew na yun?"

"Kakain lang. Wala naman baga tayong gagawin pagkauwi natin. Para naman hnde tayo mabored." Paliwanag ko.

"Ok. As you say so."

Nagbell na at pumasok na ang teacher pero wala pa rin si bwisit. Mabuti nga sa kanya. Para wala ng mambwisit sa akin. Absent na ba yung lokong yun? Ngayon pa naman namin gagawin yung project na macramé na yan. Bahala siya. Basta individual ang grading dito.

"Ok class. Please settle down. Gather your materials now. And you may start."

Napansin ko na para bang hnde mapakali si Sam. Nag-aalala ba siya dun kay bwisit? Di ko nlng siya inintindi at sinimulan ko nlng ang paggawa ng bracelet.

Habang ginagawa ko yung bracelet ay may narinig akong katok sa pintuan. Nakita ko si bwisit na papasok ng classroom. Nagusap sila sandali nung teacher at pinapunta na siya sa pwesto namin.

Hayy nako. Dapat nagabsent nlng siya. Mambbwisit nanaman siya ng araw. Ok na sana eh. Kundi lang siya dumating.

Lumapit na siya sa pwesto namin at nakita kong tinapik niya ang balikat ni Sam. Hnde ko nlng sila inintindi at pinagpatuloy ko nlng ang bracalet. Wala naman akong mapapala pagpinakialaman ko pa sila diyan.

Habang pinapatuloy ko ang paggawa dito sa bracelet ay narinig ko silang naguusap.

"Sam, paano ba yan? Di na ako nakaresearch kagabi kasi walang internet." Totoo ba talaga yan o palusot mo lang para maturuan ka ni Sam?

"Ah sige. Tuturuan kita. Nasaan na ba yung mga materials mo?" Mukhang nagsucceed si bwisit sa palusot niya.

Nasampal niya ang noo niya ng wala sa oras. Sige, ulit ulitin mo pa. Wait! Bakit ako nakatingin sa kanila? Di ko nlng sila inintindi at binalik ko nlng ulit ang atensyon ko dito sa bracelet. Pero naririnig ko pa rin silang naguusap.

"Bakit? May problema ba, Drew?"

"Sam, may extra ka pa ba dyan na materials? Nakalimutan ko kasi."

Ano ba tong lalaki na to? Pulube ba to? Hnde siya prepared eh. Pero sa tingin ko, pulube naman talaga yan. Di ko lang alam kung paano niya nabili itong uniform pati na rin ang pagaaral dito sa school.

Pulube ata na may scholarship.

"Meron ako dito."

"Bayaran nlng kita."

"Naku Drew. Wag na."

"Ok lang naman."

"Sige ka, hnde kita bibigyan."

Ano ba yan! Ang kulit kulit naman nitong lalaking to.

"Gusto ka lang niyan makausap." Bulong ko sa sarili ko at tinapos na ang bracelet. Yan. Tapos na.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong classroom. Lahat sila naguusap pero ako dito tahimik. OP ako dito sa dalawang ito. Lahat ng magppair ay naguusap. Sa aming triad, sila lang naman ang naguusap. Dun nlng sana ako kina Troy at Liam nakitriad para di ako OP.

"Oh."

Napatingin ako ki Sam na kasalukuyang tinuturuan si bwisit mag macramé. Tsk.

Habang ginagawa nila ang project ay nagkwentuhan lang sila habang hnde pa rin inaalis ang tingin sa bracelet. Ang tagal naman nila. Naiinip na ako dito. Tsk.

"Drew, bakit ka pala nalate?"

"Nalate ako ng gising. Hehe."

"Drew, yung cellphone number mo. Ibigay mo sa akin mamaya ha? Pati na rin kina Keila at Cyril."

"Hmm."

Tinuloy na nila ang paggawa sa bracelet. Hintay hintay hintay. Ang hirap naman magparahintay. Tapos sa huli, wala ka namang mapapala!

Tapos na si Sam sa bracelet niya. Itong bwisit nlng na ito ang hinihintay namin. Ang bagal. Parang pagong lang.

"Tapos ka na ba Drew?"

"Malapit na."

"...Ayan tapos na. Mahingi masking tape."

"Tsk." Napa 'tsk' nlng ako ng wala sa oras. Baka pulube talaga ito. Nilulubos na niya ang paghingi sa mga materials ni Sam.

Binigay nlng ni Sam yung masking tape kay bwisit at si bwisit naman ay sinulatan na iyon. Napansin kong napatingin sa akin si Sam.

"Halika na. Pass na tayo."

Sa wakas natapos na! Tumayo na ako at pinass na ki ma'am uung bracelet. Bumalik na ako sa upuan ko pati na rin si Sam. Pero si bwisit nakatayo lang.

Oo nga pala! Inalis ko yung upuan niya. Kung umupo na kaya siya doon sa likod. Para hnde lang siya nakatunganga diyan?

"Dito ka nlng muna, Drew." Sabi ni Sam sabay tap sa gilid ng upuan niya. Bale dalawa silang nakaupo dun sa arm chair. Arm chair ha! Ibig sabihin kunti lang yung space. Di naman kasi nagiisip itong si Drew. Pwede naman kasi sa likod siya.

"Drew, yung number mo."

Number? Sa cellphone? Ano yan, magiging textmate silang dalawa?

Sinulat naman ni bwisit sa papel yung number niya saka binigay ki Sam. Tinago naman ito ni Sam sa bulsa ng palda niya. Hinihintay pang si Sam ang humingi ng number eh gusto lang rin naman niya.

"Oh. Bakit mo tinago."

"Mamaya nlng pag uwian na. Bawal baga mag cp during class hours."

"Masunurin na bata."

Sabay gulo niya sa buhok ni Sam. Anong tingin niya ki Sam, aso? Siya ang gawin kong aso diyan eh. Tiningnan naman ni Sam si bwisit ng masama.

"Hnde katulad mo!"

"Ano ba yan." Bulong ko. Naiinis na talaga ako dito ki bwisit. Gusto lang naman niyang makipaglandian ki Sam. Baka naman may gusto talaga to ki Sam?

Arghhh!!!

Ako lang dito ang OUT OF PLACE.

A/N: Don't forget to vote and comment. ^___^

Puzzle: A DecisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon