Samantha's POVNagaayos na ako ngayon para sa gala namin nina Keila at Cyril. Sinusulit na namin every Saturday ang pagbonding namin kasi pagtumagal na, magiging busy na kami, at pag naging busy na kami, hnde na kami makakapagbonding, at kapag hnde na kami nakakapagbonding, hnde na kami makakapagusap, at kapag hnde na kami nakakapagusap, maba---
Naputol ang iniisip ko nang biglang nagvibibrate ang phone ko. Kinuha ko ito galing sa pagkakalapag sa kama at nakita kong may text galing kay Keila.
From: Keila
Sam, punta ka nlng dito sa bahay namin. Pupunta na din dito si Cyril para sabay sabay na tayo.
To: Keila
Ok :)
Nagapply lang ako ng light make up at bumaba na. Naabutan ko si mama na may malawak na ngiti habang nanonood ng tv kaya nilapitan ko na sya.
"Ma, aalis na po ako. Ngayon na po yung gala namin nina Keila at Cyril sa mall."
"Ok. Sige, ingat ka anak." Hinalikan ko na ang cheeks ni mama. Nakangiti pa rin siya hanggang ngayon. Anong meron? Hindi ko nlng iyon pinansin at umalis na.
Nandito na ako sa bahay nina Keila. Magdodorbell na sana ako ng bigla itong bumukas. Bumungad sa paningin ko si Kyra, ang cutie little sister ni Keila.
"Hi po ate Sam!" Masiglang bati sa akin ni Kyra. Ang cute cute talaga niya.
"Ah Kyra, ano na ba ginagawa ng ate Keila mo?"
"Nagaayos na po siya. Nandito na rin po pala si ate Cyril. Tara po, pasok na kayo."
Dinala ako ni Kyra sa living room ng bahay nila. Nakita ko si Cyril na sitting comfortably sa sofa. Akala naman nito, nakatira siya dito.
"Oyy, Cyril, umayos ka nga! Di ka naman dito nakatira tapos kung makahilata ka, akala mo ikaw ang nakatira dito."
"Ehhh sorry naman. Ang tagal tagal kasi ni Keila. Kanina pa kaya ako dito."
"Guys! Sorry, ang tagal ko. Hinanap ko lang kasi yung libro ko, nawawala kasi kanina."
"Keila, aalis na ba kayo?" Tanong ni tita Karen, ang mommy nina Keila at Kyra.
Lumapit na siya sa amin at ako naman ay nagmano na pati na rin si Cyril.
"Opo ma."
"Sige ingat kayo."
Lumabas na kami ng bahay at nagpara na ng taxi.
***
Nandito na kami ngayon sa mall. Kung ano ang gagawin namin, hindi ko alam."Ano ba gagawin natin ngayon?" Tanong ko.
"Marami. Ngayon, sine muna tayo."
Pumunta na kami sa sinehan at nagorder na ng tatlong tickets. Ang papanoodin namin ay horror at ang title ay "coming soon".
"Guys, kain muna tayo. Mamaya pa namang 3:00 yung sine. 2:20 palang ngayon. May 40 minutes pa tayo." Sabi ni Cyril.
"Sige. Dun tayo sa food court."
Nagorder na kami ng mga pagkain at nagsimula nang kumain syempre.
"Sam, pinapansin ka naman ba nun ni Zayn?" Tanong ni Keila.
"Naku Keila. Syempre hindi. Yung pinasalamatan ko nga siya nung nabangga ko si Zach, tsk lang ang sinabi."
"Baka ganun talaga siya."
"Hnde na baka kasi ganun naman talaga siya. At bakit naman ako papansinin ng isang hearttrob?"
Nagkibit balikat nlng sya. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa sinehan.
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Teen FictionSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...