Samantha's POVMonday na naman ngayon and so far, wala namang ginawa yung mga umaway sa akin nung isang araw. Last last week pa yun. Baka nakalimutan na nila hehehe, sana nga.
Naglalakad na ako sa hallway ngayon ng biglang may tumulak sa akin. Nahulog tuloy ako at ang tumama nanaman ay ang pwet ko. Ang sakiittt. Sino nanaman ang bruhang iyonnn?!?
Tumalikod na ako and speaking of, ayan na yung mga nakaaway ko last week.
"We told ya. Pagbabayaran mo ito." Sabi nung girl 1.
"So let's start?" Tanong niya sa akin.
Sinimulan na nila akong pagsasampalin at sabunutan. Wala pa nga akong sinasabi na ready na ako. Ba't pa sya nagtanong kung di naman nya iintindihin yung sagot ko? Mga tanga!
"Ano sabi mo? Mga tanga?" Sabi nung girl 3.
Ay mukhang napalakas ata yung pagkakasabi ko sa isip ko. Nasabi ko na pala. Hehehhe. Sorry.
"Ikaw ang tanga sa ating apat!" Sigaw naman sa akin nung girl 1.
"Ano baa? A-araay!"
"Masarap ba?" Ano naman ang masarap dito? Hnde naman nga pagkain. Ang tanga nyo. Mga walang utak.
"Gusto mo pa?" At sinampal pa nila ako. Pano kung sinabi kong ayaw ko na? Titigil kaya sila? Sige, try natin.
"Ayaw ko na."
"Shut up."
"Eh sinasagot ko lang naman yung tanong mo."
Hindi ko na sila mapigilan dahil hinang hina na ako. Please, sana naman may tumulong sa akin.
"Sumasagot sagot ka pa? Gaga ka talaga! I curse you to hell!" Sabi nung girl 1.
"Tama na p-please?" Gusto ng umiyak dahil hinang hina na talaga ako. Sana naman may makakita sa amin. Bakit kasi dito pa kami sa lugar na walang tao?
"Hoyy! Anong ginagawa niyo ki Sam?" Pagkatingin ko ay nakita ko si Keila kasama si Cyril at handa ng sabunutan yung girl 2. At ayun, sinabunutan na niya yung girl 2. Si Cyril naman ay pinagsasampal yung girl 3. Yung girl 1, ayun na, sinwerte ngayong araw, nakatakas ba naman.
And then, boom! Tapos! Di nyo ba alam na nagaral kaming tatlo ng taekwando? Kaya magaling kami sa mga ganitong bagay. Kung iniisip niyo kung bakit di ko yun ginawa, it's because ayaw kong manakit ng tao. Iniisip nyo na useless? Ginagamit ko lang kasi yun sa mga tao na hnde ko kilala. Basta ganun na yun.
"Sam! Ok ka lang ba?" Tanong ni Cyril.
"Tsk. Tinatanong pa ba yan? Nakita mo na ngang pinagsasamapal sya at sinasabunutan , tatanungin mo pa ang obvious."
"Edi sorry man. Dalhin nlng nga natin siya sa clinic."
Tinulungan nila akong makalakad papunta sa clinic. Paakay akay pa nga ang lakad ko. Tsk. Umagang umaga, ganito agad ang bubungad sakin? Mga bwisit sila.
Hnde na kami nakapasok sa first subject namin kaya sa second subject nlng at mamaya pa yun.
"Sam, bakit nila ginawa yun sayo?" Tanong ni Keila with a serious face. Pagkaibigan talaga, seryoso na siya. Mahal na mahal kasi namin ang isa't isa bilang kaibigan.
"Nagalit sila kasi katabi ko daw si Zayn sa classroom."
"So fan sila ni Zayn?"
"Exactly. Actually, alam kong dadating ang araw na ito pero ang di ko inaakala ay ngayong araw na pala yon mangyayari."
"Alin ang mangyayari?" Tanong ni Cyril na mukhang nalilito.
"Last last week kasi, nung second day of school, sinaktan na nila ako nung uwian na. Di ko naman kayo kasama nun kasi ikaw baga Cyril, may practice ka sa volleyball. Ikaw naman Keila, may naiwan ka sa locker mo at may ipapaprocess ka pa sa library. Habang naglalakad ako nun, bigla nlng nila akong tinulak at pinagsasampal at sabunutan na. Tinabig ko sila nun at napaupo naman sila sa sahig. Tapos binantaan nila ako na pagbabayaran ko daw yun. At ngayon na yun." Paliwanag ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Fiksi RemajaSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...