[7] Pansin ko lang

73 3 0
                                    


Samantha's POV

Nagising ako sa masilaw na sinag ng araw. Hnde na alarm clock noh? Pinatay ko na kasi. Ang ingay ingay kasi. Pero syempre joke lang yun. Hnde ko pa kasi napapalitan ng battery kaya d na sya gumagana. Mabuti nga yun para wala ng maggigising sa akin.

Bumangon na ako pero may naalala ako kagabi. Sa pagkakaalam ko, nandun ako nakatulog sa sala habang naguusap kami ni Zayn. Eh pano ako nakarating dito? Pansin ko lang.

Weird........

I quickly did my morning rituals. Nagapply lang ako ng light make up. Pagkatapos nun ay bumaba na ako at naabutan ko si mama na nagaayos ng breakfast kasama si Zayn. Gising na pala siya. 

"Goodmorning ma."

"Goodmorning. Tara na, magalmusal na tayo."

Nagpwesto na kami at nagdasal na at syempre, kumain na.

"Zayn, nakatulog ka naman ba ng maayos kagabi?" Tanong ni mama.

Ayan nanaman ang interview section nila. Parang si mama ang interviewer, si Zayn ang interviewee at ako naman ang dakilang audience nila na parang hangin lang sa harapan nila.

"Medyo nahomesick po ako kagabi pero nakatulog naman po ako ng maayos. Thank you po pala ulit sa pagpapatulog sa akin dito kagabi tita."

"Sus, wala yun. Pagkatapos niyo kumain, sabay na kayong pumunta ng school ha?" Sabi ni mama samin at nagnod naman kaming pareho. Tumaas na si mama kaya naiwan nlng kaming dalawa ni Zayn dito sa baba.

Gusto ko tanungin si Zayn kung paano ako nakarating sa kwarto ko kahapon pero nahihiya ako. Di naman kasi kami close. At kung ginawa ko yun, baka isipin niya na FC ako sa kanya. Pero curious talaga ako eh. Bahala na nga si batman.

"Zayn, kagabi pala, ang alam ko ay nakatulog ako sa sala. Paano ako nakarating dun sa kwarto ko?" Tanong ko at pansin ko lang na bigla siyang umiwas ng tingin.

"Tsk. Syempre lumakad ka papunta dun."

"Ehhh. Ang alam ko dun ako sa sala nakatulog."

"Basta ganun na yung nangyari." Ang labo naman nitong kausap. Bahala ka nga! Nanahimik nlng ako at tinapos na ang kinakain ko. Nakita ko si mamang bumaba kaya nilapitan na namin siya.

"Ma. Alis na po kami." Sabi ko habang hinahalikan anh cheeks ni mama.

"Thank you po ulit tita sa pagpapatuloy aa akin dito."

"Walang anu man, Zayn."

"Sige po ma, alis na po kami."

"Sige ingat kayo!"

As what mama said, sabay na daw kami pumunta sa school kaya eto kami ngayon nasa loob ng kotse ni Zayn. Siya nagmamaneho, ako naman nakatingin lang sa kawalan.

"Sam, ok ka na ba?" Bigla niyang tanong sa akin.

"Huh? Anong ok?" Medyo nalilito kong tanong. Basta basta ba naman kasing magtatanong.

"Tsk. Yung nangyari sayo kahapon. The incident between you and the three friends."

"Ah. Ok na ako. Di naman na masakit. Thank you pala ulit ha?"

Expected ko na wala siyang reply pero nagulat ako ng sabihin niyang:

"Your welcome."

Nandito na kami ngayon sa school. Bumaba na ako, pati na rin siya. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao dito. Buti nlng kunti lang sila.

Nagsimula na akong lumakad pero nagulat ako ng sumunod sa akin si Zayn. Pagkadaan tuloy namin ng hallway, pinagtitinginan kami. Tiningnan tuloy ni Zayn sila ng masama na para bang sinasabi na 'mind your own business'.

Puzzle: A DecisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon