A/N: Parehas lang po ito sa previous chapter. Ang pinagkaiba lang ay POV ito ni Zayn. ^___^
Zayn's POV
"Ok. Class dismissed."
Pagkasabi nun ni sir ay lumabas na kami ng classroom. Dumiretso na muna kami sa library kasi dito naman talaga kami tumatambay pag lunch break na. Tapos pagtagal tagal na ay saka lang kami pumupunta sa canteen kasi yun yung time na kunti nlng ang mga tao. Syempre kasi tapos na kumain.
"Bro, matanong ko lang." Napatingin ako kay Liam na kasalukuyang nagpapahinga. Si Troy naman ay nagbabasa.
"Go on."
"May gusto ka ba kay Sam?" Bakit niya naman yun natanong? Ano nanaman ang pumasok sa isip nito ni Liam?
"No. What made you say that?"
"Eh kasi ang close niyo na. Tsaka lagi ko kayong nagkikitang magkasama pagpapunta at pagpauwi."
"Hatid sundo ko siya minsan. Pero baka maging palagi na."
"That's it!" Sigaw ni Liam. Naku, nasa library kami tapos sisigaw siya? Tsk tsk tsk.
"Shhh!" Ayan sinigawan din nung librarian. Hahaha
"Ipapa-quiet ako eh maingay din nga siya."
"Oh ano?"
"Yun na nga. Hatid sundo mo siya. Diba, that's what normal couples do? Sa status niyong iyan, you look like a couple."
Grabe naman ang conclusion nito ni Liam. Di ba pwedeng magkaibigan lang kami? Or kaya may reason kung bakit ko siya hatid sundo? Kasi meron naman talaga, at yun ay ang nadadaanan ko ang village nila.
"Pero tol, bagay kayo ah." Anong bagay ang pinagsasabi nito? Magkaibigan lang nga kami. Mahirap ba yun intindihin? Di ko nlng siya inintindi at nagpahinga na.
Pagkalipas ng ilang minuto ay napagdesisyonan ko na pumunta na sa canteen. Wala eh. Nakaramdam na ako ng gutom.
Pumunta na kami sa canteen pero papalapit palang kami ay may naririnig na agad kaming mga ingay. Mga nagbubulong-bulongan at nagsasagutan.
Nakita ko sina Sam na nakatayo sa gilid at nakatingin sa ibang pwesto. Dun sa paborito nilang pwesto pero may nakaupo na. Wait! Bakit parang pamilyar ang mukha nila? Bakit parang...
"Excuse me?" I snapped out from my reverie when I heard Cyril talked to the group. Yeah, I know her name. She's a friend of Sam. And yeah, the group. Sila yung grupo na nandun sa simbahan.
Napatingin naman yung grupo kay Cyril at tiningnan naman nila siya ng maarteng mukha.
"Ano?" Mataray na sagot nung leader siguro nila.
"Pwedeng umusog kayo?" Tanong ni Cyril ng kalma lang. Teka lang, bakit ba nandito yang grupo na yan?
"At bakit?"
"Kami kasi ang nakaupo diyan."
"Bulag ka ba? KAMI ang nakaupo dito. Nakatayo ka nga diyan."
Tanda ko tuloy nung Sunday, nung nagsimba kami ni Sam. Grabe sila kung makalapit sa akin. Kinakausap nila ako at ako naman, no choice. Ngiti dito, ngiti doon. Kesa naman sa mabawasan ang pogi points ko. Pero ngayon alam ko na, na mas mabuti na ang mabawasan ng pogi points kesa sa habul-habulin ka ng mga babaeng patay na patay sayo.
"Oo nga. Paanong mangyari na ikaw ang nakaupo dito? At 'KAMI'? Wala ka namang kasama."
"Yeah. Sarrey gal. But they is correct. You gow naw." Wth?
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Teen FictionSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...