[17] Sino ba talaga ang Seatmate ko?

49 3 0
                                    


Samantha's POV

Naglalakad na ako ngayon papuntang school. At hanggang ngayon ay hnde pa rin ako makagetover sa nangyari kagabi. What's with Zayn? Para kasing ang weird niya kagabi.

Nakita ko na si Drew na papasok na sa school kaya sinabayan ko na siya... hehehe. Close naman na kami.

"Oh, Sam. Andyan ka na pala."

"Oo. Ngayon mo lang ako nakita?"

"Hnde. Kanina pa. Mga 25 seconds ago pa. "

Binatukan ko nga. Napakadetailed naman kasi nito. Tigstopwatch ba nito yung oras?

"Aray ko man! Nagsisisi na nga ako na nakilala kita. Hmp." Tampo tampo ka diyan. Tingnan natin kung sinong unang bibigay.

"Ah ganon pala ah."

Nilayasan ko nga. Binilis bilisan ko ang lakad ko at nang mukhang malayo layo na ako sa kanya ay tumingin ako sa likod ko kung nasaan siya. Pero wala naman akong nakita. Nagpaiwan ba yon dun? Ha! Akala ba niya na babalikan ko siya doon? Sige, magparahintay ka lang doon. Hehehe. Pero nung pagkaharap ko, ganito yung nangyari:

"Booo."

"Ahhhh." Sinapok ko nga. Bwisit ka. Umagang umaga, aatakihin ako sa puso. Pero syempre di yun manyayari kasi wala naman akong sakit sa puso at di naman ako nahhigh blood.

"Araay! Nakakailang batok at sapok ka na ha!"

"Ikaw, nakakailang inis ka na ha!"

Binigyan niya ako ng masamang tingin, pero ang loko, imbis na maging masamang tingin, naging mas  cute pa siya. Ehhhh. Nakakagigil.

"Arayyy! Tumigil ka na nga! Ang sakit na ng katawan ko dahil sayo."

"Hehehe. Sorry, di ko napigilan. Ang cute mo kasi ehhh."

"No! Di ako cute, dahil gwapo ako."

"Tsk."

"Bakit? Totoo naman baga."

"Oo na. Gwapong cute na makulit."

"Ay. Wait lang pala. Ma CR lang ako."

"Dalian mo lang."

"Pwede ka naman sumama sa loob kung gusto mo."

"Ewww! Dito nlng."

"Aray ko ha!"

Binatukan ko nga ulit. Tingnan niyo. Sinong hnde maiinis sa sobrang kulit na tulad niya? Mas matanda siya sa akin kasi ma 17 na siya next week, pero siya ang mas makulit. Ay oo nga pala. Yung invitation sa mga kaklase namin.

Hinintay ko nlng siya hanggang sa matapos siya. Tatanungin ko kasi siya tungkol dun sa paginvite sa mga kaklase namin para sa birthday celebration niya.

Lumabas na siya ng CR at..at....at pffft.

^O^

"Hahahahahahahahaha!"

"Uyy. Anyare sayo?"

"Hahahahahahahaha."

"Ok ka lang ba? Nasapian ka ba?"

"Ahahaha. Di ko na kaya." At napahawak na ako sa tiyan ko. Pano ba naman kasi. Pfft.

"Kailangan na ba kitang dalhin sa simbahan or sa mental hospital?"

"Pffft. Ikaw kasi. Hahahahaha."

"Bakit, ano bang problema mo? Bakit ka tumatawa?"

"I-ikaw kasi! Tingnan mo y-yung ulo mo. Hahahahaha."

"Pano ko naman to makikita? Eh nasa taas ang ulo ko."

"E-edi hawakan mo. Pfft. Hahahaha."

"Ano ba to?" Narinig kong bulong niya tapos hinawakan na niya yung ulo niya. Nahawakan na niya yung bagay na pinagtatawanan ko at kinuha. Ewwww.

"Ahahhhaha."

"Yuuuck. Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tinapon na niya yung bagay na nasa ulo niya.

"Eh sa napapatawa ako."

"Tsk! Halika na nga."

Nagsimula na siyang lumakad at sumunod na ako. Pano ba naman kasi yung pagkalabas niya, may butiki sa ulo niya. Grabe naman na hnde niya yun maramdaman. Hahaha. His face was priceless. Tapos yung nakuha na niya yung butiki, sa buntot niya nahawakan kaya parang sumasayaw yung butiki, tumatakas kasi. Hahaha.

Ok tama na. Ganito pala siya kapag pinagtatawanan. Awwww. Kawawa naman. Nakapasok na kami sa classroom kaya umupo na ako sa upuan ko. Yun nga lang, hnde pa si Drew makaupo kasi nakaupo na si Zayn sa upuan niya. Which is yung pinagaagawan nilang seat. Ano ba yan, nalilito na tuloy ako kung sino na ba talaga yung seatmate ko.

"Anong tinitingin tingin mo diyan?"

"Wala!" At bigla siyang ngumiti! Ows? Nakagetover na siya kanina? Bipolar siguro tong tao na to. Umalis na siya sa harapan ni Zayn at ang sunod na ginawa niya?

Kumuha siya ng arm chair at nilagay sa pagitan namin ni Zayn. So sa gitna siya. Tatlo tatlo na tuloy kami dito. Kung ano ano naman ang naiisip nitong lalaki na to.

"Anong ginagawa mo?"

"Malamang, umuupo. Bulag ka ba?"

"Tanga." Bulong ni Zayn pero halata naman na pinaririnig lang niya. Tapos pagkatapos nun ay may binulong pa siya pero di ko na naintindihan. Pero itong isang to? Dinedma lang. Wala talaga siyang paki ano?

"Uyy, Drew. Bawal naman ata ang ganito?"

Pero imbis na sagutin ang tanong ko, nginitian niya lang ako at humarap na sa harapan. Syempre sa harapan. Nawweirduhan na talaga ako sa lalaki na to!

"Sam, anyare diyan?" Tanong ni Cyril.

"Idk. Kung ano ano ang naiisip."

"....pero in fairness, mautak siya. WAIS." Dagdag ko sa sinasabi ko.

Pero ang inaalala ko ay.....

SINO BA TALAGA ANG SEATMATE KO?

A/N: Don't forget to vote and comment. ^___^

Puzzle: A DecisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon