Zayn's POVNandito ako ngayon sa bahay ni Troy. Naghihingi kasi siya ng advice. Nakita daw kasi niya yung childhood friend niya. Ay, aba malay ko diyan. Siya ang matanda kaya siya dapat ang may alam. Naputol ang usapan namin ni Troy nang biglang tumunog ang phone ko.
Kinuha ko na ito at tiningnan yung caller. Tsk. Si ate. Ano naman ang kailangan nito?
"Hello?"
["Sup? Pwede ka ba pumunta dito sa mall? Ngayon na?"]
"Tsk. Bakit nanaman?"
["I need your help."]
"Ano ba ginagawa mo diyan?"
["Basta. Please?"]
"Oo na. Nasaan ka ba?"
["Nandito ako ngayon sa mall, sa foodcourt."] Wow. Ang lapit. Ang lapit lang talaga. *insert sarcastic tone here*
"Great. Malapit lang ako diyan."
["Ok. Thanks bro. By--"]
Dial tone
Di na ni ate natapos ang sasabihin niya dahil naputol na ang linya. Pero sa pagkakaalam ko, maayos naman ang signal dito kina Troy. Makaalis na nga. Nagpaalam na ako kay Troy tsaka tumungo na sa mall. Ang layo naman.
Pagkadating ko sa foodcourt ay nakita kong may kausap si ate or more like na kakwentuhan. Knowing ate? Madaldal yan. Babae yung kausap niya, yun nga lang di ko makita kung sino siya kasi nakatalikod siya sa direksiyon ko.
Nilapitan ko na sila. Alangan naman nakatunganga lang ako doon habang pinapanood ko sila? Lumingon naman yung babae na kausap ni ate na si Sam pala. Siya pala yun. Ang close na talaga nila.
"Oh, Zayn. Andyan ka pala." Malamang nandito ako. Pinapapunta mo kaya ako. Gusto ko yun sabihin sa kanya kaso natandaan ko na sinasapok niya ako kapag ganun ako sa kanya. Ang sakit kaya ni ate manapak.
"Bakit mo ak---"
"Wait lang. Mamaya ko na explain sayo. Comfort room lang ako. Samahan mo muna Zayn si Sam."
Pagkasabi nun ni ate ay mabilis na siyang umalis. Si Sam naman ay tinuloy na ang pagkain. I know that 'staring is rude' but I just can't help it. Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakain siya.
~~~Minutes had passed~~~
Ang tagal naman ni ate Zaira. Saang lupalop ba yun nag comfort room? Ilang minuto na lamang ang nakalipas pero hindi pa rin siya nakakabalik dito.
"Zayn, may dumi ba ako sa mukha?" Umiling lang ako. Tumingin siya sa likod niya tsaka siya humarap sa akin ulit. Iniisip siguro niya kung may tao ba sa likod niya. Tanda pa pala niya yun? Tanda ko yung mukha niya nung sinabi ko yun sa kanya sa canteen. Nakakatawa siya pero ang cute. Wait! What did I just, said? I snapped back from my thoughts when I heard Sam's voice.
"Zayn, gusto mo bang umorder?"
"No."
"Gutom ka na ba?"
"No."
"Gusto mo ba nito? Baka kasi nagugutom ka na talaga?" Is she concern? If yes, that's so kind of her.
"No thanks."
"Okay."
Pagkatapos nun ay wala nang nagsalita hanggat sa tumayo si Sam kaya pinigilan ko naman siya. Anong gagawin niya?
"May kailangan ka?" Tanong niya.
"Where are you going?" I asked, ignoring her question.
"Sa comfort room. Baka kasi kailangan ni ate Zaira ng tulong."
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Teen FictionSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...