Zayn's POVPapunta na ako ngayon kina Sam para hatidin siya. Remember? Hatid sundo ko na siya.
Nakapasok na ako sa village nila at mabuti naman at hindi na hiningi ng guard ang ID ko. Dati kasi hinihingi pa kaya perwisyo. Sagabal. Siguro dahil natatandaan na nila itong kotse ko dahil sa madalasan ko na punta dito.
Nandito na ako sa harap ng bahay nila. Ang tagal naman ni Sam. Nagpapaganda pa eh. May manliligaw na ba yun? Matext nga.
Samantha's POV
Ting*
Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong mag "ting". Hahaha. Sino naman kaya iyon? Si Zayn na ata.
From: Zayn
I'm already here
Napatingin ako sa bintana at tama nga, nandyan na siya. Ay hala naman eh. Di siya mahilig sa waiting.
Tok tok tok
"Pasok po!"
"Sam, nandiyan na si Zayn sa baba. Ba't ang tagal mo?"
"Opo ma. Patapos naman po ako kaya go na."
"Ay. May nalalaman ka pang go na. Ikaw ha."
"Tumigil ka nga ma. Mas lalong hindi ako matatapos nito eh."
"Osya continue ka na sa iyong pagpapaganda."
At sinara na niya ang pintuan. Psh. Si mama talaga. Tumingin ako sa salamin at sandaling kinausap ang sarili.
Totoo nga naman talaga. Bakit ba ang tagal ko dito? Eh lagi naman na pag nagaayos ako ng sarili, mabilis lang. Huuu. Ano na ba ang nangyayari sa akin?!?!
"Sam!"
"Ay butiki!"
"Anong nangyayari sayo? May masakit ba?"
"Huh? Ano? Anong masakit? Walang masakit. Bakit ka ba nagpapanic? At bakit ka naman nanggugulat ma?"
"Eh paanong hindi ako magpapanic eh nagsisigaw sigaw ka na diyan. Di ko na alam kung anong pinaggagagawa mo dito."
"Huh?"
"Wala! Sabi ko dumali ka na diyan. Kanina ka pa hinihintay ni Zayn. Nagkkwentuhan nlng nga kami."
"Opo opo. Ito na nga oh.
Lumabas na si mama ng kwarto kaya sumunod na rin ako. Alangan naman na nagpaiwan ako eh may school nga kami. Pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko si Zayn. Lumapit na ako sa kanya at napansin na niya ako. Napansin na niya ang kagandahan ko to the point na naging kami na. Joke lang! Friends lang kami.
"Hi Sam."
"Hello. Sorry ang tagal ko."
"Okay lang."
"Kumain ka na ba?"
"Hindi pa."
"Oh mabuti. Sumabay ka nlng sa amin. Maaga pa naman."
"Ay hindi na. Ok lang."
"Ay nako Zayn. Ikaw nga hatid sundo mo ako. Kain ka na dito. Para quits tayo."
Wala ng nagawa si Zayn at umupo nlng. Nagkwentuhan kami kasama si mama kaya tiyak na tumagal pa ang usapan namin.
"Ah Zayn, nililigawan mo ba si Sam?" Tanong ni mama habang nakangiti.
"Tita ilang times mo na po yan natanong sa akin. Haha. Hindi po tita. Hindi ko po siya nililigawan."
"Ahh."
Sabi ni mama sabay baling sa akin.
"Eh baka naman ikaw ang nangliligaw kay Zayn?"
"Hay nako mama. Bakit mo naman po yan naisip? Ikaw talaga mama. Kahit matanda ka na, ang kulit mo pa rin."
"Anong sabi mo? Matanda na ako?"
"Opo. Totoo naman po baga."
"Kahit naman matanda na ako, maganda pa rin naman ako."
Napatawa nlng kami ni Zayn sa sinabi ni mama.
"Nga pala Sam. May nanliligaw na ba sayo?"
O___________________O
Gulat. Gulat. Gulat na gulat kong tiningnan si Zayn. Kailan ba ito titigil? Bakit ba sila tanong ng tanong sa manliligaw ko. Ano ba ang problema nila sa love life kooo.
"Ano ba Zayn!!! Kakatanong palang ni mama tungkol sa manliligaw, tatanong ka rin. Wala nga eh. Bakit ba ang kulit niyo?"
Napatawa nlng silang dalawa dahil sa akin. Ano ako? Clown? Mukhang close na talaga sila eh. Pano naman kaya naging close nito ni zayn si mama. I am so curious.
*** At School
Pagkapasok namin sa school ay mga mata ang nakita ko. Kasama ko ba naman si Zayn na pinuno ng heartthrob dito sa school. Haha. Joke. Pero kailangan ko ng masanay kasi hatid sundo na niya ako. Para tuloy kaming center of attraction. Everyday ko na ito mararanasan. Hehehe.
Another day. Ano kaya ang mangyayari ngayon? Makikita ko nanaman ba yung grupo na yun? Ay malamang oo. Naglipat ba naman sila dito. Good thing di ko talaga sila kaklase.
"Sam, are you okay?"
"Oo, bakit?"
"Nothing. Nakatunganga ka kasi."
"Ahh. Iniisip ko kasi yung grupo. Alam mo naman ata yung ibig kong sabihin diba?"
"Yes."
"Speaking of, ayun sila oh." Sabi ko sabay turo dun sa grupo ng mga kababaihan na may bakla which is better known as the clownsters because of their thick make-up.
"Don't mind them."
Hinila ako ni Zayn or better yet, kinaladkad. Dumaan kami sa ibang direksyon para di namin makasabatan o masabayan yung clownsters pero sa kasamaang palad, nandito sila ngayon. Nasa harapan namin. Nanlilisik pati ang tingin. Kaya nga kami dumaan dun sa kabila para makaiwas sa kanila. Pero ano to?
"Well well well. Look who's here." Sabi ng lider nila. Waw. Nagaral na ba siya ng english? Improving ha.
"Bakit mo--- I-I mean, why do you make sama sama with him, huh?" Ay tongeks, itong pangalawa na to mali mali pa rin. Matatawa nanaman ako nito eh. Para akong nakikinig sa comedy show.
"Why you not answering gal?"
"Ha. Why are you with her? You should make sama sama with us and not her."
Bakit naman? Magkaibigan kami uy. Tsaka---
"Araayyy!"
Sakit nun ha. Sabunutan ba naman ako. Inaano ko ba siya? Baliw talaga to eh. Basta basta nalang mananabunot. Ara lang siya sa buhok ko.
"It hurts right?"
"Malamang."
At ayan nanaman ang kamay niya. Handa na akong saktan nang pinigilan siya ni Zayn at sabay na sinambit ang mga salita na nagpatakbo sa kanila.
O______O
"Don't you dare touch her."
A/N: Don't forget to vote and comment. ^___^
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Novela JuvenilSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...