[30] Friends?

31 3 0
                                    


A/N: Sorry po kung hindi ako nakaupdate simula nung Sunday. I'm kinda busy. Pero ito na po yung next chapter. Hope you enjoy. ^___^

Samantha's POV

Kriiiing

Ayan nanaman yang alarm clock na yan. Ang ingay ingay. Ganda na ng tulog ko eh. Dapat pala hindi ko na yan pinalitan ng battery.

~yawns~

Bagong araw nanaman. Hayy. Nagstretching na ako at dumiretso na sa banyo. Lagi ko naman sa inyo nasasabi diba na pagpupunta ako sa school ay syempre , I will do my morning rituals. Kaya ginawa ko na ang mga umagang ritwal kowhich is ang pagsummon ko ng apoy. Joke!

Bumaba na ako at kumain na. Nakita ko sina mama at papa na papunta dito sa dining room.

"Andyan ka na pala, Sam." Sabi ni mama

"Ang aga mo naman, Sam." Sabi naman ni papa.

"Ok lang po pa. Para di po ako malate."

Umupo na sila at sinabayan ako sa pagkain. Syempre, di mawawala ang question and answer namin tungkol sa studies ko.

"Nga pala, Sam. May manliligaw ka na raw?"

O______O

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi na iyon ni papa. Napatingin ako ki mama at nakangiti lang siya. Daldal talaga ni mama. Ang kulit pa. Tsk.

"Pa, wala po akong manliligaw."

"Huh?" Tanong niya na mukhang nalilito. Tumingin siya ki mama.

"Meron ba talaga?"

"Meron yan. Ayaw lang niya umamin." Paliwanag naman ni mama.

"Wala nga po mama." Kulit talaga ni mama. Pinipilit pa ang bagay na yan.

"Basta Sam, nandito lang kami para sayo. Basta kung magmamahal ka man, dapat yung sigurado ka na sa nararamdaman mo."

Hay nako. Kulit talaga. Pano ba at bakit ba napunta dito ang usapan namin. Nung una lang about sa studies ko. Paano naman napunta sa usapang lovelife ko. Ang layo naman ng studies sa lovelife.

"Hay nako. Wala nga po akong manliligaw. Alis na nga po ako."

"Sige. Bye. Ingat." Paputol putol ang peg? Pagkatapos kong magpaalam ay nagsimula na akong maglakad pero tiningnan ko muna yung gate. Pasigurado lang na nasarado ko. Humarap na ako ulit sa harapan yun nga lang.....

"Ahhh!"

"Ahhh!" May bumungad sa aking batang musmosin. Syempre, nagulat ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ate, wag niyo po akong sasaktan." Sabi niya na halatang natatakot. Bakit naman siya natatakot? At wag ko daw siyang sasaktan? Aba!

"Huh? Ikaw ang wag mo akong sasakatan. Ikaw ang lumapit at nanggulat sa akin."

"Sorry po ate. Nanlilimos lang po ako."

Ahh. Nanlilimos lang pala. Akala ko kung ano na. Marunong pala siya ng ingles? Bago yun ha. 'Sorry' daw kasi. Dahil mabait at matulungin akong tao, nilagpasan ko nalang siya. Pero syempre hindi totoo yun. Kaya nga mabait at matulungin diba? Edi syempre binigyan ko siya ng 15 pesos. Yun lang kasi ang barya ko.

"Ate, ito lang ba?" Tanong niya nang naiirita. Aba bago din to ha. Demanding? Siya na nga tong binigyan tapos di pa siya nakuntento.

"Ayaw mo? Edi akin na." Akmang kukuwain ko na yung pera pero nilayo lang niya ito. Akala ko ba ayaw niya?

"Akala ko ba ayaw mo?"

"Wala naman po akong sinabi na ayaw ko. Nagtatanong lang naman po ako kung ito lang ba. Meron pa po ba kayo diyan? Ilang araw na po kasi ako hindi nakakakain." Pagdadahilan niya na more like a speech.

Kinuha ko na yung wallet ko at binigyan siyang 100 pesos. Swerte na siya diyan. Buti nlng mabait ako.

"Salamat po ate!"

"Siguraduhin mo na ipapambili mo yan ng pagkain ha?"

"Opo ate. Salamat po ulit." Sabi niya at umalis na. Ako naman ay tumuloy na sa paglakad yun nga lang.....

Beep Beep

Ano nanaman ba?! Gusto ko ngang agahan ang pasok ko tapos may mga sagabal naman?!

Bumukas ang windshield nito at nakita ko si Zayn sa loob. Sa kanya nga pala itong kotse. Ano naman ang ginagawa nito dito?

"Sabay ka na sa akin."

"Huh?"

"Sabay na tayong pumasok."

"Ok." Sumakay na ako at siya naman ay pinaandar na ang kotse.

"Bakit mo naisipan na sabay tayong pumasok?"

"Nothing. Wala kasi akong kasabay."

"Bakit naman?"

"Nauna na kasi yung mga lokong yun."

Alam ko na kung sino yung tinutukoy niyang 'mga lokong yun'. Syempre, yung mga tropa niya yun. Lagi naman sila magkakasama pagpapasok sila.

***
Nakarating na kami dito sa campus at pansin ko na pinagtitinginan nanaman kami ng mga estudyante dito. Ano bang paki nila? Di ko nalang sila inintindi at dumiretso na kami sa classroom.

Pagkapasok namin sa classroom ay same reaction lang. Yung iba, gulat at kasali na doon sina Keila, Cyril, at Drew. Umupo na kami ni Zayn sa mga upuan namin. Siya kinausap na mga tropa niya at ako naman ay kinausap na itong mga chika seeker.

"Mukhang may chika ka ngayon." Sabi ni Cyril nang nakangiti. Tsk. Tanda ko pa yung pagsabi niya ng baliw sa akin kahapon sa chat. Pumasok na yung teacher at nagdiscuss na kaya nakinig na ako.

"Bakit kayo magkasama?" Tanong ni Drew.

"Mamaya nlng lunch."

"Ehh. Ngayon na." Sabi naman ni Cyril. Kulit talaga. Baka gusto nanaman nila mapalabas?

"Gusto niyo ba mangyari sa inyo yung nangyari last time?" Tanong ko sabay smirk. Effective. Tumahimik nlng kasi sila at nakinig na.

***

Nandito ako ngayon sa kotse ni Zayn. Pauwi na dahil uwian na. Nasabi ko na pala kanina kina Cyril yung tungkol doon sa chika na gusto nila. Reaction nila? Di makapaniwala.

Pagkadating namin sa bahay ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Umalis na siya at ako naman ay pumasok na.

Ngayon ko lang narealize na...

I am friends with one of the hearttrobs. And he is the most hearttrob among the others. Friends? Wow. That was unexpected.

A/N: Don't forget to vote and comment. ^___^

Puzzle: A DecisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon