Zayn's POVPumasok na ako ng classroom. Pansin ko na wala pa si Sam, yung seatmate ko pati na rin yung mga kaibigan nya.
Kriiiiiiiing
First subject na pero wala pa rin sila. Sinimulan na akong kabahan. Bakit naman ako kinakabahan? Random girl lang yan, di nga kayo magkaibigan Zayn. Lutang lang ang isip ko buong subject. May iniisip kasi akong iba.
Kriiiiingg
Second subject na at nakita ko na sina Sam at ang mga kaibigan niya na tinutulungan siya sa paglalakad. Paakay akay kasi ang lakad niya. Halata rin ang pamumula ng magkabila niyang pisngi.
Anong nangyari sa kanya?
Bigla akong nagalit sa nakita ko. Kung sino man ang gumawa sa kanya niyan, humanda na siya mamaya.
"What happened to you?" Tanong ko pero walang reply. Bingi ba to?
"What.happened.to.you?" Nung sinabi ko yon ay saka na siya tumingin sa akin. Akala siguro niya di sya yung tinatanong ko.
"Wala to." Tipid nyang sagot. Anong wala? Nagsimula na akong makaramdam ng inis.
"Anong wala? Halatang halata kaya ang pamumula ng magkabila mong pisngi. Tell me. What happened to you?"
"Pinagsasampal ako at pinagsasabunutan." Sabi niya habang nakayuko.
"Who did this to you?"
"Bakit mo natanong?"
"Who.did.this.to.you?"
"Si girl 1, gir--- just random fans of yours. Hnde ko alam yung pangalan nila."
"Fans? Ibig sabihin, marami sila?"
"Tatlo sila."
"Mukhang alam ko na kung sino." Bulong ko. Tinawag ko sina Troy at Liam at umalis na kami ng classroom.
Lumakad lang kami ng lumakad, hinahanap namin ang tatlong dakilang fans ko. Tsk. Hanggang sa nadaanan namin ang clinic, parang may nakita akong pamilyar na mukha.
Pumunta kami ng clinic at naabutan ko dun sina Kim, Stella, at Jesse na ginagamutan ng nurse.
Nung una ay nagulat sila pero eventually ay yumuko sila. Tsk.
"Nurse, pwedeng iwan mo muna kami? May pag uusapan lang kami."
"Sige po." Sabi nung nurse na parang kinikilig. Tsk kinausap lang, kinilig na agad?
"Bakit nyo yun ginawa?"
Walang reply. Ganito na ba mga tao ngayon? Walang reply?"Bakit nyo yun ginawa!?"
"Why do you care?" Nagmamalakas na tanong ni Kim pero halata namang takot siya sa loob loob. But honestly, I really don't know why I'm doing this.
"I don't know!" Sigaw ko kaya natahimik naman siya.
"Bakit nyo yun ginawa?" Paguulit ko at sa wakas, sumagot na sila ng matino.
"Halata naman na naiinggit kami sa kanya dahil magseatmate kayo? Hnde pa ba obvious? Gusto mo pa talagang ipamukha sa amin?"
"Bwisit!"
Sinenyasan ko sina Troy at Liam na dalhin sila sa quadrangle. Humanda kayo ngayon.
***
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Teen FictionSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...