Samantha's POVKriiiing
Ahh. Tumigil kang bwisit ka! Umagang umaga, naninira ng araw. Naiinis na talaga ako dito sa alarm clock na to. Dapat pala, digital alarm clock nlng para at least di nakakairita sa pandinig.
Bumangon na ako then nagstretching na. Bagong araw nanaman. Dumiretso na ako sa banyo at pagkatapos ay, morning rituals.
Habang sinusuklay ko ang napakaganda kong buhok, narinig kong may kumatok sa pintuan. Si mama siguro yan.
"Anak."
"Ano po ma?"
"Bilisan mo na diyan. Nandito sina Keila at Cyril."
"Nandyan po?"
"Oo nga. Kulit mong bata ka. Dalian mo na diyan." Kulit? Eh ikaw din naman mama eh. Nagmana lang ako sayo.
"Opo."
Dinalian ko na ang pagkain ko pero kahit anong mangyari, ang tagal ko pa rin. Ang sarap kasi ng pagkain ko ngayon. Huhuhu. Bakit kasi sinarapan ni mama?
"Sam, naghihintay na sina Keila at Cyril oh."
"Ikaw kasi ma. Bakit mo sinarapan ang pagkain ngayon? Yan tuloy."
"Wala akong magagawa. Kahit anong gawin ko, masarap na talaga yan. Bilib ka nanaman sa akin noh?"
"Of course ma. Sige. Bye na po ma."
"Bye. Ingat kayo."
Lumabas na ako ng gate at nakita ko na nandun yung kotse ni Keila. Dun na nakikisabay si Cyril. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na magkakaibigan ang mga nanay namin.
"Hello."
"Tagal mo." Reklamo ni Cyril. Eh nakikisabay ka lang nga diyan.
"Sorry man. Di niyo naman kasi ako sinabihan."
Sumakay na kami sa kotse at tumungo na sa school. Wahh. Kasabay ko sila
***
Nandito na ako ngayon sa school with my buddies. Buti nlng talaga at naisipan nila. Kung bakit ba naman kasi kami magkaiba ng village."Bakit niyo pala ako naisipang sabayan?" Ayan, natanong ko na. Sa buong byahe namin at conversation, ngayon ko lang yan naisipan itanong.
"Wala lang. Kunti nlng kasi ang bonding time natin sa school."
"Oo nga. Pag lunch break nlng."
"Sabagay." Nagbell na kaya pumasok na yung teacher. Nagdiscuss na si ma'am kaya nakinig na ako.
***
Lunch break na and that's good. Gutom na kasi ako. Huhuhu. Kunti lang kasi ang kinain ko kaninang umaga para sa breakfast. Sina Keila at Cyril kasi eh. Masarap pa naman yung pagkain na hinanda ni mama kanina.As usual, si Drew nanaman ang nagorder. Sanay naman kami. Siya na kasi lagi yung nagiinsist and that's good too kasi mas nauuna niyang makuha yung mga order. Pinapauna na daw kasi siya nung mga babae sa pila. Natalaban daw kasi ng charm niya. Psh.
"Nagawa niyo na ba yung assignment sa science?" Tanong ni Keila.
"Oo na."
"Wahhh. Di ko pa tapos. Ang hirap kaya." Si Keila ba talaga to? Sa pagkakaalam ko, matalino naman siya. Di naman siya nahihirapan sa science subject. Bakit kaya?
"Anong mahirap? Madali lang kaya."
"Di ko kasi naiintindihan yung tigdidiscuss ni ma'am. Di ko alam kung bakit pero lutang kasi yung isip ko nun."
"Don't worry Keila. Tutulungan ka namin."
"Oo. At madali mo lang yun maiintindihan kasi madali lang naman talaga yun."
"Pero Keila, ano ba yung iniisip mo nung oras na yun?"
"Di ko alam. Wala naman siguro. Basta lutang lang talaga isip ko."
"Ahh. Okay."
***
Uwian na. Hayy salamat. Tapos na ang klase for the day. Kanina ko pa hinihintay maguwian. Ang rami na kasing pumapasok sa isip ko na mga informations. Baka lumaki na ang utak ko at sumabog. Edi ang tendency ay masasayang yung mga pinaghihirapan at pinagaaralan ko.Wahhhh. (Over reacting ako.)
Nandito pala ako ngayon sa kotse ni Zayn. Siya na daw ang maghahatid at sundo sa akin. Okay lang naman daw sa kanya kasi nadadaanan naman daw talaga niya itong village pagpapunta siya sa school at pagpauwi siya galing school.
Good thing din para sa akin para makasave ako ng pera. Yaaaayy. May savings na ako. Thanks to Zayn. Napansin ko na tinigil na ni Zayn ang kotse, di naman niya sinara pero tigstop lang sa......harapan ng bahay namin. Nandito na pala kami.
"Salamat Zayn."
"No problem."
"Sige, bye. Ingat ka."
"Bye."
Bumaba na ako at pumasok na sa loob ng bahay. Buti nlng at wala dito si mama, kundi kukulitin nanaman niya ako kay Zayn. Baka natutulog siya sa taas. Tumaas na ako at kinuha ko na ang laptop ko. Log in sa facebook and do my usual routines. What I mean is, scan my news feeds, accept friend requests, and view my notifications.
Nakita ko na nandun si Drew sa section ng 'accept friend requests'. Bakit ngayon niya lang naisipan ito? At bakit hindi ko naisipan ito?
Pinindot ko nlng yung 'accept friend request'. Syempre, kaibigan ko naman siya. Para makachat na rin kami. ^______^
Ahhhhh. Nakakapagod ang school. Daming tests, seatworks, quizes, homeworks, activities, lessons(syempre), and many more. Ok naman yun kasi marami kaming matututunan pero....hinay hinay lang naman. Napapagod rin naman kami.
Aside from those school related stuffs, I can say that it's just a normal day today. Nothing much happened.
A/N: Vote and comment po kayo. ^___^
BINABASA MO ANG
Puzzle: A Decision
Teen FictionSi Samantha ay simple lang na babae. Masaya na siya sa pagkakaroon niya ng simpleng buhay. Paano kung sa isang iglap ay nabago lahat dahil sa isang tao? Anong gagawin niya kung itong tao na ito ay minamahal niya at may nagawang makakasakit sa ka...