Chapter 1

5.7K 84 5
                                    

Mabagal akong naglalakad papasok ng school. The sun is high and its heat is a bit painful, pero ang lilim ng mga matatayog na puno na aking nadadaanan ay nagbibgay sa akin ng kaginhawaan.

The breeze of the afternoon wind blew gently, it slightly messed up my long and wavy hair. Agad ko itong inayos at sinuklay gamit ang aking mga kamay at nagpatuloy sa paglalakad.

I checked my wristwatch. Maaga pa kaya mabagal lang ang aking mga hakbang, enjoying the fresh air and the beautiful scenery of the vast rice fields.

A small smile crept to my lips when I heard the crunchy sound of dry leaves as I stepped on them. They scattered everywhere in this dusty road.

Agad akong tumabi ng may dumaang sasakyan. "Arrg. Alikabok" I mumbled. Biglang nagliparan ang mga dahon at alikabok dahil sa bilis ng takbo ng sasakyan. Kinuha ko ang aking panyo at itinakip sa aking mukha. 

Sa di kalayuan ay nasilayan ko na ang gate ng aming paaralan, mas marami na rin ang nakikita kong estudyante.

Ang paaralan namin ay isa sa pinakamalaki at pinakasikat na private school sa aming lalawigan. Thats why some students from nearby towns choose this school. They come here to study.

Halos mayayaman lang din ang nag-aaral dito, but that excludes me. I am not from a rich family at hindi kaya ng magulang ko ang tuition sa paaralang ito. But I am fortunate to be one of the scholars in this reputable school.

Programa ito ng pinakamayamang pamilya dito sa San Lucas. This is one of their ways to help and to give back to the society, to their less fortunate employees. Libre ang matrikula maging ang ibang pa naming pangangailangan tulad ng mga libro at iilang school supplies.

Isa si Tatay sa mga trabahador ng Pamilya Del Alguazil kaya nabigyan ako ng pagkakataong makakuha ng scholarship. I'll just have to maintain a required grade to keep my scholarship, bagay na hindi ako nahirapan dahil lagi naman akong nangunguna sa klase.

Not that I am bragging but I even exceed their expectations.

Grade 12 na ako at last year ko na ito bilang high school kaya palaging busy. Gayunpaman ay excited na akong makapagtapos at tumuntong ng kolehiyo.

I am also proud to say that I am the school's nerd, well that's what most students think of me. And I don't care. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

Specially those who judged me by the way I look, the way I dress or by my social status.

I only have one friend, Lianne, nerd din tulad ko. But unlike me, Lianne's family is filthy rich. Isa ang pamilya nila sa mayayamang tao rito sa amin. Malawak ang kanilang lupain at marami rin silang negosyo.

Shes been my friend since day one. Having Lianne as my bestfriend is more than enough. Six years of friendship and theres no doubt that I can trust her and I can always count on her. We shared laughters and tears.

I can say that she is just an average student, pero subsub siya sa pag-aaral kaya kahit papaano ay nasa top ten ito. I can't blame her though, her parents expected too much from her and she is too afraid to disappoint them.

Other students only make friend with me when they need something, lalo na tuwing exam. Okay lang naman sa akin dahil ayaw ko ring makipagkaibigan sa kanila. They are spoiled and selfish, palibhasa mayaman kaya walang ibang iniisip kundi ang kanilang mga sarili.

Pumasok ako sa malaking gate. Maraming estudyante sa paligid dahil lunch break pa lang. Tinungo ko ang daan papunta sa aking classroom ngunit bahagya akong natigil sa paglalakad ng makita ang grupo ng mga lalaki na nakatambay sa labas ng main building. I saw Bryan, Tom, Fabian and....Gabrielle!

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon