Today is his birthday. First birthday niya simula ng naging kami and I would like this day to be special. We've been together for almost 3 months now. At sa loob ng tatlong buwan ay wala akong ibang nararamdaman kundi kaligayahan. Kaligayahan na tanging so Gab lang ang nakapagbibigay.
For me, Gab is the most perfect boyfriend. He is beyond perfect. Sobra itong sweet, mapag-alaga at mapagmahal. Kahit pahit pa minsan ay nasusungitan ko ito.
Pakiramdam ko ay ako ang pinaka maswerteng babae sa buong mundo.
Oo at hindi maiiwasan ang tampuhan at hindi pagkakaunawaan, pero nalampasan namin ang lahat ng iyon. At handa ako sa aking sarili na harapin ang maaaring dumating pang pagsubok na titibay sa aming relasyon.
Nagplano kami na mag celebrate ngayong gabi. I thought he will throw a party just like what Andrew did, but my man would like a simple celebrarion. With me!
May practice ito ng basketball hanggang mamayang hapon at dapat ay mamaya pa kami magkikita. But I want to surprise him now. I know that men like surprises.
Bumili ako ng regalo para sa kanya. Isang relo, alam kong hindi ito kasing mahal ng kanyang mga isinusuot. Pero sana ay magustuhan niya pa rin ito.
Bumili rin ako ng isang maliit na cake. Pinalagyan ko iyon ng pagbati ko sa kanya.
Walang pasok pero heto at naglalakad ako sa loob ng paaralan dala ang inihanda kong regalo. Walang masyadong tao sa paligid.
Dumerecho ako patungo sa gym ng school kung saan sila naglalaro ng basketball. Pumasok ako at nagtaka dahil walang tao roon. Napakunot ang noo ko. Akala ko ba mamayang hapon pa matatapos ang practice nito?
May naririnig akong usapan at tawanan, mukhang nanggagaling ito sa locker room.
Naglakad ako patungo roon, siguro ay tapos na ang kanilang practice at nagbibihis na ang mga ito. Hihintayin ko nalang si Gab sa gilid ng pinto para masurpresa ito paglabas niya ng locker room.
Mas lalong lumakas ang tawanan habang naglalakad ako papalapit. Ng makalapit ay nanatili ako sa labas ng pintuan.
"Pasensya na talaga kayo tol kung kailangan kong umalis ng maaga. Magkikita kami ni Sam." boses iyon ni Gab. Napangiti ako, kaya pala hindi na sila naglalaro dahil gusto nang umuwi ni Gab.
"Okay lang captain. Pagbibigyan ka namin dahil birthday mo naman eh. Basta magpapainom ka ha" sagot ng isang lalaki. Hindi ko kilala ang kanyang boses, siguro ay isa sa kateam ni Gab.
"Oo ba. Sa next weekend. Ako ang bahala sa inyo." Gab answered. Naghiyawan naman ang mga lalaki.
Isa-isang naglabasan ang mga member ng basketball team. Tiningnan lang ako ng mga ito, ang ibang kilala ako ay ngumiti naman sa akin.
Pero hindi pa rin lumalabas si Gab. Mabuti na rin at nauna ng umalis ang mga ito para hindi naman nakakahiya kung kakantahan ko ng happy birthday si Gab.
Sumilip ako ng konti at nakita kong nandoon pa rin sina Fabian, Andrew at Bryan na nakaupo sa isang bench na nasa gitna ng locker room. Nakita kong nagtatanggal ng sapatos si Gab. Muli akong bumalik sa gilid ng pinto.
"So Gab, magkikita kayo ng hot mong girlfriend?" I heard Fabian's voice. Medyo nagtatawanan sila. I don't know if Gab laughed too. Is that how they address me? Pinag-uusapan rin pala ako ng mga kaibigan nito.
"Oo. Please dont call her that. Mamaya pa sanang gabi pero dadalawin ko ngayong hapon" Gab answered. Atleast sinaway niya ang kaibigan nito.
"Bakit? Totoo namang hot si Samantha. At ang ganda niya kapag hindi nakatabon ang kanyang buhok sa kanyang mukha" sabi ni Fabian. Hindi ko alam kung tatanggapin ko iyon as a compliment.
BINABASA MO ANG
Samantha
RomanceSamantha's ordinary life has changed when the school's bad boy fell in love with her. Naging sila at sobrang saya niya sa piling nito. He made her feel loved and beautiful at wala na siyang mahihiling pa. Ngunit paano kung isang araw ay malaman niya...