Chapter 16

1.6K 26 0
                                    

Months passed and Gab became more aggressive and passionate towards me. Gustong gusto niya na hinahalikan ko siya.

He became more touchy at palaging nakayakap sa aking bewang. He still liked sniffing my neck, like its some kind of his drugs.

Mula ng may nangyari sa amin, nasundan pa iyon ng ilang beses. He also became more possesive.

Its Friday and I was sitting on a bench with Lianne. Kakatapos lang naming maglunch. May meeting ang basketball team kaya wala si Gab.

May mangilan ngilang estudyante sa paligad at nagpapahinga. Ang ilan naman ay nagseselfie.

We were talking about Lloyd ng lumapit sa amin ang grupo ni Jessa. Napatingin kami ni Lianne sa kanila. Ano naman kaya ang kailangan nito?

"Hi, you are Samantha right?" bati nito sa akin at hindi pinansin si Lianne. Humalukipkip ito na agad namang nagsisunuran ang kanyang mga alipores.

"Hi. What I can do for you?" malamig na tanong ko sa kanila.

"Stop flirting with my Gabrielle. Ipinagkasundo na kami ng mga magulang namin. We will get married soon. Naawa ako sayo kaya sinasabi ko ito ngayon. Pinaglalaruan at pinagsasawaan ka lang ni Gab habang hindi pa kami kasal" galit niyang sabi sa akin. Hindi ko alam kung nagsasabi ito ng totoo o hindi. Pero ang sabi ni Gab, she is just a fiend. I tried to test her.

"Ganun ba? Sige at lalayuan ko siya. Huwag kang mag-alala, pagsasabihan ko yun na magtino na dahil ikakasal na pala kayo." nagkunwari akong affected. Kunot ang noong napatingin si Lianne sa akin. Confused of what Im saying.

"You dont need to tell him that. Just leave him alone Samantha" mabilis itong umiling.

"Why not? Concerned lang naman ako" kunwari ay nagtaka ko.

"Basta, huwag mo ng banggitin sa kanya na nag-usap tayo" sabi nito at mabilis na umalis. Bakit naman ito natatakot, baka gawa gawa niya lang na pinagkasundo sila para layuan ko si Gab.

"Paano kung sabihin ko parin? Paano kung sabihin ko sa kanya na kinausap mo ako at inutusang layuan siya? Natatakot ka ba dahil hindi naman totoo ang sinasabi mo?" mabilis kong sigaw sa kanya bago paman ito makalayo. Malamang ay narinig niya ang sinabi ko dahil humarap ito sa akin.

"Tell him that and you'll regret it. Kaibigan ni Mommy ang may-ari ng school na to at pwede kitang ipatanggal. Graduating ka pa naman" pananakot niya sa akin. Umiling iling pa ito.

Biglang tumayo si Lianne sa sinabi ni Jessa at hinarap ito.

"Hoy babaeng naglaklak ng gluta. Kung gaano ka kaitim noon, ganoon din kaitim ang ugali mo. Tandaan mo, boyfriend ni Samantha ang anak ng may-ari ng paaralang ito" matapang na sabi ni Lianne at dinuro si Jessa.

Nagulat naman si Jessa sa narinig at agad na sinabunutan si Lianne.

"You bitch" she cursed Lianne while pulling her hair.

Agad kong dinaluhan ang aking kaibigan, pero mabilis ring nahila ni Lianne ang buhok ni Jessa. Nagsabunutan ang dalawa.

I tried to stop them kaya sinubukan kong pumagitna sa kanila. Pinilit kong tanggalin ang kamay ni Jessa sa buhok ni Lianne.

"Jessa, Lianne please stop it" sigaw ko sa kanila. Nagsisigawan ang mga kaibigan ni Jessa sa likod nito.

Pero ibinaling ni Jessa sa akin ang kanyang galit at sinabunutan rin ako. Napadaing ako sa sakit dahil sa lakas ng paghila niya sa aking buhok.

"Malandi ka, inakit mo si Gab" sigaw niya sa akin. Hinihila nito ang aking buhok at nakuha pa nitong samapalin ako. Muntik na akong masubsob sa lupa.

SamanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon