I looked at the students around the school campus. Ang iba ay nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan, ang iba ay nag-aaral at ang iba ay kumakain.
Some are wearing beautiful dresses and some are just a plain shirt and simple denims. Some have high heeled shoes and some have sneakers.
Napatingin ako sa aking soot, oversized shirt na nakita ko lang sa cabinet ni Tatay at maluwag na maong na kasya pa ata ang isa pang tao.
I shrugged, this little things that I ignore meant so much to others. Ang iba ay hindi nakakalabas ng bahay kung walang make up at kung hindi naka porma.
But I have my reasons, the way these women bear their own reasons why they wear their beautiful dresses.
Bumuntong hininga ako upang iwaksi ang mga iniisip. Patuloy akong naglakad papunta sa office ng mga teacher. Ihahatid ko ang mga quiz papers na pinacollect sa akin ng aming guro. Nasa tabi ng gym ang kanilang office kaya kailangan ko pang umikot ng main building.
Sa di kalayuan ay nakita ko ang grupo ni Gab na nakaupo sa isang bench. Ang iba ay naka jersey uniform pa, siguro ay nagpractice ang mga ito ng basketball. Sa pagkakaalam ko ay may laro sila next month. Kasali ang lahat ng high school sa buong lalawigan.
Malamang ay pressured ang mga ito dahil sila ang defending champion.
Sa tabi ni Gab ay isang babae na nakayakap sa kanyang braso. Si Jessa Mendez. Grade 11 at ang beauty queen ng school.
Ito ang nanalo sa pageant noong intramurals at nabalita sa buong school na patay na patay ito kay Gab. Jessa is pretty, sexy at mayaman. The kind of girl that will suit with Gab. Bagay na bagay silang tingnan.
Yumuko lang ako at patuloy na naglakad. Mas lalo kong binilisan ang mga hakbang ng mapadaan ako sa kanilang grupo.
Agad namang tinanggal ni Gab ang kamay ni Jessa ng makita ako. Hindi ko nalang ito pinansin at dumerecho na sa opisina ng mga guro.
Pagkatapos kong ibigay ang mga papel ay lumabas na ako at bumalik sa classroom. Iba ang dinaanan ko para hindi ko na uli makita sina Gab.
Pagdating sa classroom ay padabog akong naupo. I didnt mean to do that. May sarili atang pag-iisip ang aking katawan. Bakit ganito ang nararamdaman ko. Naiinis ako ng walang dahilan.
Nahalata ni Lianne ang busangot kong mukha. Kunot ang kanyang noo ng tumingin sa akin. Nagtataka sa inaasal ko.
Wala si Gab at ang mga kaibigan nito. Siguro ay hindi na naman sila papasok.
"O bat nakalukot yang mukha mo? Baka habulin ka ng plantsa niyan" biro ni Lianne. Hindi ako natawa kaya inirapan ko siya.
"Ang corny mo" bara ko sa kanya. Hindi ko alam kung may nakakatawa ba sa sinabi ko dahil bigla itong humagalpak ng tawa.
"Ano ba kasing nangyari" natatawa niyang tanong. She leaned back in her chair and curiously eyed me.
"Wala, si Gab kasi nakita ko may kalandian doon sa labas" wala sa sariling sumbong ko sa kanya. Sobrang hina ng aking boses kaya hindi ko alam kung narinig ba ako ni Lianne.
"Selos ka?" she cooed and tossed her hair.
"Hindi no. Bakit naman ako magseselos, hindi naman kami" I immediately denied. Kung anu-ano ang naiisip ng babaeng to.
"Nagseselos ka nga!" she declared. Inihilig niya ang kanyang ulo sa aking balikat. "Sammy, hindi tutulis yang nguso mo kung di ka nagseselos. Baka naman friend lang sila nong girl" pang-aalo niya sa akin.
Hindi ako sumagot dahil alam kong ipipilit lang talaga ni Lianne na nagseselos ako. Hindi naman ako nagseselos. Nakakainis lang talagang isipin na nanliligaw ito sa akin tapos may kalandian palang ibang babae.
BINABASA MO ANG
Samantha
RomansaSamantha's ordinary life has changed when the school's bad boy fell in love with her. Naging sila at sobrang saya niya sa piling nito. He made her feel loved and beautiful at wala na siyang mahihiling pa. Ngunit paano kung isang araw ay malaman niya...